CHAPTER 12.

2074 Words

NAGISING si Patricia dahil sa sinag ng araw na tumatama sa kanyang mukha. Agad na muli ay naipikit niya ang kanyang mga mata sabay angat ng kanan na braso at takip sa mukha. Mataas na ang sikat ng araw kaya siguradong tanghali na. Wala na siyang trabaho kaya wala nang dahilan pa upang bumangon ng maaga. Bigla ay bumangon ang pait sa dibdib ng maalala ang nawalang trabaho. Lumitaw sa kanyang isip ang mukha ng kanyang mga estudyante. “Good morning ma'am, Patricia!” Mga tinig nang pagbati nang kanyang mga estudyante na umalingawngaw sa kanyang pandinig. Hinila niya ang kanyang kumot at tinakpan ang mukha kasabay ng pag-alpas ng mga hikbi. Pagkatapos ng ilang segundo na pag-agos ng mga luha ay agad na pinahid niya ang kanyang mga luha. Kailan ba kasi mauubos itong luha niya. Halos magdama

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD