Alexa's POV Maaga pa lang ay nasa utility room na ako kasama sina Ate Letty at Jake. Habang abala si Ate Letty sa pag-aayos ng mga cleaning supplies, si Jake naman ay nakahilig sa pader, nakangisi at mukhang may pinaplano na namang kalokohan. "Alexa, ang aga-aga, parang ang blooming mo naman," sabi ni Jake, sabay kindat. "May kinalaman ba diyan ang boss nating si Sir Hot-tempered?" Napairap ako. "Jake, kung wala kang matinong sasabihin, pwede ba, tumahimik ka na lang?" Tawanan si Jake at Ate Letty. Halatang natutuwa sila sa pang-aasar sa akin. "Hoy, Jake," sabat ni Ate Letty, sabay hampas sa balikat nito. "Kung ako sayo, magtrabaho ka na lang kaysa mang-asar. Maraming guest ang darating ngayon. 'Wag mo nang dagdagan ang stress ni Alexa." "Ate Letty, huwag mo siyang ipagtanggol," sabi

