Pagkatapos ng tawag ay agad niyang nilagay ang telepono niya sa bulsa. "On the way na si Sierra bro. Hihintayin ko lang ulit ang tawag niya at susunduin ko siya sa labas ng sundivision pagdating niya." "Ohh okay bro. Magpapahanda muna ako ng hapunan para dito na kayo kumain." "Thanks bro." Umalis ako at pumuntang kusina para magpaluto kay manang ng hapunan. Si manang Elena pala ay nandito pa rin sa akin nagtatrabaho. Noong nalaman niya na namatay si Mia ay iyak din ito ng iyak. Sinisisi rin niya ang sarili niya dahil siya pala ang nagbigay ng mga gagamitin ni Mia bago ito umalis. Sising sisi siya kung bakit niya pa pinagbigyan si Mia noon. Gustong gusto kong magalit kay manang pero wala naman na akong magagawa. Lahat kaming malalapit kay Mia ay siya ring naglagay sa kanya sa panganib

