“Ikaw lang, Pat, ikaw at ikaw lang!” Ang mga salitang iyon na lumabas sa bibig ni Bryan ay hindi simpleng mga salita lamang. Kundi isang pangako. Kay gaan lang na sambitin ng kanyang mga labi. Humawak sa mga balikat niya ang asawa niya at pagkatapos ay pasaklang na umupo ito sa kanyang kandungan. Kapagkuwan ay yumakap ito sa kanya ng mahigpit. Walang anuman na salita ang lumabas sa kanilang mga labi. Yakap lamang nila ang isa’t-isa. Naipikit niya ang mga mata habang ang mukha ay nakasubsob sa pagitan ng leeg at balikat ng asawa niya. Panay ang kanyang malalim na paghinga. Sinasamyo niya ang natural na mabangong amoy ng asawa niya na humahalo sa pabango nito. “Tawagan mo ako lagi, huh, kapag nandun ka na. Huwag ka rin maglalasing dun. Baka kasi pagsamantalahan ka ng mga babae dun.”

