MAGANDA ANG sikat ng araw sa umaga. Sumasabay sa huni ng mga ibon na tila nagsisiawitan ang malakas na tunog ng kampana kasabay ng malamyos na musika. Maririnig sa buong hacienda ang malakas na tunog ng kampana. Ang tunog ng kampana ay hudyat ng pagsisimula ng seremonyas ng kasal nang dalawa sa pinakamahalagang tao sa buhay niya. Kasal nang kuya Drake at ate Althea. Nakapagkit sa labi ng bawat isa ang matamis na mga ngiti, at mababanaag sa mukha ang matinding kaligayahan. Ang sama na loob na nararamdaman ni Patricia ay panandalian na kanyang iwinaglit at ituon ang pansin sa seremonyas ng kasal. Mayroon pa rin dahilan upang matuwa at maging masaya kahit panandalian lang. Hindi kumukurap ang kuya Drake habang nakatitig kay ate Althea na ngayon ay marahan na naglalakad tungo sa altar, kaag

