CHAPTER 14.

1938 Words

Nakatulugan ni Patricia ang bigat ng dibdib. Nagising siya dahil sa mga kaluskos na kanyang naririnig mula sa labas ng silid. Agad na sinipat niya ang orasan na nakasabit sa dingding. Ala una na nang hapon. Agad na napabangon siya. Naalala niya kasi na may pupuntahan sila ni Bryan ngayon. Agad na tumungo siya ng banyo upang maghilamos. Bakit ba kasi siya nakatulog? Dahil siguro sa pagod. Pagod emotionally. Apektado ng hindi kaaya-ayang emosyon ang buong katawan niya. Pagkatapos maghilamos ay hindi niya na iwasan na titigan ang repleksyon sa salamin. Namumugto ang mga mata niya. Agad na pinunasan niya ang mukha. Ngayon niya siguro kailangan ang tulong ng make-up upang itago ang pamumugto ng kanyang mga mata. Bakit kasi umiyak nang umiyak? Alam na naman niya simula’t sapul ang estado niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD