Tatlong araw na simula ng umalis si Bryan, tatlong araw na rin namayani sa buong sistema ni Patricia ang matinding pangungulila. Pangungulila na may kalakip na sama ng loob. Tatlong araw na ang nakalipas ngunit ni tawag o kahit mensahe man lang mula rito ay wala siyang natanggap. Dag-dag pa ang mga hindi kaaya-ayang eksena na lumilitaw sa kanyang isip na mas lalong nagpapasidhi ng paghihirap nang kanyang kalooban. Nakaharap si Patricia sa tapat ng malaking salamin habang sinusuyod ng tingin ang kabuuan. Isang simpleng babae at nagmula sa isang mahirap na pamilya ang kanyang nakikita sa sariling repleksyon. Tanggap naman niya, na kahit kailan ay hindi mahuhulog ang loob ni Bryan sa kanya. Ngunit sadyang masakit lang. Sakit na hindi niya kayang iwasan. Isa siyang babaeng maralita habang

