CHAPTER 16.

1780 Words

Nagising si Patricia dahil sa malamig na pakiramdam na tumatama sa kanyang mukha. Agad na napalinga siya sa kanyang paligid. Luntian na pananim na mga mais ang kanyang nakikita. Hindi pa mahaba ang mga pananim na mga mais. Sa tantiya niya ay hanggang tuhod pa lang iyon. Malamig ang hangin at sumasabay sa bawat pagaspas ng hangin ang mga luntian na pananim. Napakaganda ng paligid. Kulay kahel ang paligid dahil sa papalubog na sikat ng araw. Ang ganda ng paligid. Nakakamangha. Ang mga pananim na mais ay tila sumasayaw sa dapit hapon. Hindi niya napigilan na dumungaw sa labas ng bintana sabay labas ng kanyang braso upang mas damhin ang malamig na simoy ng hangin. Napapangiti siya habang ginagawa niya iyon. Nagkumpulan na mga ibon na lumilipad sa himpapawid ang nagpatingala sa kanya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD