CHAPTET 10

1502 Words
Nakatulog pala ako sa duyan.Halos hapon na ng magising ako.Dali dali na akong pumasok sa loob ng bahay.Umakyat ako sa kwarto ko at nagtoothbrush.Pinuntahan ko si Mama sa kwarto nya pero wala sya.Tiningnan ko din sya sa balcon na katabi ng kwarto ko. Masarap din kasi doon pumwesto kasi mahangin din doon,Pero wala din sya doon. Wala din naman sya sa entertainment area kaya nagpasya akong bumaba na lang. Habang bumababa sa hagdan ay natanaw ko si Mama sa sala. Ma.Nagulat pa sya sa bigla kong pagtawag. Bigla nyang pinahid ang kanyang luha.Umupo ako sa tabi nya. Ma wag ka na umiyak? Hinawakan ko ang kamay nya. Pasensya ka na anak.Hindi ko lang talaga mapigilan.San ka ba galing? Nakatulog po kasi ako don sa duyan hindi naman kita napansin na andito ka pala nung pumasok ako.Gusto mo na bang magmeryenda?Nagpaluto ako kay Manang ng banana cue at may melon juice din.Paborito mo yun diba?" Masarap nga yon Ma.Alam na alam mo talaga ang mga paborito ko.Sabay na kaming tumayo at naglakad papunta sa kusina. Hi Manang ,Ate Isay nagluto daw po kayo ng paborito kong meryenda? Yes naman Mam Yumi.Alam mo naman malakas ka sa amin.Sabay kindat ni Ate isay sa akin. Tara po pagsalusaluhan na natin. Naupo na kami ni Mama.Kumuha si Ate Isay ng baso, plato at tinidor at ibinigay sa amin.Si Manang naman ay kinuha ang melon juice sa ref at sinalinan na din ang baso namin. Magkakaharap kaming apat sa hapag at masayang pinagsasaluhan ang meryendang hinanda nila. Habang nagmemeryenda ay sinabi ko kay Mama na balak ko na pumasok sa trabaho dahil siguradong tambak na ang mga gawain ko sa office. Ngumiti ng pilit si Mama.Yung totoo anak ayoko pa sana na pumasok ka kaya lang matagal tagal na din naman nga na nakaleave ka kaya sige papayagan na kita. Humingi ako ng pasensya kay Mama dahil kahit gustuhin kong samahan sya pero kaylangan ko ng pumasok.Sinuggest ko din na mas makakabuti siguro kung papasok na din sya sa Restaurant. Makakatulong yung pagiging busy nya para hindi sya nagpo focus sa kakaisip na wala na si Papa. We have to move forward Ma pero hindi ibig sabihin ay kakalimutan na natin si Papa. Nasa puso natin sya at saan man tayo pumunta at ano man ang gawin natin mananatili sya sa puso natin.Sayang naman ang resto kung mapapabayaan.At kung mangyayari yun alam kong malulungkot si Papa dahil kaya nga nagpursige sya na mapatayuan ka ng restaurant dahil sobrang mahal ka ni Papa at gusto mo yun diba.Sabi nya basta importante ang happiness natin. Malay mo makapagpatayo ka na ng branch mo ngayon diba.At kapag nangyari naman yun siguradong matutuwa si Papa. Nangingilid na naman ang luha ni Mama.Hinawakan ko ang kamay nya at pinisil.Ma,kaya mo yan.Andito naman ako tutulungan kita.Pati sina Manang. Andyan din sina Tito Dan sina Tita Carol.Kaya please Ma, tulungan mo sarili mo.Mahal kita kaya sinasabi ko to sa yo.Tumayo ako at niyakap si Mama. Tama si Yumi,Cecille.Hindi pwedeng lagi ka na lang magkukulong sa lungkot.Kaylangan mong tanggapin na wala na si Sir Julio para gumaan ang nararamdaman mo.Dagdag na paliwanag ni Manang. Hindi agad nagsalita si Mama pero malalim ang pagbuntong hiningang pinakawalan. Pinunasan ng daliri ang gilid ng mga mata. Sige anak gagawin ko ang sinabi mo kahit mahirap pero tama ka dapat na nga din siguro ako bumalik sa resto.Pasensya ka na anak ha.Tinapik ko na lang ang kamay nya. Mamaya,punta tayo sa puntod ni Papa. Matapos magmeryenda ay gumayak na kami ni Mama para pumunta sa puntod ni Papa.Bumili kami ng bulaklak sa nadaanan naming flowershop.Pagdating sa sementeryo ay ipinark ko ang sasakyan sa daan na malapit lang din sa puntod ni Papa.Halos sabay kaming bumaba at sabay na din kami naglakad ni Mama palapit sa puntod.Inilagay ni Mama ang dala naming bulaklak.Pinispis nya ang lapida dahil may mga tuyong dahon doon.Ako naman ay nagsindi ng kandila at inilagay sa gilid ng lapida. Tahimik lang kami sa harap ng puntod. Habang nakaupo kami ay inaalis alis namin ang mga damong ligaw na tumutubo sa puntod. Pa,babalik na po ako sa trabaho ko.Every weekend na lang kami makakadalaw sa yo. Basta kalma ka lang dyan ha.Wag mo na kaming bibisitahin.Basta kami na lang ang bibisita sa yo Pa.Alam mo naman takot ako e.Pagbibiro ko at tumawa ako ng pilit para pagaanin ang atmosphere at emosyon ni Mama.Ang hilig mo pa naman ako takutin. Umiiyak na ko sa takot pero ayaw mo pa tumigil. Napanguso ako at kunwaring nagtatampo kay Papa. Hahaha, oo nga naku,natatandaan ko pa naipit yung kamay mo sa pinto.Paano dali dali mong isinara yung pinto nung nakita mong may nakataklob ng kulay puti na naglalakad.Dali dali kang bumalik sa kwarto mo.Hindi mo alam kami ng Papa mo yun at pigil na pigil kaming tumatawa habang nakataklob ng kumot.Pero nung naipit ka na ayun dali dali namin inalis ang taklob naming kumot.Nang madinig ko ang tawa ni Mama at sinundan ang pagbibiro ko ay naisip kong nagtagumpay ako. Opo Ma naaalala ko pa din yun.Kung pagtripan nyo ko ni Papa tapos aaluin nyo ko pag iyak na ko ng iyak. Hindi ka na kasi nasanay sa Papa mo anak. Alam mo naman na napakabiro noon. At isa yun sa mamimiss ko.Pero sa isip ko na lang sinabi dahil baka magbago na naman ang mood ni Mama.Ayoko na kasi syang nakikitang umiiyak kahit na alam kong may reason naman. Gusto nya laging masaya.Laging nakangiti. Kahit may mga problema na dapat nakangiti pa din.Dapat hindi magpapaapekto.Kasi kung masyado mong didibdibin ang mga problema hihilahin ka nyan pababa.Kahit gaano kabigat wag kang magpapagupo. Hindi ka makakahanap at makakapag isip ng tamang solusyon.Yun ang laging sabi ng Papa mo.Kaya nga kahit nahihirapan na sya pilit nyang ipinapakita na okay lang ang lahat sa kanya. Miss ka na namin Julio.Magkikita pa din naman tayo sa tamang panahon. Pero sa ngayon bantayan mo muna kami ng anak mo ha.Mahal na mahal kita.Mahal na mahal ka namin. Salamat sa pagtaguyod mo sa pamilya natin. Nang dumidilim na ay nagpasya na kaming umuwi. Papa uuwi na muna kami.Babalik na lang ulit kami.Mahal ka namin Pa. Pagpapaalam ko.Tumayo na kami at naglakad na papunta sa sasakyan. Matapos kong ikabit ang seatbelt ko ay tiningnan ko si Mama.Nang makita kong nakakabit na din ang seatbelt nya ay binuhay ko na ang engine at umalis na kami. Ma gusto mo sa labas na lang tayo kumain.Tanong ko kay habang nananakbo kami. Pwede naman anak kaya lang ay sayang naman ang luto ni Manang. Siguradong naghahanda na yun ngayon. Nagkibit balikat na lang ako.E di bukas na lang tamang tama Sunday bukas.Labas tayo kasi papasok na ko sa Monday.Tapos pag day off in na din natin sina Manang at Ate Isay.Andami din naman nilang pagod nung burol ni Papa.What do you think Ma?Kahit alam kong tatanggi sila,pilitin natin.Ngumiti ako at mabilis na tumingin kay Mama at ibinalik din agad ang tingin sa kalsada. Mas okay nga yan anak.Sabihin mo na lang mamaya over dinner.E,Ma kelan daw yung bonding nyo nina Tita?May maayos ba kayong naging usapan? Wala pa naman.Ang gusto kasi ay out of the country pero hindi pa din alam kung saang bansa at kung kelan.Basta inform na lang daw nila ako. Akala ko isang araw na bonding lang yun.Pero sabagay kulang na kulang sa oras kung isang araw lang.Pero sana nga matuloy kayo. Dumating ang oras ng hapunan. Nagsisimula na din kami kumain. Ahm Manang may sasabihin po si Mama sa inyo ni Ate Isay.Panimula ko. Napatigil si Manang sa pagnguya at palipat lipat kaming tiningnan ni Mama.Iba ibang reaksyon ang makikita sa mukha nilang dalawa.Pareho din nakakunot ang kanilang mga noo. P-paaalisin mo na ba kami Cecille?Okay lang kahit bawasan mo ang sweldo namin. Basta wag mo lang kaming alisin. Oo nga po Maam.Alam nyo naman po na kaylangan na kaylangan ko ng trabaho dahil malapit ng magkolehiyo yung panganay ko. Nagkatinginan kami ni Mama tapos sabay kaming natawa dahil sa mga sinasabi nila. Manang,ano bang sinasabi nyo?Hindi ko kayo papaalisin.Nakita ko ang relief sa kanilang mukha ng madinig ang sinabi ni Mama.Sasabihin ko lang naman ay day off nyo bukas.Wag na din kayo magluluto sa lunch dahil sa labas tayo kakain. Mamamasyal tayo bukas. Biglang napalitan ng tuwa ang kanilang mga mukha nang madinig ang sinabi ni Mama. Totoo ba yan Maam?Di ka nagbibiro?Tanong ni Ate Isay na manghang mangha. Ate seryoso yon.Seryoso pa sa asawa mo. hahaha.pabirong sagot ko naman kay Ate Isay. Salamat Yumi,Cecille.Pero okay lang naman kahit hindi na kasi hindi naman kami pagod na pagod ni Isay dito sa mga gawaing bahay e. Manang naman wag ka ng kumontra.Sige po Maam susundin namin ang sinabi mo. Excited na ako bukas Manang.Maghahanda na ako ng isusuot ko at matutulog ako ng maaga.Kaya dapat makatapos tayo agad Manang . Natawa na lang kami sa sinabi ni Ate Isay. Hanggang matapos ang hapunan ay masayang masaya si Ate Isay.Masiglang masigla nyang nilikom ang mga pinagkainan namin.Iniwan na namin sila pagkakain at umakyat na kami sa kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD