CHAPTER 11.

1856 Words

Hindi mapakali si Patricia. Palakad-lakad siya ng paroot-parito sa living room. Panay rin ang kanyang sipat sa orasan na nakasabit sa wall. Ilang oras na ang nakalipas ngunit hindi pa rin umuwi si Bryan. Ang galit na nakaukit sa mga mata nito kanina ay nanatiling nakapagkit sa kanyang isip. She felt so uneasy. Hindi niya alam kung paano niya harapin ang asawa ngayon. Nahihiya siya at nakaramdam ng kaba o mas tamang sabihin na natatakot siya. Halos dalawang linggo pa lang simula ng pinirmahan niya ang kanilang kasunduan, at isa sa mga kasunduan na iyon ang kanya na naman na nilabag. “Simula ngayon ayaw ko na may ibang lalaki na lalapit sayo maliban sa mga kapatid mo, Pat.” Ang tinig na iyon ni Bryan ay umalingawngaw sa kanyang pandinig. Kaya kahit na nahihiya siya at kinakabahan ay wal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD