Nakaupo si Bryan sa gilid ng kama. Hawak niya ang isang brown envelope na naglalaman ng marriage contract nila ni Patricia. Mula sa malamlam na liwanag ng lampshade ay nakikita niya ang maamong mukha ng asawa niya. Himbing na himbing ito sa pagtulog. Hindi siya kumukurap. Nakatuon lang ang paningin niya sa mukha ni Patricia. She was so peaceful. Patricia is strong, yun ang pagkakilala niya rito noon pa man. Kaya ito lang ang naisip niyang pwedeng gawin na asawa sa loob nang ilang buwan. Her mother is strict, as well as the family of Ysabelle, lalo na ang ina nito. Ngunit nitong nakaraan na mga araw ay tila biglang nag-iba ang personality ni Patricia, tila biglang naging weak ang character nito. She becomes like a crying baby. Minsan nahuhuli niya itong umiyak sa ‘di alam na dahilan.

