bc

Target lock: CAPTIVATED

book_age18+
16
FOLLOW
1K
READ
reincarnation/transmigration
heir/heiress
twisted
bxg
mystery
brilliant
multiverse
betrayal
enimies to lovers
tricky
like
intro-logo
Blurb

Mula sa magkaaway na pamilya pagdating sa negosyo sina Sennoh Delliego at Selena Reyes. Upang mapabagsak ang pamilyang Delliego, inutusan si Selena ng kanyang magulang na maging malapit sa nag-iisang anak ng Delliego na si Sennoh at kapag dumating na ang panahon ay kailangan niyang patayin ang binata.

Inakala ni Selena na umaayon na sa kanya ang lahat at matutupad na niya ang kanyang pangako sa magulang subalit hindi inakala ni Selena na alam pala ni Sennoh ang lahat ng ginawa niyang pagpapanggap. Hindi inakala ni Selena na siya pala ang napaikot sa mga plano ni Sennoh subalit ang plano na 'to ay may malalim pa lang dahilan.

Hinayaan ni Sennoh na mangyari ang lahat ayon sa kagustuhan ng dalaga na tunay na nilalaman ng kanyang puso dahil batid ni Sennoh kung anong mangyayari sa dulo ng storya. Nalalaman niya sapagkat malinaw pa sa alaala ni Sennoh ang unang naging buhay nila ni Selena.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
SELENA REYES Naglalakad pa lang ako papasok ng aming bahay na gawa lang sa kahoy ay hindi ko na mapigilan ang galit na nararamdaman ko. "Cris, sabihin mo sa akin ang totoo. Nasaan na si inang?" Tinitigan ko sa kanyang mata si Cris subalit umiwas lang siya ng tingin sa akin. Wala pang ilang segundo ay may tumulo ng luha sa kanyang mga mata kaya mas lalong lumakas ang kutob ko tungkol sa mga nangyayari. Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan. "So, totoo nga na kinuha nila si inang?" Dahan-dahan na tumango sa akin si Cris at sa pagkakataon na 'to ay humahagulgol na siyang yumakap sa akin. Nakaramdam ako ng awa sa kanya habang pinagmamasdan ko ang nakaipit niyang buhok na med'yo may kahabaan at ang maliit niyang mga kamay na pinagkakasiya sa maliit kong bewang. Hinagod ko ang kanyang likod habang ang isipan ko ay nalipat sa mga tagpo na nangyari lang kanina. Hindi ko akalain na totoo nga ang laging binabanggit sa akin ni inang simula pa nang bata pa lamang ako. Sinabi niya sa akin na mula raw ako sa mayaman na pamilya at ang totoo kong Ina ay namatay pagkatapos akong ipanganak. Dating katulong si inang sa hacienda ng totoo kong magulang at binigay ako ng totoo kong ama kay inang dahil sa utos ng totoong pamilya ng aking ama. Akala ko ay hindi na nila ko babawiin kay inang kaya kampante na ko. Hindi ko rin naman gustong umalis sa puder ni inang na siyang nagpalaki sa akin. Hindi ko nais na bumalik sa hacienda ng totoo kong ama na nagtapon sa akin. Sa pagmumuni-muni ko ay hindi ko namalayan na naikuyom ko na pala ang dalawa kong kamao dahil sa galit na unti-onti na namang bumabangon sa aking pagkatao. Ngayon, kinuha nila si inang upang makuha lang ako sa kanya? Tsk. "Cris, maiwan ka rito. Kung nais talaga nila na kunin ako ay susundin ko sila. Mabawi lang na 'tin sa kanila si inang." Bumulong ako sa tainga ng batang babae na tinuring ko ng tunay na kapatid. Bigla na lang silang nanggulo sa trabaho kong tindera ng karinderya upang pabalikan ako sa kanilang hacienda. Hindi ko pa alam kung bakit nais nila kong bawiin kaya pupunta ako sa kanila para alamin ang tungkol doon. Tinitiyak kong babawiin ko rin sa kanila si inang. Isang malalim na buntong hininga ulit ang napakawalan ko habang hinihiwalay ko ang katawan ni Cris sa akin. Hinawakan ko siya sa kanyang magkabilang braso at tinitigan ko siya sa kanyang mga mata. "Cris, makinig ka sa akin. Babawiin ko sa kanila si inang subalit ipangako mo sa akin na magiging ligtas ka habang wala ako rito. Kung maaari kang tumambay sa ating barangay ay gawin mo upang hindi ka lang makuha ng mga tao na kumuha kay inang. Maliwanag ba?" Alam kong walang kakayahan si Cris upang makapagsalita kaya tumango lang siya sa akin bilang tugon sa sinabi ko. Pinilit kong ngumiti sa kanya upang hindi siya mag-alala sa akin. Pinilit kong huwag lumuha sa harapan niya dahil ayaw kong maramdaman niya ang totoo kong gagawin. Humiwalay na ko kay Cris at bago ako tuluyang makalabas ng aming tahanan ay muli akong lumingon sa kanya. "Babalikan kita agad kasama si inang kaya maghintay ka lang sa amin ha?" Umiiyak na tumango sa akin si Cris kaya tumalikod na ko sa kanya. Hindi na ko nag-abala na lumingon pa ulit sa kanya dahil baka mas lalo ko lang hindi kayanin na iwanan siya. Pagkatalikod ko ay tumulo na agad ang mga luha sa mata ko. Buong tapang ko itong pinunasan at saka huminga ng malalim. "Paalam, Cris." * Pagdating ko sa hacienda ng totoo kong ama ay agad akong sinalubong ng mga katulong. Mukhang inaasahan na nila ang pagdating ko dahil mabilis lang akong nakapasok sa loob ng kanilang tahanan. Pagpasok ko sa loob ay nahihiya pa kong tumapak sa mamahalin nilang tiles na tila kumikinang pa. Dapat pala ay hinugasan ko na muna ang paa ko bago ako nagtungo rito. Gano'n pa man, hindi naman ako nagtungo rito upang mamasyal. Nandito ako para kausapin ang totoo kong ama. Sa oras na malaman kong sinaktan niya si inang, hindi ko na talaga siya mapapatawad pa. Napairap na lang tuloy ako ng aking mata nang salubungin ako ng isang matandang lalake na nakasuot ng itim na suit. May manipis siyang bigote na kulay puti na at madalas niyang hinahawakan ang salamin sa kanyang mata dahil lagi itong nalalaglag sa kanyang ilong. Yumuko siya sa akin at pagkatapos ay diretso niya kong tinitigan sa aking mata. Napataas ang isang kilay ko dahil sa uri ng tingin niya kaya tinitigan ko rin siya pabalik. "Ako po si Chavez, ang assistant ni Master Klein. Miss, hinihintay na po kayo ni Master Klein kanina pa. Dito na po tayo." Tumango na lang ako sa kanya. Nauna na siyang naglakad at sumunod na lang ako sa kanya. Nanlaki ang mata ko nang makakita ako ng elevator at doon kami sumakay. Napakamot na lang ako sa aking ulo dahil maging ang elevator ay tila kumikinang din. Hindi ko akalain na talagang mayaman ang sinasabi nilang ama ko. Tss. Pagkatapos tumunog ng elevator at magbukas nito ay agad kaming naglakad sa kaliwang pasilyo. Muntikan ko na ngang makalimutan na bahay pa pala ang nilalakaran namin. Akala ko kasi ay nasa mall na ko o kung saan dahil sa sobrang laki, pero wala pa rin akong balak na tumira rito. Tiyak na hindi ako magiging masaya kahit na hindi ko pa nakilala noon si inang kung dito man ako tumira. Huminto kami sa isang kulay itim na pintuan. Tinapat pa ng kasama ko ang kanyang kamay sa isang parang tablet na nakadikit sa kanan ng pinto bago kami tuluyang pumasok. Hindi ko alam kung anong tawag doon dahil wala naman akong gano'n. Tss. Pagkapasok namin sa loob ay may isang lalake na nakaupo sa harapan ng isang lamesa. Sa magkabilang gilid naman niya ay may dalawang babae. 'Yong isang babae ay parang kasing edad ko lang at nakataas na agad ang kilay nito sa akin. 'Yong isang babae naman ay sobrang sama ng tingin sa akin habang 'yong lalake naman ay walang emosyon na nakatingin sa direksiyon ko na tila inaalam ang totoo kong pagkatao. Napalunok na lang ako ng aking sariling laway habang buong tapang na sinalubong ang mga tingin nila sa akin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
74.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
98.8K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook