Nakahiga na ako sa kwarto ko. Si Ariella naman at si Ella ay nasa kabilang kwarto. Hindi ko alam kung anong sinabi niya sa bata at napapayag niya itong tumabi sa kanya. Mabuti na rin yon dahil kung wala syang katabi ay tiyak na dito na naman siya sa kwarto ko manggugulo. Hindi kasi sya nakakatulog sa ibang kwarto kapag walang kasama. Kaya kapag dito sya umuuwi ay iniexpect ko na na talagang magulo ang kwarto ko. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang sinabi ni Ariella. Bakit ba siguradong sigurado siya sa nakita niya. Bigla kong naalala ang nangyari sa tulay ng San Sebastian. Kung saan sinasabi ni Bella na nakita niya rin si Mia. At pareho sila ng sinasabi. Na sigurado silang dalawa sa nakita nila. Hindi naman siguro sila magbibiro ng ganong bagay. Iisang tao lang ba ang nakita nila? B

