Hating gabi na. Ngunit ang mga mata ni Bryan ay dilat na dilat pa rin. Ang kanyang katawan ay nakaramdam ng matinding pagod ngunit ang isip at puso niya ay inaalipin ng matinding pag-aalala at pangungulila sa asawa niya. Nasa loob siya ng silid ni Patricia. Yakap niya ang bolster pillow ng asawa niya. “Mahal, nasaan ka?” mahina niyang usal. The pain he felt was unbearable. Yung pakiramdam na nilulukumos ang puso niya at sa bawat pagpikit ng kanyang mga mata ay ang mukha ng asawa niya ang kanyang nakikita. Ang mukha ng asawa niyang hilam sa luha ay parang pinong karayom na tumutusok sa puso niya. “God, protect my wife wherever she is!” Ipinikit niya ang kanyang mga mata saka ibinaon ang mukha sa yakap-yakap niyang bolster pillow at saka malalim na sinamyo ang mabango at pamilyar na amoy

