Walang paglagyan ang matinding tuwa sa puso ni Bryan ng tuluyan ay pinayagan siyang kargahin ang mga baby. Tumawag talaga siya sa head management ng resort upang ikumpirma sa babae na hindi siya masamang tao at wala siyang balak na masama sa kambal. Hindi niya lang talaga alam kung bakit sobrang gusto niyang hawakan ang mga ito. Ilang minuto na karga niya ang batang babae at pagkatapos ay pina-upo niya ito sa latag saka muling kunin ang batang lalaki at kinarga sa kanyang mga bisig. Nakakamangha lang. Hindi man lang umiyak ang mga bata. Panay lang ang titig ng mga ito sa kanya, lalo na ng batang babae na ngumiti pa sa kanya. God, hindi niya talaga maipaliwanag kung ano itong nararamdaman niya. Sobrang natutuwa siya. Pagkatapos niya buhatin ang mga bata ay nakipaglaro pa siya sa mga ito.

