Nakasunod si Patricia kay Bryan. Papalabas sila ng condo. Sukbit ni Bryan sa kanan na balikat nito ang duffle bag na naglalaman ng kanilang mga gamit. Ayaw niya sanang ihalo sa mga gamit niya ang gamit ni Bryan, ngunit ng makita nito kanina ang ginawa niyang pagsalansan ng gamit nito sa isa pang bag ay bigla nitong inagaw iyon sa kanya at walang sabi-sabing tinanggal nito ang lahat nang laman ng bag at sinalansan sa duffle bag kung saan nakasalansan ang kanyang personal na mga gamit Bryan is wearing denim shorts and a plain black t-shirt. Nakasuot ito ng sneakers na puti at puting sumbrero. Simpleng kasuotan ngunit mas lalong lumitaw ang nakakabighani na kagwapuhan ng asawa niya. Asawa. Lihim na kinastigo niya ang sarili mula sa isiping iyon. Hindi niya dapat sanayin ang sarili niya da

