CHAPTER 12

1403 Words
Matapos kumain ng lunch ay nanood kami ng sine.Si Manang at Ate Isay ang pinagdecide ko kung ano ang papanoorin.But in the end ay pinagsisihan ko naman kung bakit dahil hindi sila magkasundo sa kung anong palabas ang papanoorin dahil magkaiba sila ng gusto. Bumili na ako ng popcorn at inumin habang nagtatalo pa sila.Nang makabalik na ako sa pwesto kung nasaan sila ay sinabi ni Manang na yung kay Sarah at JohnLloyd ang papanoorin.Kaya naman nakabusangot ang mukha ni Ate Isay dahil English movie daw ang gusto nya. Pagkabili ng ticket ay dumiretso na kami papasok sa loob ng sinehan.Sa medyo itaas kami pumuwesto.Naghintay pa kami ng ilang minuto bago magsimula.Hindi pa man nagsisimula ang palabas ay excited na si Manang.Kinikilig kilig na agad ito. Ibinigay ko na din sa kanila ni Ate isay ang popcorn at inumin.Nang magsimula ay tumutok na ang mga mata namin sa screen.Habang nanonood ay napapatili ng impit si Manang. Masyadong nadadala ng mga eksena. Paborito nya daw kasi ang mga bida.Panay naman reklamo ni Ate Isay dahil hinahampas hampas sya ni Manang dahil sa sobrang kilig.Masakit na daw ang kanyang braso.May pag yugyog pa.Parang teen ager lang si Manang.Nag enjoy din naman kami ni Mama sa palabas.Nakita namin na masaya si Manang at si te Isay naman ay nag enjoy din siguro kahit papano.Nang matapos ang palabas ay hinintay muna namin lumabas ang karamihan para hindi na kami makipagsiksikan at ng konti na lang ang mga tao ay saka kami lumabas .Dumaan na din kami sa comfort room paglabas ng sinehan. Manang nagugutom na ba kayo?Gusto nyo ba magmeryenda muna tayo?Pagkalabas ng sinehan ay tanong agad ni Mama.Tumanggi naman si Manang dahil busog pa daw sila. Hindi pa nga namin naubos ni Manang yung inumin Maam,busog pa din kasi kami don sa tanghalian natin e.Ansarap kaya diba Manang? Tumango naman si Manang bilang pagsang ayon kay ate Isay. Salon ang sunod naming pupuntahan kaya sumakay kami ng escalator pababa sa 3rd floor.Pagbukas ng pinto ng Salon ay may bumati na agad na staff.Tinanong kami kung anong ipapaservice namin.Sinabi ko kina Manang na sabihin na lang sa mag aassist sa kanila kung anong gusto nilang ipagawa. Kahit ano, okay lang.As usual tuwang tuwa si Ate Isay sa sinabi ko.Pinauna na din namin sila .Manicure at pedicure ang unang ginawa sa kanila.Hindi naman nagtagal ay may lumapit na din sa amin para asikasuhin kami. Anak pagkatapos dito san tayo?Tanong ni Mama habang nililinisan kami ng kuko sa kamay. Department Store po tayo Mama. Ipagshopping natin sina Manang.Sagot ko. Okay.Talagang sinulit mo yung day off nina Manang ah.Well ,they deserve it naman.Kaya mahal na mahal ka ni Manang e. Nakakatampo na nga siya e.Pagbibiro ni Mama. Pareho tayong love ni Manang Mama.Mas love nya lang ako.hahaha. Pagsakay ko naman sa biro ni Mama. Habang nililinisan na ako ng kuko sa paa ay nakaramdam ako bigla ng antok.Hindi ko mapigilan mapapikit.Naalimpungatan ako ng maramdaman ko ang pagtapik ni Mama sa balikat ko.Naidlip ka na anak.Tapos na tayo. Huh, napaidlip na ko Ma? Hindi makapaniwalang tanong ko.Ang sarap kasi sa pakiramdam na may nagkukutkot sa paa kaya ayun hinila ako ng antok.Sina manang po? Baka patapos na din sila.Maya maya ay lumapit na sina Manang sa amin.Kaya tumayo na din kami ni Mama . Maa'm Yumi maganda ba?Bagay ba sa akin?Tanong ni Ate Isay habang himas himas ang bagong gupit na buhok.Oo naman Ate. Mas bumata kang tingnan.Ikaw din Manang. Pinakita din nya yung bagong linis nyang kuko na may design pa.Kaya tuwang tuwa ito. Thank you anak ha.wika naman ni Manang. Tinapik ko lang sa balikat si Manang bilang sagot ko. Nagbayad na ako at pagkatapos ay lumabas na kami.Sinabi ko na sa Department store kami sunod na pupunta. Manang,Ate Isay mamili lang kayo ng kaylangan nyo.Anything na gusto nyo,damit tsinelas personal hygiene. Basta kung anong gusto nyo.Babalikan namin kayo ni Mama.Sa counter 17 na po tayo magkita. Pero anak okay lang naman na wala na nito e okay na kami ni Isay.Pagtutol ni Manang. Manang okay lang po yun.Treat namin ni Mama yan sa inyo.Ang mabuti pa po mamili na kayo dahil after nito may isa po tayong pupuntahan.Okay po. Wala ng nagawa sina Manang kundi sumunod na lang.Naghiwalay na din kami ng direksyon.Kami ni Mama ang