“Bakit mo ginawa yun, Bryan?” Natatawa na pinahid ni Brian ang mga luha ni Patricia. “I said, stop crying, Pat.” Panay ang pahid nito ng luha niya habang panay naman ang agos nito. “Ikaw kasi.” Bryan chuckled. “Gusto ko lang mapabuti at maging maginhawa ang buhay ng pamilya ko, Pat. Pamilya ko ang pamilya mo, iisa na tayo. Asawa mo ako.” Niyakap niya ang asawa ng sobrang higpit. “Maraming salamat! Maraming salamat, Bryan…” “Basta para sayo, asawa ko. Lahat gagawin ko.” hinawakan siya ni Bryan sa magkabilang balikat at bahagya na binigyan ng pagitan ang kanilang mga katawan. Kapagkuwan ay tinitigan siya nito sa mukha. “Come on, stop crying, love. Kanina ka pa umiiyak.” Ngumiti siya at saka tumango. “Let’s have a picnic tomorrow near the lake. Let’s have a quality time together bef

