“You're drunk, Yssa. You better go back to your room and rest.” “Aalis ka? Are you leaving me again, huh, Bryan?” Sa halip at tugon ni Ysabelle kay Bryan. Napasuklay sa buhok niya si Bryan at pagkatapos ay napabuga ng marahas na hangin. “I have to leave, Yssa. I need to see my wife!” “Wife, wife!” Ysabelle suddenly screamed. Itinulak siya nito papasok sa loob ng kanyang suit at pagkatapos ay pinagbabayo nito ang kanyang dibdib kasabay ng hagulgol. “Puro ka wife! Pano ako, ha? Pano ako?” Hinuli niya ang mga kamay ni Ysabelle. “You stopped, Ysabelle.” “No, Bryan!” Tumingala sa kanya si Ysabelle. Hilam na sa mga luha ang mga mata nito. Sabog ang buhok at ang ilang hibla ay nakatabing sa mukha nito. “I know you still love me, Bryan. Pinakasalan mo lang siya dahil galit ka sa akin—

