CHAPTER 21

1441 Words
Galing ako sa comfort room at paglabas ko ay nakita ko si Tonie na nakaupo at parang inip na inip sa paghihintay sa akin.Napakunot tuloy ako ng noo habang papalapit sa kanya kahit na alam ko na kung bakit.May chika na naman itong hindi makapaghintay. Ay nako Tonie,oras ng trabaho.Alam ko na yang hilatsa mo.Alam kong may tsismis ka na namang hindi makapaghintay.Napaka marites mo talaga.wika ko habang naglalakad pabalik at makaupo sa pwesto ko. Grabe ka naman sa kin.Ikaw na nga tong hahatiran ko ng chika ayaw mo pa. O sya sige ano ba yun spill it na para makapagtrabaho ka na ulit baka biglang dumating dito si Sir Mendez lagot ka na naman doon. Alam mo ba,may paghampas pa si Tonie sa braso ko.Nadinig ko lang naman to.Pero sa housekeeping daw galing.May guest daw tayo na sobrang gwapo.Iba daw ang kulay ng mata.Kaya lang parang masungit daw at suplado.Don mismo galing sa naglinis don sa room na i o occupy nung guest.Pagchichika ni Tonie na nanlalaki pa ang mata. Tapos ka na?Yun lang?Okay balik ka na sa place mo.Walang gana kong reaction sa kwento ni Tonie. Yun lang reaction mo.Di ka man lang ba magiging curious kung sino yun. Bakit naman?Marami naman na tayong naging guest dito sa hotel na mga gwapo hindi lang sya.And its not my obligation na kilalanin ko sila isa isa as long as maayos silang nag i stay dito .My main concern is yung paghire sa mga magiging empleyado dito ang yung mga empleyado na.Magsungit sya hanggang gusto nya attitude nya yun e bahala sya. Pero iba daw ang kagwapuhan nito. Hirit pa ni Tonie at kinikilig pa.DAW.Ibig sabihin hindi sigurado.Alam mo bumalik ka na sa pwesto mo dahil kung hindi tatawag ako kay Sir Mendez sasabihin ko nandito ka chinichika lang ako. To naman may regla ka ba girl.Sige na nga mamaya na lang lunch.Kala ko pa naman magkakainteres ka.Malay mo single pala sya and magustuhan mo or magustuhan ka kapag nakita ka. Ano naman palagay mo sa kin atat magkaboyfriend?Sige na balik na sa pwesto. Pagtataboy ko kay Tonie.Naaaksaya lang ang oras ko sa walang wisyo mong balita.Walang nagawa si Tonie kundi tumayo at umalis. Napailing na lang ako pagkalabas ni Tonie.Basta sa mga chismis hindi mauunahan . Napaisip tuloy ako kung sino yung guest.At sino kaya yung taga housekeeping na naglinis doon at grabe naman kung magkwento. Sobrang gwapo.Nagsasalubong tuloy ang kilay ko sa defenition na sobrang gwapo daw. Nagkibit balikat na lang ako sa isiping iyon. Saka bakit ba pag aaksayahan ko yun ng oras.Mas madaming dapat isipin kesa sa balita na yun.Kung sobrang gwapo nya ba e di good for him.Ibinalik ko na lang ang atensyon sa ginagawa ko bago ako inabala ni Tonie. Dumating ang lunch.At ewan ko ba, pagbukas pa lang ng elevator ay mukhang busy ang mga nasa loob sa pagkukwentuhan.Tumigil lang sila ng pumasok kami nina Tonie at binati ako.Tapos ay nagpatuloy ulit sa pagbubulungan..Girl sana makita natin yung guest na naka check in sa room 2001 no. Mabuti pa yung nasa reception at yung taga housekeeping nakita na sya.Sabi nung isang empleyado na kasabay namin sa elevator. Kaya nga girl.Kilig na kilig na kwentuhan ng dalawang empleyado.I rolled my eyes. Tinitingnan ko lang ang magiging reaction nina Tonie sa sinabi nung kasabay namin. Hindi lang pala yung kasabay namin sa elevator ang na curious sa guest sa 20th floor dahil pagdating namin sa canteen ay busy din ang mga kumakain doon sa pagkukwentuhan tungkol doon sa guest sa 20th floor lalo na ang mga babae.Sobrang bilis kumalat talaga ng balita.Siguro kung magpopost ako sa mga social media account ko tungkol don sa guest na yon ay siguradong trending yun. Idagdag pa yung tatlo kong kaibigan na akala mo mga walang boyfriend kung kiligin. Umayos nga kayong tatlo ang gulo nyo.Ang ligalig nyo.Pagsaway ko kina Andhie habang nakapila para bumili ng pagkain.Kung kumilos kayo parang wala kayong mga boyfriend.Chat ko kaya mga boyfriend nyo sabihin ko humaharot pa kayo.Ano? Hmp. Ang kj mo talaga palibhasa wala kang boyfriend.Sinundan pa ng tawa ni Max.Kaya nakitawa din yung dalawa. Kung sinasagot mo na kasi si Sir Earl. Hindi yan ang solution kaya wag kayong ano dyan.Saka pag ako nagkaboyfriend hu u kayong tatlo sa akin.Maghintay lang kayo. At hanggang kelan kami maghihintay Maam Alie.Baka may anak na kami wala ka pang boyfriend.Lalo naman nagtawanan yung tatlo sa sinabi ni Tonie Bigla naman dumating si Earl kaya nakasabay na din namin sa pila. Nasa table na kami at nagsisimula ng kumain ng magtanong si Earl.Anong meron at bakit parang iba ang aura ng mga nandito?Hindi na siguro nakatiis si Earl kaya nagtanong na.Kay Tonie mo itanong.Siguradong masasagot ka nyan.Sagot ko. Napatigil naman si Tonie sa pagsubo. Kasi po Sir Earl dahil don sa guest daw don sa 20th floor.Grabe daw ang gwapo Sir. Ichinika ko nga kay Maam Alie kaya lang nasungitan lang ako. Kasi naman inistorbo mo pa talaga ako para doon. Ah oo meron nga nameet ko sya kanina actually.Pinuntahan ko sya sa room 2001 at tinanong kung okay lang ba yung room nya. Sabay sabay naman nanlaki ang mata nung tatlo.Oh my gad.Totoo sir.Gwapo po ba talaga.Yung mata nya anong kulay po.Sana Sir sinama nyo kami kanina para nakita na din namin.Napailing na lang si Earl sa kakulitan nung tatlo.Damihan nyo na lang ang kain at gutom lang yan.Lilipas din yan. Wala na ngang nagawa yung tatlo kundi ipagpatuloy ang pagkain. Hanggang sa mag uwian ay yung guest pa din ang topic dito sa hotel.Kahit sina Andhie ay yun pa din ang topic kaya naririndi na ako. Magkakasabay kaming lumabas at isasabay ko din sila sa sasakyan.Kina Tonie na lang bababa sina Max at Andhie.Napailing na lang ako.Isang maghapon pa lang ano pa kaya kung bukas at sa isang araw ay usapan pa din yung guest na yun. Pagdating ko sa bahay ay sa sala muna ako dumiretso.Pakiramdam ko pagod na pagod ako lalo na yung tenga ko dahil kahit nasa sasakyan na ay yung guest pa din ang topic ng mga kasama ko.Habang nagpapahinga ay dumating naman si Mama galing kusina. Humalik ako sa pisngi nya.Umupo naman siya sa tabi ko.Sinabi niya na malapit ng matapos sina Manang sa pagluluto. Anak,sabi ni Tito Dan mo may nakita na daw syang lote kaya lang medyo malayo dito sa Manila.Pero maganda naman daw ang lugar. Pag iinform ni Mama.San daw po sya nakahanap?Tanong ko habang nakasandal pa din ang ulo sa sandalan.Sa Tagaytay daw anak.Bigla naman ako napaalis sa pagkakasandal sa upuan dahil sa gulat. Talaga Ma?Sa Tagaytay nakahanap ng pwesto si Tito Dan?Tanong kong hindi makapaniwala. Oo anak.Bakit gulat na gulat ka?Kasi maganda naman talaga doon.Paborito ko kayang pumunta sa Tagaytay Ma kasi ang sarap ng klima doon.For sure papatok yung restaurant mo because they have two reasons.First is the food and second is the place,the view that is so relaxing.Perfect yan Ma.Buti nakahanap ng pwesto don si Tito Dan.Sana lang talaga maging okay yung magiging Architech mo para maganda ang maging design at makita ang ganda ng lugar. Habang nagkukwentuhan ay sinundo na kami ni Ate Isay at sinabing kakain na kaya naman naputol na ang kwentuhan namin at tumayo na din kami ni Mama at sabay sabay na kaming pumunta sa kusina. Kumusta naman ang trabaho mo? Kayo ni Earl kumusta?Tanong ni Mama habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain.Uminom ako ng tubig bago ko sinagot si Mama isa pa na stress ako bigla sa tanong niya.Earl and I,we're good.Ganon pa din.Sa office naman okay naman po kaya lang yung maghapon ko ngayon stress yata ako bigla gawa nung guest namin.Kumalat sa mga employee na ang gwapo daw.Pati sina Andhie jusko ko Ma ang sarap isumbong sa mga boyfriend nila.Pagkukwento ko. E bakit ikaw ang naistress anak.Parang affected ka masyado.Baka naman gwapo nga yung guest nyo. Im not affected Ma kung sa hitsura lang non. Affected ako sa mga nadidinig ko.Nakakarindi kasi paulit ulit.Na kesyo napakgwapo ganito ganyan.Sa elevator,sa canteen,kahit sa loob ng sasakyan ko yun pa din ang topic nina Tonie.Saka kahit pinakagwapo pa sya sa lahat kung pangit ugali nya. Tama ka dyan Maam Yums.Aanhin mo yung gwapo kung napakapangit ng ugali. Okay lang na hindi kagwapuhan pero napakabait naman.Yung magalang at mabait din sa ibang tao.Tulad ni Sir Julio walang tinitingnang antas ng pamumuhay para irespeto ng tama.You're right Ate Isay.Parang si Papa diba. E baka naman nga anak gwapo yung guest nyo? Di na ko kumibo at nagkibit balikat na lang ako.Hindi ko din naman masasagot si Mama ng tama dahil hindi ko pa naman nakikita yung guest.Hindi naman ako yung tipo ng maniniwala agad sa mga hearsay hearsay lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD