CHAPTER 11

1255 Words
Maaga ako gumising kinabukasan dahil may lakad kami nina Mama.Kaya kahit gusto kong wag muna bumangon ay hindi pwede. Pagkatapos kong magtoothbrush at magsuklay ay lumabas na ako ng kwarto. Hindi na muna ako nagpalit ng damit. Nakahain na ng dumating ako sa kusina. Good morning everyone.Bati ko habang umuupo.Good morning Maam Yumi.Excited na ako Maam kasi kasama namin kayo na papasyal. Masayang wika ni Ate Isay. Sa sobrang excited nyang si Isay maaga pa sa karaniwang gising namin ay gising na at naghahanda na dito sa kusina.Kaya napilitan na din tuloy akong bumangon. Pambubuking ni Manang. O sya kumain na tayo at ng makapag ayos na tayo.Wika naman ni Mama. Halata ang kagalakan ni Ate Isay dahil habang nagbibyahe kami ay masaya syang kwento ng kwento o talagang makwento lang talaga sya.Si Manang naman ay tahimik lang.Nakakaaliw naman magkwento si Ate Isay dahil panay tawa namin ni Mama . Isay tama na ang kwento at baka bago tayo bumaba ay wala ka ng boses.Sita ni Manang kay Ate Isay. Manang talaga.Mamaya na po ako titigil kapag nakapark na yung sasakyan.Nag eenjoy nga sina Maam sa mga kwento ko e. Haayy ewan ko sa yo Isay.Sana hindi ka na lang isinama.Taong bahay ka na lang. Nakita ko naman sa rearview mirror na napanguso si Ate Isay sa sinabi ni Manang. Manang mapanakit ka talaga sa akin. Magtatampo na ko nyan sa yo sige ka. Hanggang sa makarating kami sa parking lot ng mall.Hindi na namalayan ni Manang at Ate Isay dahil panay asaran pa din silang dalawa. Aliw na aliw naman kami ni Mama kaya hindi kami nakaramdam ng pagkainip sa byahe kahit may traffic. Nakahanap naman agad ako ng bakante at tamang tama dahil malapit lang sa entrance ng mall. Okay andito na tayo.Pag agaw ko sa atensyon nila.Sabay patay ko ng engine ng sasakyan.Tinanggal ko ang seatbelt ganon din si Mama. Andito na pala tayo Manang.Teka magsusuklay at magpopolbo muna ako bago bumaba.Nadinig kong sabi ni Ate Isay. Naku Isay okay lang naman kahit di ka na magganyan,wala na din naman mababago sa hitsura mo e.Yan lang at namumukod tangi. Manang yun na nga po e ganito na nga ang hitsura ko di pa ko magsusuklay at mag aayos kahit konti.Saka para naman hindi nakakahiya kina Maam.Baka sabihin ng ibang tao bakit kasama nila tayo e kita naman na hindi mamahalin ang mga suot natin.Sila ang gaganda.Paano na lang pati baka di ako papasukin dyan sa mall.Baka kung ano pa sabihin sa akin.Kawawa naman ako Manang. Tapos kayo nag eenjoy ako dito lang sa labas.Umarteng parang naiiyak pa si Ate Isay. Ate Isay ano ka ba.Hindi basehan ang hitsurang panlabas at kung gaano kamahal ang suot mong damit para masabi na maganda ang isang tao.Isa pa Ate Isay kelan pa kami tumingin sa hitsura nyo ni Manang. Kahit nga di ka na magsuklay e ayos lang yun sa amin e.Basta alam namin na genuine yung pagaalaga mo pati ni Manang sa amin. Saka wag mong isipin ang iisipin ng ibang tao kasi kung laging yun ang iisipin mo di ka mag eenjoy sa buhay.As long as hindi mo sila inaagrabyado Ate wala silang pakialam okay. Manang di mo yata nilelecturan si Ate Isay e. Naku, e paano naman kapag nagkukuwentuhan kami at dumadating na sa puntong seryosohan na magpapatawa na naman yang si Isay.Kaya paano naman anak ang gagawin ko papatawanin na lang ako ng papatawanin.Hanggang sa wala na. Reklamo naman ni Manang. Ano Isay okay ka na ba? Tanong ni Mama. Ay opo okay na po Maam pasensya na din po.Sa yo din po Maam Yumi.Ngumiti na lang kami ni Mama sa kanya. Sya tara na baba na tayo kung okay na kayo at medyo nagugutom na ako. Andrama kasi ni Ate Isay.Hahaha. Napanguso na lang si Ate Isay sa sinabi ko. Sabay sabay na kaming lumabas ng sasakyan at ng maisara na lahat ng pinto ay pinindot ko ang lock key. Naglakad na kami papasok sa loob ng mall.Sa basement parking kami nagpark kaya kahit patanghali na ay hindi kami nainitan. San tayo? Biglang tanong ko sa kanila.May gusto ba kayong kainan Manang?O may gusto ba kayong kainin? Kahit saan pwede kami ni Isay.Hindi naman kami mapili.Ma ikaw po?San mo gusto? Parang gusto ko ng Steak anak.Para maiba lang.Naglakad kami hanggang sa marating namin ang pakay na kakainan. Pagpasok ay may crew na sumalubong sa amin. Sinamahan kami sa table na pwede kaming apat.Nang makaupo ay binigyan na kami ng menu. Pero ako na lang ang umorder ng para sa aming apat.Tinanong ko pa din sila kung may gusto pa silang iadd sa inorder namin.Nang maibigay ko ang order namin ay umalis na din ang crew.Maam ang mahal yata dito. Tapos yung mga kumakain mukhang mayayaman.Biglang sabi ni Ate Isay habang inililibot ang tingin sa loob ng restaurant. Ate Isay ayan ka na naman.Ate kahit di ka mayaman basta kaya mong magbayad ng kakainin mo, pwede yon.Wag mong idegrade ang sarili mo lagi.Di nakakatulong sa everyday life yon Ate. Dapat possitive lang. Yung mga tipong kung kaya nila kumain dito kaya mo rin.Saka I'm sure Ate yung ibang kumakain dito wala silang kasambahay na kasing bait at sobrang maalaga na tulad nyo. Sabay kindat ko kay Ate Isay. Talaga ba Maam baka ginugoodtime mo lang ako nyan.Medyo gullible pa naman ako. Aba ate at may pa gullible gullible ka ng nalalaman dyan ha. Ay syempre Maam naggugoogle kasi ako. May pagmamalaking sabi ni Ate Isay.Tama yan Ate.Walang masama doon at least nagsisikap ka na madagdagan ang kaalaman mo.Thumbs up ako dyan sa yo ate. Thank you Maam. Sabay ngiti ni Ate sa akin. Ilang minuto pa ang lumipas at dumating na din ang aming pagkain.Nagpasalamat ako sa crew matapos ilapag sa mesa ang mga pagkain.At ng makaalis ito ay nagsimula na din kaming kamain.Pero umusal muna kami ng pasasalamat sa Maykapal.Naging magana ang aming lunch.Nakita ko si Ate Isay na sarap na sarap sa kanyang steak. SOMEONE'S P.O.V. I'm almost done with my lunch. Didiretso na ako sa Airport dahil flight ko na ulit pabalik sa Australia.Umuwi ako ng Pinas dahil may project akong ginawa and at the same time binisita ko na din ang pinatayo kong bahay sa Tagaytay. May apat na babaeng umupo sa kalapit na table ko.Kita ko ang mukha nung tatlo pero yung isa ay nakatalikod sa akin. Base sa observation ko ang dalawang babaeng nakaupo sa gilid ay ang mga kasambahay at yung isang babae ay yung mother ng babaeng nakatalikod sa akin. Nadinig ko ang conversation nila kahit na alam kong hindi maganda ang mag eavesdropping.Medyo malakas lang ang pagkakasalita ng babaeng nakatalikod sa akin.Hindi ko alam pero iba ang naging dating sa akin ng tagpong iyon. Nagkaroon ako ng ibang pakiramdam sa babae kahit pa hindi ko nakikita ang mukha nito. Sigurado naman ako na maganda sya dahil kung tama ang iniisip ko na nanay nya yung babaeng nakaharap sa akin ay maganda naman ito.Hindi mahahalata ang edad sa mukha nya. Tinandaan ko ang pangalan na nadinig ko.Ate Isay ang itinawag nya sa isa na siguradong kasambahay nila. Humanga ako sa kanya kung paano nya itreat ang mga kasambahay nya. Napakahumble. Alam kong bihira lang makahanap ng mabait na amo.Yung isasamang kumain sa isang steakhouse ang kasambahay is such an Amazing attitude. Sana makilala ko sya.Gusto ko pa sanang magtagal sa restaurant at baka sakaling malaman ko ang pangalan nung babae kaya lang ay baka malate naman ako sa flight ko.Napailing na lang ako at walang nagawa kundi hingin ang bill para makaalis na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD