CHAPTER 25.

2105 Words

“Hindi ko alam kung ano ang pumasok dyan sa kokote mo, Bryan. Mas lalo mong pinalala ang problema mo. Nag-iisip ka pa ba ha, Bryan?” Hindi makahuma si Patricia. Nanatili siya sa kanyang kinauupuan habang nakatitig kay Bryan. Nagsimulang pumuno ang samu’t-saring katanungan sa kanyang isip. Nalilito siya. Anong problema ang sinasabi ng babaeng tinawag ni Bryan na si Brianna? Gusto niya man ibuka ang labi at sambitin ang mga katanungan na iyon ay hindi niya magawa. Hindi ito ang tamang oras para magtanong. Isa pa, para rin siyang napipi at walang salitang gustong kumawala sa kanyang mga labi. “Ikaw, magkano ang ibinayad nito sayo para magpanggap ha?!” Sarkastikong tanong sa kanya ni Brianna sabay duro kay Bryan. “Shut up, Brianna!” pumuno sa loob ng sasakyan ang malakas na sigaw ni Bryan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD