Napakurap si Patricia habang tinititigan ang sariling repleksyon sa malaking vanity mirror. Bigla ay tila hindi niya nakilala ang sarili. Ang tuwid niyang buhok ay biglang naging kulot. Ang kaninang simpleng t-shirt at fitted jeans na suot ay napalitan ng isang color avocado green tube dress. Mataman na tinitigan niya ang sarili sa salamin. She was wearing drop-white gold cross earrings that paired with a white gold necklace. Ang kanyang manipis na mga labi mapupula. Hinaplos niya ang sariling mukha. Nagkaroon ng kolorete ang kanyang mukha at tila ibang tao ang kanyang nakikita. Hindi niya mapaniwalaan ang sarili na sa isang iglap ay biglang nagbago ang kanyang imahe. “It’s still you, Patricia.” Mula sa salamin na nasa kanyang harapan ay nakikita niya ang repleksyon ni Brianna. Nasa li

