Sabay kaming bumalik ni Bella sa tent. Sumama siya sa akin dahil gusto niyang makausap si Don Miguel tungkol sa mga magulang niya. Nangako kasi si Don Miguel na ililigtas nito ang mga magulang niya at kapatid. Si Bella pala ang tumawag at nagbigay alam sa kanya na nandito si Mia. Pagdating sa tent ay hindi nakaligtas sa akin ang masamang tingin ni Brandon sa aming dalawa ni Bella. Binalewala ko lang iyon at patuloy lang kaming naglakad ni Bella patungo sa kinaroroona ni Don Miguel at ng asawa niya. Pagkatapat namin kay Brandon ay bigla itong nagsalita. "Ilang araw pa lang na nawawala si Amari nakahanap ka kaagad ng kapalit?" kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya "Ahh, Armando mauuna na ako. Dederetso na ako doon kina Don Miguel." paalam n

