Nakabihis na ako.Pagdating ko sa kusina ay nandoon na si Mama nakabihis na din at nagkakape na.Good morning Ma. Goodmorning Ate, Manang. Ma bakit ang aga mo? Pwede ka naman medyo tanghali na. Good morning anak.May wedding kasi at sa resto ang reception.Ibinaba ni Manang sa harap ko ang tinimpla nyang kape.Manang sa Hotel na lang po ako mag bibreakfast.Ako din Manang sa resto na lang.Ganon ba. Parang hindi nyo na naaappreciate ang luto ko.May himig pagtatampong sabi ni Manang. Asuuuss si Manang nagtatampururot. Don't worry po bukas dito ako magbibreakfast.Hug na lang kita para mawala ang tampo mo. Tumayo ako at niyakap si Manang pagkatapos ay bumalik ulit sa upuan ko at inubos ang kape at nagpaalam na aalis na.Ganon din si Mama kaya sabay na kaming lumabas.
Halos sabay naman kaming dumating ni Earl sa parking lot ng Hotel,kaya sabay na din kaming pumasok.We greeted each other ofcourse. He asked me kung nagbreakfast na ako dahil hindi pa daw sya kumakain. Sinabi ko na hintayin na namin sina Andhie para sabay sabay na kami at pumayag naman sya.
After 20 minutes ay dumating na nga yung tatlo.Tinawag ko pa sila kasi hindi nila kami napansin sa lobby..Nag in muna sila bago lumapit sa amin ni Earl.Hinintay talaga namin kayo para sabay sabay tayong magbreakfast. Para di na kayo magtampo sa akin at mainis kay Earl kasi sabi nyo lagi na lang si Earl ang kasama ko.Ay wow akala namin manager ka lang. Writer ka din pala. Story ka ha. Sir Earl wag kang maniwala dyan kay Maam Alie naninira lang yan sa amin.Depensa agad ni Max. Pumunta na kami sa canteen at si Earl na lang din ang umorder ng pagkain namin at treat nya pa kaya tuwang tuwa ang mga bruha kong kaybigan.Todo interview naman sila sa akin habang hindi pa bumabalik si Earl.So ano kayo na ba?Sinagot mo na ba?Nagkafeelings ka na din ba?Sunod sunod na tanong nung tatlo sa akin.
Sinaway ko sila na wag maingay,baka kasi biglang dumating si Earl.Wala pa hindi ko pa sya sinasagot.Saka pano ko sya sasagutin e iniisip ko nga kung paano ko sasabihin sa kanya na wala naman syang aasahan sa akin.Tulungan nyo na lang kaya ako mag isip kung paano.
Hindi na nakasagot yung tatlo dahil bumalik na si Earl dala ang inorder na pagkain.
Thank you Sir.Sana lagi nyo kami isabay para lagi libre.May ngiting sabi ni Tonie habang nakatingin kay Earl. Matamis na ngiti naman ang isinukli ni Earl.No worries basta ba ilakad nyo ako dito sa kaibigan at Maam Alie nyo para sagutin na nya ako e.
Sabay sabay naubo sina Andhie dahil sa sinabi ni Earl kaya napainom bigla sila ng tubig. Napakunot naman ang noo ko habang tinitingnan sila.Alam ko naman kung bakit nasamid sila kunwari.
Okay lang ba kayo?May pag aalalang tanong ni Earl.Yes Sir okay lang po.Parang natakam po kasi kami bigla sa pagkain gutom na po kasi .Pasensya na Sir.Alibi ni Tonie.
Alie eat up.
Ah.oo sige.kain na tayo para makataas na din tayo.
Kumain na nga kami at wala ng nagsalita sa amin.Nagfocus na lang kami sa pagkain.Pero ako habang kumakain ay nananalangin na sana hindi na mag open ng topic si Earl tungkol sa panliligaw sa akin.Nang matapos kaming kumain na wala na ngang naging usapan ay napa "Thank you Lord" na lang ako sa isip ko dahil dininig ni Lord yung dasal ko.
Hindi na ako hinatid ni Earl sa 7th floor dahil kasabay ko naman sina Andhie. Oras na ulit ng trabaho at focus muna.
Mabilis na dumadaan ang mga araw at buwan at 3 months na agad simula nang mawala si Papa.Sa tingin ko ay unti unti ng nagiging okay si Mama o hindi nya na lang ipinapakita sa akin na nalulungkot sya.Isa pa ay busy na sya sa pag aayos ng pagpapatayo ng branch ng kanyang restaurant.Sa mga araw at buwan na dumaan ay hindi kami nakalimot sa pagbisita sa puntod ni Papa. Minsan ay isinasama namin sina Manang. Doon man lang ay maparamdam namin na mahal na mahal pa din namin sya.
LENY'S P.O.V
Uy, alam mo ba may bagong guest don sa 20th floor room 2001 grabee napakapogi. Jusmiyo.Hindi ko alam kung panong kilos ang gagawin ko kanina. Kinikilig na pagkukwento ko sa kaibigan at katrabaho kong si Liza.Talaga?Bakit ano bang itsura?Saka pano mo naman nakita?May kuryosidad namang tanong ni Liza.
Mahirap i describe.Basta gwapo sya. Matangkad tapos yung mata iba ang kulay. Tapos mabalbas pero alam mo yun halatang kakaahit lang.Pero kapag tumubo na ulit o maygad lalo syang napakagwapo.Tapos kapag hinalikan ka nya yung makikiliti ka dahil sa mga balbas nya.
O bakit ganyan reaksyon mo?Ibaba mo kaya yang kilay mo.Panira ka kaya ng kilig ko alam mo ba yun? Kasi naman kung ano anong pinagsasasabi mo.May mga halik ka pang nalalaman.Para namang mahahalikan ka non.Baka kahit magpaubaya ka o tumihaya sa harap nya hindi ka nya tingnan.Ang tanong ko,pano mo nakita?
E kasi nga nilinis ko yun kanina kasi nga e may guest nga daw na mag oocupy doon. Tapos nung palabas na ako dumating naman sya.Kaya ayun nakita ko sya.Kaya lang parang ang sungit tas mukhang suplado.O baka pagod lang.Tapos hindi nya agad ako pinaalis.Chineck nya muna yung buong room kung okay.Tapos pinaulit pa nyang ipalinis ang c.r. E ang linis linis na nga.Sobra sobra na nga yung paglilinis ko. Pinaulit pa din. Tapos ayun pinaalis na nya ko nung chineck nya ulit.Pero nagthank you naman sya. Sayang sobrang gwapo pa naman sana kaya lang parang masungit nga. Pagkukuwento ko kay Liza.
:::::
Sino nga ba ang gwapong guest sa hotel na pinagtatrabahuhan ni Yumi.?Ano ang magiging papel nya dito?Gwapo nga ba ito?Ano kayang magiging reaksyon ni Yumi kapag nakita nya ito?