CHAPTER 10

1163 Words
***FLASHBACK*** ARMANDO'S POV Pauwi na ako sakay ang aking sasakyan. Kalalabas ko lang galing DV CORP. Nasa highway na ako ng mamataan ko ang isang babaeng naglalakad. Si Mia, ang kaisa isang babaeng tinawag akong mukhang palaka at lakas loob na nangtrip sa akin. "Hmmm." Iniisip ko ngayon kung pano ako makakaganti sa kanya. Dahan dahan akong nagmaneho para hindi ako lumagpas sa kanya. Pinagmamasadan ko siya mula sa loob ng sasakyan. Mga ilang metro pa ang layo para hindi niya mahalata. Maya maya pa ay nagpalinga linga sya. Naramdaman niya sigurong may nagmamasid sa kanya. "Ang talas ng pakiramdam mo ha." Natawa kong sabi. Di nagtagal ay huminto siya sa paglalakad at lumingon sa likuran niya. Nang walang makita ay nagpatuloy ulit sa paglalakad. "Huh, sorry ka na lang hindi mo ako makikita mula dyan sa labas. Tinted kaya tong glass window ko." Pagmamayabang ko pa kahit wala naman akong kausap. Ilang sandali pa ay nagmamadali na itong maglakad. "Haha. takot kaba sa stalker?" "Hmmmm. mukhang alam ko na kung pano makakaganti sayo." usal ko habang nakangisi dahil may naisip akong kalokohan. Maya maya pa halos lakad takbo na ang ginagawa nito na siyang ipinagtaka ko. "Fuck." Napamura ako nang makita ko ang tatlong lalaking sumusunod sa kanya. Hindi ko man lang napansin kanina. Mukhang napagtripan ito ng mga lokoloko. Binilisan ko ang pagmamaneho dahil nakakalayo na sila. Kailangan ko siyang abutan. Pagdating sa kanto ay nakita ko siyang lumiko. Lumiko din ang tatlong lalaki. "Damn it." Mas delikado doon dahil wala masyadong tao. Marami rin ang loko loko sa lugar na yun. Marami na ang napapabalitang naholdap dun. Buti sana kung holdap lang ang habol ng mga yun. pano kung may iba pa silang balak. "Fuck." napamura ako dahil sa mga iniisip kong pwedeng mangyari sa kanya. Pinarada ko ang sasakyan sa kanto kung saan sila lumiko. Bumaba agad ako at sinundan sila sa looban pero hindi ko na sila makita. "Nasaan na kayo..?" May nakita akong iskinita, lumingon ako doon, nagbabakasakaling makikita ko sila, pero wala kaya dumeretso lang ako. Maya maya pa ay may narinig akong putok. "f**k you.!!!" Tumakbo ako papunta sa kung saan nanggagaling ang putok. Mukhang nasa unahan pa. Halos lumipad na ako para makarating agad. Malapit na ako ng makarinig ulit ng putok. Hindi lang isa kundi tatlong putok. "Oh my God. Help her." sambit ko habang tumatakbo. Hindi ko alam pero sobrang kaba ang nararamdaman ko. "Keep her safe Lord." napanalangin ako ng wala sa oras. Pagdating na pagdating ko, nakita ko silang hinahabol si Mia. Napatingin ako sa kanya, mabilis itong tumatakbo papunta sa kabilang dulo. "Oh God." Kahit may kalayuan nakita ko ang balikat nyang dumudugo. Malamang tama iyon ng bala. "Hey.!" tawag ko sa tatlong lalaki. Kailangang mabaling sa akin ang kanilang atensyon para makalayo si Mia ng ligtas. "What are you doing to her? Hindi na kayo naawa dun sa babae walang kalaban laban." hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para kausapin ang tatlong ito. Alam kung mapapahamak din ako sa ginagawa ko pero nanaig ang kagustuhan kong mailigtas si Mia. "Kung pera ang kailangan niyo ito nalang pera ko ang kunin nyo, mukha namang walang pera yung babae eh." alok ko sa kanila baka sakaling kumagat. "Hindi pera mo ang kailangan namin kundi ang babaeng yun." sagot nung may hawak ng baril. "Bakit maganda ba yun? Mukhang hindi naman yun kagandahan eh. Mukha ngang...." napaisip tuloy ako kung anong idudugtong ko. Ano nga ba ang kamukha niya? " Ahhh, mukha nga siyang palaka eh. Ang pangit diba." dugtong ko dahil wala naman akong ibang maisip kundi ang mukhang palaka pa rin. "Maraming magaganda dun sa club, hindi nyo na kailangang magpakahirap pa sa paghabol. Hindi rin masasayang ang bala nyo. Libre ko na kayo kung gusto niyo." dagdag ko pa. "Eh kung itong mga bala ko ang ilibre ko sayo." sagot niya sabay tutok ng baril sa akin. Shit hindi man lang umubra. Kumaripas na ako ng takbo pabalik sa pinanggalingan ko kanina bago pa niya maiputok ang baril niya. At hindi nga ako nagkamali dahil pinaputukan na ako, mabuti nalang nakapagtago ako sa isang sulok. Hinabol nila ako. "Lagot na mukhang ako naman ang target nila. Mamamatay tao yata ang mga taong to eh.. Naka drugs ata." Tumakbo ako at nagpasuot suot sa mga malilit na iskinita. Kailangan kong mailigaw sila para mabalikan ko si Mia. "Kamusta na kaya siya. Ok lang kaya siya? Ilan kaya ang tama niya? Nakatalikod siya kanina kaya ang balikat niya lang ang nakita kung dumudugo. Hindi ko alam ang sa harap. Pano kung may tama din siya sa harap. s**t. Huwag naman sana. Kinakabahan ako sa mga naiisip ko. Takbo ako ng takbo para makalayo sa mga lalaking yun. Maya maya pa ay wala ng sumusunod sa akin. Napahinto ako at nagkubli muna sa isang sulok dahil baka bigla silang dumating. Habol hininga akong napasandal sa pader. Pinakiramdaman ko ang paligid. Mukhang nailigaw ko na sila dahil wala na akong naririnig. "Nasaan na kaya sila?" Umalis ako sa pagkakasandal at naglakad ng dahan dahan. "Nasaan na kaya si Mia? Paano kung binalikan siya ng mga lalaking yun kaya hindi na nakasunod ang mga ito sa akin. Shit, kinabahan na naman ako sa kaisipang iyon. Kailangan ko siyang mahanap. Naglakad ako pabalik para hanapin si Mia, ngunit hindi ko na alam kung saan ang daan. Naligaw na ako kaya ang ending ay sumuot ulit ako kung saan saan. Nagbabakasakaling makalabas sa lugar na iyon. Ngunit hindi nagtagal ay nakarinig na ako ng putok sa di kalayuan. Bigla akong napahinto. Tsinek ko ang aking sarili ngunit wala naman akong tama. Iniisip ko kung saan banda nanggaling ang putok. Ilang segundo lang nakarinig pa ako ng dalawang sunod sunod na putok. "f**k!" naisip ko agad si Mia. Kumaripas na ako ng takbo papunta sa kung saan nanggagaling ang putok. Sa hinuha ko nasa malapit lang ito base na rin sa lakas ng tunog. Binaybay ko lang ang daan at sa dulo ay may nakita akong daan paliko. Pagliko ko ay nakita ko ang tatlong lalaki. Nakatutok ang baril ng isa sa dalawang binatilyong kumaripas ng takbo papunta dun sa kabilang dulo at nagpaputok ito ulit. "f**k, bakit ang dali lang sa kanila ang bumaril ng tao. Anong trip ng mga ito. Mga halang ang kaluluwa ." Hindi nila ako napansin dahil nakatalikod sila sa akin. Paharap sila dun sa kabilang dulo kung saan nagtatakbo ang dalawang binata. Nagkubli muna ako sa pader para hindi nila makita kung sakaling lumingon sila sa kinatatayuan ko. Pumutok ulit ang baril. "Tara na, patay na yan. Habulin yung dalawa para walang witness.." Rinig kung sabi ng isa. Sumilip ako ng kaunti para malaman kung ano na ang nangyayari. Nakita kung hinabol nila yung dalawa. Umalis na ako sa pinagkukublian ko para sundan sila. Ngunit laking gulat ko ng makita ko si Mia sa di kalayuan, nakahandusay sa sahig at puro dugo ang katawan. "Fuck.!!!?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD