CHAPTER 2.

1884 Words
“Ganda talaga ni ma'am, Patricia.” Patricia smiled. Her pupils always gave her a reason to smile despite all the hardships she faced. Yung kahit pagod siya at gusto na lang humilata buong araw ay napipilitan pa rin siyang bumangon. Pano kasi. May mga batang naghihintay sa kanya, mga batang kailangan niyang turuan. Makita niya lang ang mukha ng mga mag-aaral ay nagkakaroon na siya ng lakas. Parang nare-recharge ulit ang pagod na katawang lupa niya. “Ma'am, Patricia, hintayin nyo po akong lumaki ha.” “Bakit naman?” Natatawa na tanong niya sa batang si Mike. “Kasi po, paglaki ko ikaw po ang gusto kong maging girlfriend. Ang ganda-ganda nyo po kasi ma'am, Patricia.” Mahina siyang natawa sa sinabi ni Mike. Kinuha niya ang kanyang shoulder bag sa ibabaw ng kanyang mesa at kinipkip sa dibdib ang ilang files. “Ikaw talaga ang dami mong alam. Halika ka na. Sumabay ka na sakin pauwi,” aniya sabay hakbang tungo kay mike at gulo sa buhok nito. “Totoo po ang sinabi ko ma'am Patricia. Gusto po talaga kitang maging girlfriend.” Wika pa ni Mike habang nakatingala sa kanya. “Oo na. Basta pagbutihin mo ang pag-aaral mo at ng makahanap ka ng magandang trabaho ng sa gayon ay may ibubuhay ka sakin.” pagbibiro niyang tugon. “Pangako po. Magsisikap ako.” Muli niyang ginulo ang buhok ni Mike. She is a grade four adviser and currently works as a public school teacher. Isa si Mike sa kanyang paboritong estudyante. Anak ito ni Manang Pasing at bunso sa apat na magkakapatid. Kapitbahay niya ang mga ito kaya madalas ay sinasabay niya ito sa pagpasok sa paaralan at maging sa pag-uwi. “Nanay!” Tili ni Mike ng makita nito ang ina sa tapat mismo nang bahay ng mga ito. “Nanay, pumayag na po si Ma'am Patricia na maging girlfriend ko.” “Ikaw na bata, kakatuli mo pa lang may girlfriend ka nang nalalaman dyan.” Pabirong singhal ni aling Pasing sa anak. “Si nanay, naman. Binuko pa na bagong tuli ako. Nakakahiya tuloy kay Ma'am Patricia.” Kapwa na tumawa sila ni Manang Pasing. Napakamot kasi sa ulo si Mike at napanguso ito ng labi. Ni hindi ito lumingon sa kanya nang pumasok ito sa loob ng kabahayan. “Iha, tuloy ka. Nagluto ako kanina ng suman baka gusto mo kaming saluhan.” “Sa susunod na po siguro Manang, nagmamadali kasi ako. Biyernes ngayon. Uuwi ako ng laguna para dalawin ang nanay ko.” “Ay, oo nga pala. O siya sige. Hindi na kita pipilitin na pumasok pa. Umalis ka na at hapon na. Ipagbalot na lang kita ng suman at ihahatid ko na lang sa bahay mo.” Hindi na siya tumanggi pa. Pagkatapos makausap si Manang Pasing ay agad na umalis siya at mabilis ang mga hakbang na tumungo siya sa kanyang tinutuluyan. Mabilis ang bawat kilos niya. Ilang oras din kasi ang byahe mula Makati patungong Laguna at alas singko na ng hapon. Ayaw niya sanang umuwi. Baka kasi mag krus ang landas nila ni Mike. Umuuwi rin kasi ito ng laguna tuwing weekend. Kung hindi lang tumawag ang asawa ng kapatid niyang lalaki kanina, hindi talaga siya uuwi. Umiiyak kasi ito kanina at sinabing may problema. Kaya heto. Aligaga siya. Mula nang mahuli niya itong may katalik na ibang babae sa mismong condo nito ay iniiwasan na niya ito. Masakit ang ginawa nito sa kanya. Sobrang sakit, na nagtulak sa kanya upang makagawa ng isang bagay na sa hinagap niya ay hindi niya inaakalang magagawa niya. Tila eksena sa isang pelikula na biglang lumitaw sa kanyang isip ang pigura ng isang lalaki. Isang linggo na ang nakaraan simula ng maibigay niya ang kanyang sarili sa isang estranghero. It was an act of stupidity. Masyado siyang nagpadala sa kanyang emosyon, masyado siyang nagpaalipin sa sakit na kanyang nararamdaman. Kung may naiwan man na bakas ang lalaki na kanyang napag-alayan ng sarili sa gabing iyon, yun ay ang mabangong male-scent nito na tila nakapagkit sa kanyang pang-amoy. Higit sa lahat ay ang kanyang nawalang pagka-birhen. Napailing siya at pilit na iwinaglit sa isip ang nangyari. Ngunit kahit anong gawin niya ay kusa iyon naglalaro sa isip niya. Na turingan siyang isang guro at ihemplo sa kabataan. “Patricia, iha!” Agad na tinungo niya ang pinto at binuksan iyon. Si Manang pasing ang dumating. Bitbit nito ang supot na naglalaman ng isang food container. “O, heto. Dalhin mo na. Ikamusta mo na lang ako sa nanay mo.” “Maraming salamat po, Manang.” Bitbit ang pinadala ni Manang pasing, at sukbit ang backpack sa kanyang likuran. Tumungo siya sa paradahan ng taxi at nagpahatid tungo sa terminal ng bus patungong San Isidro laguna. This is her life. Bunso siya sa tatlong magkakapatid, ngunit siya ang tumatayong breadwinner ng kanyang pamilya. Mayroon siyang anim na pamangkin, dalawang kuya na kulang ang kinikita para buhayin ang sariling mga pamilya at ina na may sakit na diabetes. Mayroon silang niyugan, at munting lupa na sakahan. Ngunit hindi pa rin sapat iyon. Apat na anihan na ang nakalipas na walang sapat na bumabalik sa kanila. Humihina na kasi ang sakahan. Ewan ba kasi sa dalawa niyang kapatid. Sakto naman ang ibinigay niyang pang-finance sa sakahan. Ang labing pitong libo na sahod niya sa pagiging guro niya ay madalas na kinukulang dahil sa dami ng gastusin. May loan din kasi siya. Kakakuha niya lang ng item, pero ito at abot ulo na ang mga bayarin niya buwan-buwan. Marahil kaya nagloko si Arman dahil iniisip nito na maging pabigat siya at kanyang pamilya. Ang dibdib niya ay biglang sumikip at ang mga luha ay hindi niya napigilan sa pagpatak. Pakiramdam niya tuloy ay nakakaawa siya. Kung sana buhay pa ang kanyang ate Althea, mas gugustuhin niya na lang na manatiling katulong. Sobrang laki ng utang na loob niya sa mag-asawang De Luna. tinuring siya ng mga ito na parte ng pamilya. Pinaaral siya, tinubos pa nang kuya Drake niya ang kanilang sakahan mula sa pagkakasangla. Kung buhay sana ngayon ang ate Althea niya, hindi sana niya mararanasan ang sakit na nararamdaman niya ngayon, dahil siguradong hindi niya makilala si Arman. Mas lalong nanikip ang dibdib niya sa pagka-alala sa namayapang dating amo na babae. Nasiksik niya tuloy ang sarili sa bintana ng bus na sinasakyan at palihim na pinunasan ang mga luha na hindi niya napigilang pumatak. Alas otso na ng gabi ng marating niya ang kanilang bahay. Nasa pinakadulo ng san isidro laguna ang kanilang bahay. Nakatirik iyon sa mismong gitna ng kanilang niyugan. Ilang metro na lang ang layo niya mula sa kanilang bahay. Ngunit hindi niya man lang naaninag ang liwanag sa kanilang bahay. Naputulan na naman ba sila ng kuryente? Isang malalim na paghinga ang kanyang pinakawalan habang mabilis ang mga hakbang. Iyak ng kanyang pamangkin ang sumalubong sa kanya sa bungad ng pintuan. Malamlam ang liwanag sa loob na kanilang bungalow na bahay na tanging gasera lang ang silbing ilaw. Tama nga ang hinala niya. Naputulan na naman sila ng kuryente. “Pwede ba, patigilin mo na sa pag-iiyak iyang anak mo, Elvie. kanina pa yan nag-nganga dyan. Nakakarindi na!” singhal ng asawa ng kanyang kuya jonard na panganay sa kanilang magkakapatid. Nakaupo ito sa sofa at nakatutok sa cellphone ang paningin. “Pasensya ka na Cora. natatakot kasi sa dilim ang bata.” tugon ng asawa ng pangalawa niyang kapatid na lalaki. “Halika Lucy, anak. Sama ka kay mama sa kusina. Tahan na, tatapusin lang ni mama na lutuin ang hapunan natin nang makakain na tayo.” “Ate Elvie akin na si Lucy,” sansala niya. “Patricia, umuwi ka pala—” “Mabuti at umuwi ka Patricia, bayaran mo ang kuryente natin bukas. Kita mo naman. Wala tayong ilaw dahil naputulan na naman tayo.” sansala ni ate Cora. “Kakabigay ko lang kay kuya Jonard nakaraang linggo diba ate, Cora. nagbigay na ako ng budget para sa electric bill at tubig—” “Wala na yun. Naubos na iyon. Pinangbayad ng kuya Jonard mo sa tuition ng mga pamangkin mo.” Nagpagting ang kanyang tenga sa narinig. Alam ng Diyos kung gaano siya nagtitimpi sa pag-uugali nang kuya Jonard niya at asawa nito. Halos sa kanya na iniasa ang lahat. Pati ang pag-aaral ng dalawang anak ng mga ito ay sa kanya pa i-aasa. “Maghanap ka kaya ng tra—” “Anak, Patricia!” Hindi niya matuloy ang gustong sabihin. Ang galit na gustong umalpas ay biglang umurong ng marinig ang malamyos na tinig na iyon. “Mama,” binaba niya ang bitbit na supot sa sofa at tinanggal ang backpack na nakasukbit sa kanyang likuran at agad na nilapitan ang ina saka hinalikan sa pisngi. “Kamusta pakirdam niyo? Pumunta ba kayo kanina sa health center at nagpa-check ng blood sugar?” “Okay lang ako, Pati, anak. Huwag mo akong alalahanin.” Hinaplos ng kanyang Mama ang kanyang mukha. Sa malamlam na liwanag ay kanyang nabanaag ang maputla nitong mukha na nauukitan ng pag-aalala. “Pasensya ka sa na datnan mo. Naputulan tayo ng kuryente. Elvie, luto na ba ang hapunan?” kapagkuwan ay baling ng Mama sa manugang nito. “Malapit na Nay. Sandali na lang ito.” “Dapat kasi kanina ka pa nagluto. Maghahating gabi na, hindi ka pa tapos.” sansala ni ate Cora. “Alam mo naman na may—” “Si ate, Elvie lang ba marunong magluto dito, ate Cora? Alam mo naman na may maliit na anak yung tao.” hindi niya napigilan ang sarkasmo sa kanyang tinig dahil sa inis. “Ako ang namalengke tapos ako pa ang magluluto. Aba, anong ambag–” “Magandang gabi.” ang kanyang kuya Jonard na kakapasok lang sa loob ng kabahayan. “Bakit madilim? Wala na bang ililiwanag pa iyang gasera?” “Kung sana binayaran ninyo ang kuryente, di sana maliwanag ngayon dito sa loob. Tapos ngayon magre-reklamo ka na madilim.” sarkastiko niyang tugon. Napahilamos sa mukha nito ang kanyang kuya Jonard saka humakbang tungo sa sofa at pasalpak na umupo sa tabi ng asawa nito. Nagtataka siya. Hindi ito ganito. Kapag sinisinghalan niya ito ay sinisingahalan siya nito pabalik. “Bakit amoy alak ka? Uminom ka na naman ba, Jonard? Aba, gabi-gabi ka na lang umiinom ‘a!” Ang ate Cora. “May problema ba anak, Jonard?” ang kanilang ina. “Mag-impake na kayo. Kailangan na natin umalis dito. Kukunin na ng bagong may-ari itong bahay, ang niyugan pati na ang sakahan.” “A-Anong sabi mo kuya?” Bigla siyang nanlamig. Sana mali ang pagkarinig niya. Sana. “Totoo pala ang sinabi ni Andong na binenta mo ang sakahan pati na ang niyugan at maging ang bahay na ito. Hayop ka!” Ang kanyang kuya Rodel. Sa isang kisapmata ay nakita niyang nakabulagta ang kanyang kuya Jonard sa sahig. Napasigaw ang kanyang ate Cora at maging ang kanyang ina. Ngunit wala sa nangyayari sa loob ng bahay ang kanyang isip. Ang sakahan, ang niyugan at maging ang kanilang bahay na nakasangla. Hindi pwede. Hindi pwede mawala ang sakahan at maging niyugan. Ito ang tanging alaala ng kanyang yumaong ama at maging ng kanyang ate Althea.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD