CHAPTER 21

1052 Words

Parang pinipiga ang puso ko sa aking nakita. Nakahiga siya, walang malay at maraming nakakabit na aparato sa katawan. Hindi ko namalayang naglandas na pala ang mga luha ko sa mata. "Ar..man..do..." mahina kung tawag sa kanya. Hindi ko maibuka ng maayos ang bibig ko dahil nanginginig na ito. Lumapit ako sa kama niya at naupo sa upuan na katabi nun. Lumingon ako kay Justine. "Anong nangyari sa kanya?" Hindi ko alintana kahit makita niya akong umiiyak. "Comatose siya.." "Ano? Bakit.. Paano..?" "Maraming dugo ang nawala sa kanya. Pareho kayong walang malay ng maabutan namin sa crime scene. Medyo malala yung tama nya.." "Eh bakit hindi nyo dinala sa ospital? Kay yaman yaman niyo nagtitiis sya dito. Anong silbi ng pera niyo" sermon ko sa kanya. "Tumawag ka ng ambulansya dali." Utos ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD