CHAPTER 3.

2269 Words
“Dalawang million? Saan tayo ngayon kukuha ng dalawang million pantubos sa lupa at bahay, Kuya?” Walang tigil sa pag-agos ang mga luha ni Patricia. Nakatayo siya sa tapat ng kanyang kuya Jonard, habang ito ay nakaupo sa sofa katabi ng kanyang ina. “Akala ko kasi mababawi ko agad ang pera, hindi ko naman alam na scam pala iyong investment na sinalihan ko.” “Gago ka talaga, Jonard. Sana iyang kidney mo at atay mo na lang binenta mong hayop ka!” Sigaw ng kuya Rodel niya sabay duro sa mukha ang kuya Jonard. Akma pa nitong suntukin muli ang nakatandang kapatid ngunit inawat ito ng kanilang ina. “Tama na iyan. Wala na tayong magagawa. Umalis na lang tayo dito.” Ang kanyang ina na ngayon ay umiiyak. Napasalampak na napaupo si Patricia sa sofa. Salo ng kanyang mga palad ang kanyang mukha kasabay ng hagulhol. Hindi pwedeng mawala sa kanila ang sakahan, ang niyugan at ang bahay. Tinubos ito ng kanyang Kuya Drake at Ate Althea at nangako siyang kailanman ay hindi na ito isasangla pa. “Hindi. Hindi pwedeng mawala ang sakahan at ang niyugan. Hahanap ako ng paraan,” aniya sabay tayo. “Kung kailangan ko ibenta ang kaluluwa ko gagawin ko. Huwag lang mawala ang sakahan at niyugan.” wika niya habang sumisinok at hilam sa luha ang magkabilang pisngi. “Tama na Patricia. Wala na tayong magagawa. Dalawang million ang halaga ng pagkasangla ng sakahan at niyugan. Kahit anong gawin natin ay hindi na natin mababawi pa ang lupa. Nakita mo naman ang mga papeles. Legal ang pagkasangla.” Ang kuya Rodel. “Tanggapin na lang natin ang katotohanan. Katotohanan na hindi na natin pag-aari ang sakahan maging itong bahay.” “Gagawa ako ng paraan, gagawa ako ng paraan!” pagkawika noon ay agad na hinablot niya ang kanyang sling bag na nasa ibabaw ng mesa at lumabas siya ng bahay. She was crying. Pakiramdam niya ay naging triple ang sakit. Triple sa sakit na dulot sa kanya ni Arman. Mula sa laguna ay dinala siya ng kanyang mga paa sa mismong puntod ng kanyang namayapang amo na babae. Doon ay ibinuhos niya ang mga luha at walang tigil sa paghingi ng tawad. Binigo niya ang kanyang kuya Drake at ate Althea. “Huwag mong sayangin ang panahon, Patricia, bata ka pa. Mag-aral kang muli.” “P-Pero ate, kailangan ko kasing magtrabaho dahil may binabayaran—” “Ako na ang bahala. Magtatrabaho ka pa rin naman. Ipagpatuloy mo ang pag-aaral mo kahit tuwing linggo at sabado lang. ‘Wag kang mag-alala, kakausapin ko ang kuya Drake mo.” Bahagi ng alaala ng kanyang yumaong amo na babae. Ang kabutihan ng dating mga amo ay walang kapantay. Ngayon, hindi niya alam kung paano haharapin ang kuya Drake niya dahil sa muling pagkasangla ng sakahan at niyugan maging nang kanilang bahay. Halos dalawang oras ang kanyang ginugol sa puntod ng kanyang yumaong ate Althea. Sobrang namaga na ang kanyang mga mata dahil sa matinding pag-iyak. Walang tamang direksyon ang kanyang mga paa. Ang tanging nasa isip niya lang ay kung saan makakakuha ng dalawang milyon na halaga upang pantubos sa lupa na isinangla ng kanyang kuya Jonard. “Patricia, kahit isangla mo pa iyang kaluluwa mo, walang magpapahiram sayo ng dalawang milyon!” ang kanyang kaibigan na si Linet. Alam na niya yun. Alam niyang suntok sa buwan na may magpapahiram sa kanya ng dalawang milyon. Hindi lang lupa ang mawawala sa kanila kundi maging ang kanilang tirahan. Siguradong matutulog sa lansangan ang kanyang buong pamilya. “Ano ba kasi iyang kuya Jonard mo? Napakagahaman. Hindi man lang kayo inisip.” Inis na wika nang kaibigan niyang si Linet. Nakapamewang itong humarap sa kanya habang siya ay nakaupo sa ratan na upuan sa loob ng kusina nito. “Bakit hindi mo subukan sa mga Lending Company? Pero siguradong suntok pa rin sa buwan na mapapautang ka ng ganun ka laking halaga.” Pumasok sa isip niya bigla ang De Luna Lending Corporation dahil sa suhestiyon na iyon ng kaibigan na si Linet. Ngunit paano siya haharap kay sir Dexter? Siguradong magtataka iyon at magtatanong ng marami. Hindi basta-bastang halaga ng pera ang uutangin niya. Ganun pa man ay nilakasan niya ang loob niya. “Sige Linet, aalis na ako.” “Saan ka pupunta ha?” “Susubukan kong umutang sa Lending company. Magbabakasakali ako, Linet!” Agad na tinalikuran niya sa Linet at dire-diretsong lumabas nang bahay ng kaibigan. Tinatawag pa siya ni Linet ngunit hindi na siya nag-abala pa na lingunin ito. — — — Nakatingala na tinitigan ni Patricia ang gusali ng De luna Lending Corporation. Mayroong agam-agam sa isip niya. Walang kasiguraduhan kung mapapautang siya ng DLLC, ngunit alam niya na walang mangyayari kung hindi niya susubukan. Kumakabog ang dibdib na inihakbang niya ang mga paa tungo sa malapad na entrada na pintuan ng gusali. Habang humahakbang ay panay ang usal niya ng panalangin. Ito na lang ang tanging pag-asa niya upang matubos ang kanilang sakahan at niyugan. “Good noon, pwede bang—” “Patricia?” Hindi niya natuloy ang gustong sabihin sa receptionist. Napalingon siya sa pinagmulan ng pamilyar na tinig na iyon. Gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi. Genuine ang ngiti niya. Ngunit nagmukhang fake iyon dahil sa matinding kaba na kanyang nararamdaman ngayon. Si sir Dexter ang tumatawag sa kanya. Ngunit hindi ito nag-iisa. Kasama nito ang matalik na kaibigan na si Bryan. The two men were like a demigod walking toward him. Ripped jeans Grey t-shirt ang suot ni Sir Bryan, black pants naman at white long sleeve na nakatupi ang manggas hanggang siko ang suot ni sir Dexter. Bakat ang malapad na mga dibdib at bawat paggalaw ay nag-fe-flex ang mga perpektong muscle sa katawan. “Patricia, anong ginagawa mo rito?” “S-Sir, Dexter, a-ano po kasi–” Nauutal siya at halos hindi niya marinig ang kanyang tinig. Ang kanyang paningin ay hindi sinasadyang napabaling kay sir Bryan. Nagtama ang kanilang mga mata. Titig na titig ito sa kanya. Ang kulay abuhin nitong mga mata ay naglakbay sa kanyang kabuuan. She doesn't like Bryan from the very start. Sa lahat ng kaibigan ng kuya Drake niya ito ang ayaw niya. Pakiramdam niya kasi ay napaka-presko nito at simula noong naglilihi ang ate Althea niya ng sinigang, madalas ay nagpapaluto din ito sa kanya. Nagkataon kasi na tinikman talaga nito ang luto niyang sinigang na hipon. Simula noon ay hindi na siya tinantanan. Palagi na itong nagpapaluto sa kanya ng sinigang sa tuwing napapagawi ito sa bahay ng kanyang mga dating amo. “Patricia!” Napapitlag siya. “S-Sir, Dexter, gusto ko po sana kayong makausap.” “Tungkol saan, Patricia? Paalis ako ngayon ‘e. Susunduin namin sa airport ang kuya Drake mo.” “Ho? S-Si Kuya Drake?” Trumiple bigla ang kaba niya ng marinig ang pangalan ng kanyang dating amo. Halos magiba ang dibdib niya sa matinding pagkalabog. “I think you should go now, dude. May dadaanan ka pa diba? Sa airport na lang tayo magkikita.” si Sir Bryan. “Yeah!” Tugon ni sir Dexter kay sir Bryan bago muling lumingon sa kanya. “Patricia, importante ba ‘yang sasabihin mo? Kailangan ko na kasing umalis ‘e.” Mariin siyang napalunok. Pinagkukurot niya maging ang kanyang mga daliri. “H-Hindi naman po m-masyadong mahalaga, sir, Dexter.” tugon niya habang pinagkukurot ang mga daliri. “If you want, you can come back tomorrow afternoon, Patricia.” Tinanguan niya si sir Dexter at pilit na ngumiti. “S-sige po!” Dexter tapped her shoulder and left. Napahugot siya ng malalim na paghinga habang tinatanaw ang papalayong si sir Dexter. Uminit ang magkabilang sulok ng kanyang mga mata at ilang sandali lang ay pumatak na ang mga luhang kanina pa gustong kumawala. Hindi niya napigilan maging ang pagsinok. “Here!” Nilingon niya ang pinagmulan ng tinig na iyon. It was Bryan, giving her a handkerchief. Ngunit sa halip na tanggapin ang panyo ay inirapan niya ito sabay tinalikuran niya ito at humakbang paalis. “Wait!” Bryan tried to stop her from leaving. Ngunit hindi na niya ito nilingon. Tuloy-tuloy siya sa paglabas niya ng gusali. Ngunit sadyang makapal ang kakulitan nito sa katawan. Sinundan pa rin siya nito at panay pa rin ang tawag nito sa kanya. “Patricia!” His voice became impatient. Napalakas na ang tinig nito. Kaya wala siyang nagawa kundi ang tumigil at lingunin ito. “Maghanap ka ng iba na pwedeng magluto ng sinigang mo. Hindi na ako nagtatrabaho kina kuya Drake, kaya hindi mo na ako pwedeng utusan na ipagluto ka,” aniya sabay marahas na pinahid ang mga luha habang patuloy sa paglalakad sa gilid ng highway. “Ipagluto mo ako ng sinigang. I want a bangus sinigang. Sinigang in kamias.” Napahinto siya sa paghakbang. Hindi niya alam kung bingi ito o nagbibingihan lang. Marahas na nilingon niya ito at tinitigan ng matalim. “Bingi ka ba?” Hindi niya napigilan ang sarili na singhalan ito, habang ang kanyang mga luha ay patuloy sa pag-agos. “Tigilan mo ako. Hindi mo ako katulong para utus-utusan mo!” “Hey!” Bryan is stunned for a moment. “Lubayan mo ako! Pasan-pasan ko ang mundo at sobrang bigat ng bagay na nakadagan sa dibdib ko kaya pakiusap lubayan mo ako!” Sigaw niya rito habang panay ang paghikbi. Muli ay tinalikuran niya ito at mabilis ang hakbang na lumakad siya. Ngunit hindi pa siya masyadong nakakalayo ng maramdaman niya ang marahas na paghila sa kanyang kanang pulso. “Stop!” Malakas na sigaw ng pamilyar na tinig sabay marahas na hinila siya nito. Sunod-sunod na malakas na busina ng sasakyan ang kanyang narinig. Saka niya napagtanto na tumawid pala siya sa gitna mismo ng highway. “Magpapakamatay ka ba? Kung gusto mong magpakamatay huwag kang mandamay!” sigaw ng isang mama na nagmamaneho ng sasakyan na muntik makabangga sa kanya. Nakalabas pa ang ulo nito sa bintana ng sasakyan. Hindi na niya nagawang sumagot pa. Bigla ay nanginig ang kanyang katawan at hindi makahuma sa kanyang kinatatayuan. “Damn it! Come here!” wika ng pamilyar na tinig na iyon. Pagkatapos ay hinila siya nito. Nang lingunin niya ito ay saka niya napagtanto na nakasunod pa rin pala ito sa kanya at hindi siya nito nilubayan. Ngunit sa halip na singhalan niya ito ay nagpatianod siya sa paghila nito sa kanya. Dahil ang totoo. Tanggapin man niya o hindi. Iniligtas nito ang buhay niya. “Are you fvcking insane, Patricia?” Sa halip na sagutin ito ay malakas na hagulgol ang kumawala sa kanya. Nakayuko siya habang panay ang hagulhol. She felt so helpless. Ngayon, alam niyang wala na siyang magagawa pa. Tuluyan ng mawawala sa kanila ang sakahan at niyugan. “Stop crying damn it!” Bryan again cursed. Hinapit siya nito sa katawan at kapagkuwan ay natagpuan na lang niya ang sarili na yakap nito. His tall figure is towering over her and she is caged in his arms. Kusang umangat ang kanyang mga kamay at marahan na dumapo iyon sa malapad na dibdib ni Bryan. Ang kanyang mukha ay kanyang isinubsob sa matigas nitong dibdib kasabay ng walang ampat na paghagulgol. Walang anumang inhibisyon siyang nararamdaman. Gusto niya lang na ilabas sa pagitan ng mga luha ang malaking nakadagan sa kanyang dibdib. Ang totoo, pagod na pagod na siya. Pagod na siyang buhatin ang kanyang pamilya. Sa mga sandaling ito at sa hindi malaman na dahilan ay malaya niyang inilabas sa pagitan ng mga hagulgol ang kanyang mga hinaing, malaya niyang inilabas ang hindi kaaya-ayang emosyon sa isang tao na sa hinagap ay hindi niya inakalang yakapin siya ng ganito ka higpit. Hindi niya alam kung bakit, ngunit wala siyang naramdaman ni konting inhibisyon na tila ba kay gaan at kay sarap sa pakiramdam ang makulong sa matigas nitong braso at dibdib. Ngunit ang magaan na pakiramdam na iyon ay biglang napawi at napalitan ng pagtataka nang maamoy niya mula rito ang isang pamilyar na panlalaking amoy. It was the scent of an unknown man whom she gave her virginity to. Naangat niya ang mukhang hilam sa luha at napatitig sa mukha ni Bryan, sinalubong ni Bryan ang pagtitig niya. Ang kanilang mga mata ay magkaugnay. Mga mata na tila nangungusap sa isa't-isa. Impossible. Impossible na si Bryan ang lalaking pinag-alayan niya ng kanyang sarili. Malabong mangyari iyon. Isang matayog at lalaking pinapangarap ng lahat ang isang Bryan Holm. Maraming babae na nasa alta-sosyedad ang nahuhumaling dito. Sino siya para pag-laanan nito ng oras. Sino siya para pagnasaan nito. Isa siyang hamak na guro, at alipin ng kanyang pamilya. Para kay Bryan isa lamang siyang hamak na katulong ng matalik nitong kaibigan na si Kuya Drake. “Whatever your problem is, I want you to know that I can help you. Hindi mo kailangan magpakamatay.” Sa isang pitik ay bumalik sa kasalukuyan ang isip niya. Ang problema na kanyang kinakaharap. Bakit ba hindi niya naisip iyon. Mayaman si Bryan. Hindi lang basta mayaman. Isa itong bilyonaryo. “Kailangan ko ng pera. Matutulungan mo ba ako?” Walang gatol niyang tanong. “Name it,” Bryan answered and smirked. “But i warned you, may kapalit ang pagtulong ko.” “Sabihin mo. Kahit ano. Kahit ano gagawin ko. Kailangan ko ng dalawang milyon. Maibibigay mo ba iyon sa akin?” “Ofcourse, Patricia.” Bryan's mischievous smile crept into his lips which made Patricia heart pounds. “Anong kapalit?” “Ikaw. Ikaw ang kapalit, Patricia.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD