DON MIGUEL'S POV "Nahanap na ba si Ramon?" tanong sa akin ng ama ni Bruce na si Anton. Magkakapatid kaming tatlo ni Ramon. Ako ang panganay, pangalawa si Ramon at bunso naman si Anton. Nag uusap kami habang sakay ng chopper patungo sa kabilang baybayin. Nagbabakasakaling makita ang mga anak namin. "Hindi pa. Hinahanap pa rin siya ng mga tauhan ko at mga pulis." "Saan kaya nagtatago ang gagong yon?" galit na tanong ni Anton. "Mahahanap rin natin siya. Kailangan lang ng ibayong sikap." "Huwag lang siyang magpapakita sa akin dahil mapapatay ko talaga ang lalaking yon. Anong pumasok sa utak ng gagong yon at dinamay pa pati ang mga bata." "Kaya kailangan natin siyang mahanap. Hindi ko rin alam kung anong rason niya. Malalaman lang natin ang dahilan kapag nakita na natin siya." "Kung si

