CHAPTER 18 PAST Kumpleto na silang apat nang maabutan ko sa coffee shop. Para silang mga prinsipe na pinagsasaluhan ang inorder na pagkain. Mojos and wings. Dalawang platter. Ang isang platter no’n ay ‘di namin maubos-ubos nina Shana at Astrid. Ngunit sa hitsura ng pagkain nitong apat ay mukhang kulang pa sa aming lima ‘yon. Nitong mga nakaraang araw ay inaasar na ako ng mga ka-department namin na niliigawan daw ako noong apat. Ako pa lang din kasi ang naging kabigan nila na isinasali sa linggohan nilang pagba-bonding sa coffee shop. Buti na lang sa university namin ay wala akong basher na magsasabing lumalandi lang ako sa apat. ‘Di gano’n ang intensyon ko sa kanila at ‘di rin sila ganoon sa akin. “Ba’t wala ka sa party noong sabado? I was looking for you!” saad ni Gabe. Batay sa socia

