Walang oras na lumipas na hindi sumagi sa isip ni Bryan ang asawa niya. Ang sikip sa dibdib ay lalong sumisidhi sa tuwing naiisip niyang nagdurusa ngayon ang asawa niya dahil sa kanya. Gusto niya agad puntahan ang asawa sa laguna. Iniisip niya kasi na naroon ito ngayon. Ngunit dahil kasal ngayon ng matalik na kaibigan ay pansamantala na pinaliban niya muna iyon. “Kamusta?” ang matalik na kaibigan niyang si Brixton. “Not good.” maikli niyang tugon. Brixton let out a low laugh. “Bakit? Iniwan ka na ba ng asawa mo? Hindi ba nagtagumpay ang plano mo?” Isang marahas na pagbuga ng hangin ang kanyang ginawa. “Send me to my condo. Kukuha lang ako ng sasakyan ko.” sa halip ay tugon niya. “You don’t need your damn car. Sumabay ka na lang sa ‘kin.” “Nope. may pupuntahan ako pagkatapos nang ser

