CHAPTER 9

1093 Words
AMARI'S POV "Buhay pa ba ako? tanong ko habang nakapikit. Sabi nila pagpatay ka na, wala ka nang maramdamang sakit. Siguro buhay pa nga ako dahil naramdaman kong nanakit ang aking buong katawan. Ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Ang tahimik ng paligid. Hindi kaya nasa langit na ako? Sinubukan kong idilat ang aking mga mata. Nakita ko ang isang lalaking pamilyar ang mukha. Nakatitig ito sa akin. "Nasaan ako? Bakit kasama ko ang lalaking ito?" Inikot ko ang paningin ko sa loob ng kwarto. Puro puti ang nakikita ko kaya alam kong nasa hospital ako dagdag pa ang gamot na naaamoy ko. Habang dahan dahan kong pinagmamasdan ang paligid ko iniisip ko ang mga nangyari. "Bakit nandito sya? Siya ba ang nagligtas sa akin? Andun ba sya ng mangyari ang lahat? O baka naman siya ang...Ohh! s**t. Posible... Posible ngang siya ang nagpapatay sakin. Sya ba ang mastermind? Bigla akong kinabahan. Bigla akong napalingon sa kanya. Mas lalong nadagdagan ang kaba ko ng lumapit siya sa akin. "Nooo, no. please. huwag kang lumapit." Pakiusap ko sa kanya. Hindi ko mapigilang manginig dahil sa takot. May sinasabi sya pero hindi ko maintindihan dahil mas nanaig ang takot na nararamdaman ko. "Noooo, don't get near me. Please.. Please...nnnoooo. Parang awa mo na, pleaaseee." pagmamakaawa ko sa kanya. Pakiramdam ko, sasaktan niya ako. Hindi pumapasok sa utak ko ang mga sinasabi niya. Sinubukan kung tumayo para kung sakaling sasaktan nya nga ako ay makakalaban ako kahit papano. Pero laking panlulumo ko dahil hindi ko kayang bumangon. Kumikirot ang buo kong katawan. "Sabi ko huwag kang lumapit!! Pleaassee, dont!! "Ok, just calm down okay. Makakasama sayo yan. Tatawag lang ako ng doctor." paalam niya sa akin. Napaisip ako bigla. Kung siya ang nagpapatay sa akin dapat pinatay na niya ako nung wala akong malay, nung wala akong kalaban laban, pero hindi niya ginawa. Siguro nga siya ang tumulong sa akin at nagdala dito sa ospital. "Pero paano? Nakita niya ba ako doon sa iskinita na walang malay? Paano siya napunta don. May nagsabi ba sa kanya?" Nasa ganoon akong pag iisip ng makita kong tumalikod sya palabas ng kwarto. Nagpanic ulit ako dahil baka hinahanap ako ng mga nagpapatay sa akin. Pagnatunton nila ako dito at walang kasama, madali lang para sa kanila ang patayin ako. Malamang katapusan ko na. Bigla akong kinabahan. ”No please. Huwag..." sigaw ko agad bago pa siya makalabas ng pinto. ”Don't leave me here. Please." Pakiusap ko sa kanya. "I'll just call a doctor okay. I"ll be back" "Nooo!!! sabi ko wag mo kong iwan dito! Bumalik ka dito please, parang awa mo naa..." "Please....pakiusap...huwag mo kong iwan...?" Disperada na akong nakiusap sa kanya. Takot na takot akong iwan niya. Nang hindi siya gumalaw sa kinatatayuan niya at walang balak pumasok muli, pinilit kong tumayo. Kahit kumikirot ang mga sugat ko at hindi ko kaya sinubukan ko pa rin. Desidido akong sumama sa kanya kesa naman iwan niya ako at mapatay ng mga taong yun. Napasugod siya pabalik sakin ng makita niyang wala akong balak magpaiwan. Tinulungan niya akong humiga ng maayos ngunit natigilan sya. Naninginig ng husto ang katawan ko sa sobrang takot at hindi ko rin ito mapigilan. Tumitig siya sa akin, at ganun rin ako sa kanya. Nakikita ko sa kanyang mga mata ang pag aalala at awa. " Please, tahan na. Please calm down. Hindi kita sasaktan okay?" " At hindi ko hahayaang saktan ka ulit nila... hmmm." Hindi ko inalis ang mga titig ko sa kanya. "Papatayin nila ako. Hindi sila titigil hanggat hindi nila ako napapatay. Hahanapin ulit nila ako." "Ssshhh. hindi ko hahayaang mangyari yun okay. Sa ngayon kailangan kang matingnan ng doctor, babalik din..." "No... !!" Tutol ko agad sa sasabihin niya. Para akong batang umiiyak sa harapan niya na takot iwan ng magulang. "Fine.. basta ipangako mong kumalma ka.. at wag ka ng umiyak ok. Makakasama sa sayo." Hindi ko alam kung bakit pero ang sarap sa pakiramdam ng binitiwan niyang mga salita. "Ummmm." Tango ko agad dahil baka magbago na naman bigla ang isip niya. Maya maya lang nagulat ulit ako dahil bigla siyang tumayo. "Akala ko ba hindi na siya lalabas. Niloloko lang ba niya ako? Pipigilan ko sana siya ng makita ko ang ginawa niya. Pinindot niya ang buzzer na nasa wall na nasa bandang uluhan ko. "Hahaha. ngayon ko lang naisip yun ah. Pwede naman pala siyang tumawag ng doctor ng hindi na lumabas." Umupo siya ulit habang napapakamot sa batok. Tumingin siya sa sakin na parang nahihiya. Namumula kasi ang mukha niya. Ngumiti ako sa kanya ng tipid. At mas lalo pa syang namula. "Hmmm. How cute... ARMANDO'S POV " Please be careful. Masyado siyang natrauma sa mga nangyari sa kanya. Binigyan ko na sya ng pampakalma. Basi sa mga sinabi mo mukhang hindi ito ang unang beses na nangyari ito." anang doctor na kaibigan ko rin. "Okay. Ibig mong sabihin pwedeng nangyari na ito sa kanya dati?" "Base on your conversation a while ago mukha nga. Sabi niya kamo, hindi siya titigilan ng mga yun hanggat hindi siya napapatay, na hahanapin siya ulit ng mga yun, diba?" "f**k, ibig sabihin nangaganib talaga ang buhay niya. Akala ko napagtripan lang siya ng mga loko lokong mga halang ang kaluluwa." "Well, mukhang hindi ganun ang sitwasyon niya. Hindi kaya may atraso siya sa mga yun.?" "Hindi ko rin alam." "Gaano mo ba sya kakilala? Kung totoong may gustong pumatay sa kanya baka madamay ka bro. Umiwas ka na lang sa kanya habang maaga pa." "Nangako ako sa kanya na hindi ko sya iiwan dito. Baka paggising niya at wala ako ay magpanic siyang muli." "So nag aalala ka sa kanya?" Hindi ako kumibo. "Nag aalala nga ba ako?" "Naku bro, mahirap yan... silence means yes. Baka tinamaan ka na?" "Hindi ah. Naaawa lang ako sa sitwasyon niya." "Kung ganun umiwas ka na sa gulo habang maaga pa. Dahil baka pati buhay mo ay malagay sa alanganin. Kung hindi mo macontact ang mga kamag anak niya ipaubaya mo nlang sa mga pulis." Tumango tango lang ako. "Cge mauna na ako at may ibang pasyente pa akong ichecheck." Pagkalabas na pagkalabas ng doctor na kaibigan ko ay lumapit agad ako sa gilid ng hospital bed at mataman ko syang tinitigan. "Sino ka nga ba talaga? Anong kasalanan mo sa mga taong iyon at gusto kang patayin?Bakit ni isang kamag anak mo ay hindi ko mahagilap? May tinatago ka ba?" Mga tanong ng isip ko na hindi ko kayang bigyan ng sagot. Inalala kong mabuti ang mga nangyari kagabi...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD