Sinundan namin siya ni Bella papasok ng bahay. "Lolo, lola mommy and daddy is here. Aalis na po kami." excited na paalam ng apat na taong gulang na si Ella. "Good afternoon po." Bati ko sa mga magulang ni Bella. "Good afternoon din iho.Paano umalis na kayo para hindi kayo gabihing masyado." "Okay po Tito." "Ella apo huwag masyadong makulit ha." "Yes lola, mabait naman po ako eh. Nagbebehave lang po ako. Diba daddy?" "Hmmm." Tumango na lamang ako baka mamaya ay magtampo na naman sa akin. "Iho ingatan mo yang anak at apo namin ha. Ibalik mo ng buo ang mga yan. Ayokong may mangyaring masama sa kanila." "Papa ipapasyal lang ho namin si Ella. Makapagsalita ka parang pupunta kami sa gyera.." saway ni Bella sa ama niya. "Iha anak marami ng masasamang loob ngayon ang nagkalat. Mas mabut