magkasama. Actually wala naman kami bibilhin.Alam ko kasing mahihiya sila Manang to the point na ayaw na nilang kumuha ng mga gusto nila especially Manang,kaya I decided na humiwalay muna kami ni Mama sa kanila.We just roam around inside the department store.Baka may magustuhan din bilihin. Sa aming paglilibot nakabili si Mama ng damit. Ako naman ay lipstick at mga pang make up at high heel sandals.Magagamit ko naman yun sa trabaho ko.Going out or bar hopping is really not my thing. Paminsan minsan lang kapag napipilit ng mga katrabaho/kaibigan.Mas gusto kong magpahinga at magbasa ng mga libro ko.And may natuklasan ako na reading app.Idadownload muna yung app.Tapos maglalog in at madami ng mapagpipilian na mga istorya na pwedeng basahin.Kaya lalo akong hindi nahilig na lumabas.Mas gusto kong mag isa lang ako.Tahimik. After an hour ay pumunta na kami ni Mama sa cashier 17 at nandon na din sina Manang. O,okay na ba yang mga binili nyo?Wala na ba kayong nakalimutan o baka may gusto pa kayong idagdag.Tanong ni Mama.Wala na Cecille okay na kami dito sa mga kinuha namin.Sobra sobra na nga e.Si Manang. Matapos makapagbayad at maibigay ang mga pinamili namin ay lumabas na kami ng department store. Napatingin si Ate Isay sa kanyang wrist watch.Maa'm uwi na po ba tayo?Medyo nagsisimula na pong gumabi.Tanong ni Ate Isay habang naglalakad kami palabas ng Department store. Hindi pa ate Isay.May isa pa tayo pupuntahan.At pagkatapos ay kakain na tayo ng dinner bago tayo umuwi. Umakyat ulit kami sa 4th floor dahil andon yung pupuntahan namin.Pagpasok ay binati kami ng staff.Sinabi ko na magpapa full body massage kami. Talaga Maam.Magpapamasahe din kami.Gulat na gulat si Ate Isay.Ang cute ng mukha nya.Nanlaki talaga yung mata nya habang nakatingin sa akin.At lahat ng pinuntahan namin ay tuwang tuwa talaga sya.Yes ate Isay. Magpapamassage tayo.Pa facial din. Ayyy,grabe Maa'm kinakabahan na ko ha.Baka pagkatapos nito bigla nyo sasabihin na tanggal na kami sa trabaho.Kaya pinasulit nyo kami ngayong araw. Natawa kami ni Mama kay ate Isay.Grabe ka Isay paano mo nahulaan yun. Mamaya pa namin yun sasabihin sa yo e. Pagsakay ni Mama. Ikaw lang Isay,dahil ako mananatili. Dagdag pa ni Manang na lalong nakapagpalaki sa mata ni Ate isay.Kaya tara na.Biglang natahimik tuloy si Ate Isay. Sineryoso ata yung biro namin. Nagkibit balikat na lang ako habang natatawa. Grabe ang sarap sa katawan.Nawala talaga yung sakit ng likod ko Manang. Nakatulog nga ako habang minamasahe yung likod ko.Ang sarap ng itutulog ko nito.Yung mukha ko parang anlambot din. Habang umiinon ng tsaa pagkatapos ng body massage ay umandar na naman ang biruan ni Manang at Ate Isay kaya kami ni Mama ay tawa naman ng tawa. We're here at Gerry's grill restaurant for our dinner.Late dinner actually. Dito na kami dumiretso after namin magpamasahe. Manang requested a bulalo thats why we bring them here. Umorder ako ng bulalo. lechon kawali at sisig.Pati panghimagas na leche flan at banana split. After dinner we decided to go home. While on our way,Ate isay can't stop saying her Thank You.She can't contain her happiness. She said she's thankful because she experienced to pamper herself free.Even Manang was so happy.I just gave them both a smile.They deserved it and we love them. Pagdating sa bahay ay pinagpahinga na namin sila.Kami naman ay umakyat na din dahil maaga pa ko bukas dahil papasok na ko.Goodnight Ma.Humalik ako sa pisngi nya.Goodnight anak. Thank you for this day.Nag enjoy ako kasama kayo.Sana lang kasama din natin ang Papa mo para mas masaya. Ayan ka na naman Ma.Kasama naman natin si Papa yun nga lang hindi natin nakikita.Sige na po pumasok ka na para makapagpahinga ka na.Itinaboy ko na si Mama papasok sa kwarto nya para makapasok na din ako dahil ngayon ako nakaramdam ng pagod.Pagpasok sa kwarto ay dumiretso na ako sa closet,kumuha ng damit pantulog.Saka pumasok sa banyo.Nag shower at ng makatapos magbihis ay humarap sa vanity mirror at ginawa ang night facial routine.Nagsuklay ng buhok at pagkatapos ay humiga na ako.Wala na akong panahon sa ibang bagay dahil nakaramdam na ako ng antok.Sana lang hindi ako tanghaliin ng gising at malate. Plano ko pa naman pumasok ng maaga. .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD