“Be my wife for six months, Patricia. I will pay you enough money to pay for your family home mortgage. Two million. Take it or leave it!” wika ni Bryan sabay latag ng isang puting papel sa harapan ni Patricia.
Isang mariin na paglunok ang ginawa ni Patricia. Ang kanyang paningin ay natuon sa mukha ni Bryan at saka marahan na bumaba iyon sa papel na nasa kanyang harapan.
It's a contract.
“Kailangan mo ng pera at kailangan ko rin ng asawa. Sa madaling salita. Kailangan natin ang isa't-isa,” ani Bryan sabay bagsak ng makapal na parihabang mga papel sa ibabaw ng mesa na sa harapan niya mismo. Mga tseke iyon.
Napalunok siya ng mariin.
Ito na. Nasa harapan na niya ang kasagutan sa kanyang problema. Maisalba na niya ang sakahan at niyugan maging ang bahay ng kanyang pamilya.
“Pumapayag ako.” Walang gatol niyang tugon.
Wala naman rason upang humindi siya.
Hindi na buo ang pagkatao niya.
“Good,” Bryan took the pen and the contract and gave it to her. “Sign it. Ngayon din, ibibigay ko sayo ang perang kailangan mo. And also, I will ask my lawyer to prepare the marriage contract. Huwag kang mag-alala. Mapapawalang bisa agad ang kasal pagkalipas ng anim na buwan.”
Nanginginig ang mga kamay na kinuha niya ang ballpen kasabay ng sunod-sunod na paglunok. Isang marahas na paghinga ang kanyang ginawa. Mariin na pinikit niya ang kanyang mga mata ng ilang segundo.
‘Para ‘to sa pamilya mo, Patricia. Para ito sa lupa na tanging alaala mo sa iyong yumaong ama at ate Althea.’
Sa pagmulat ng kanyang mga mata, walang pag-aalinlangan na pinirmahan niya ang kasulatan na nasa kanyang harapan. Hindi man lang siya naglaan ng oras upang basahin ang kontrata.
“Pinirmahan mo nang hindi man lang binasa ang nakapaloob sa contract?” Bryan asks with a mischievous smile painted on his face.
“Kailangan ko ang pera kaya wala na akong pakialam kung ano ang laman niyang kontrata. Anim na buwan lang naman tayo maging mag-asawa at ikaw na rin ang nagsabi na ipawalang bisa mo ang kasal pagkatapos ng anim na buwan.”
Hindi mabura-bura ang nakakalokang ngiti sa mga labi ni Bryan habang titig na titig ito sa kanya. “Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung bakit ko ginagawa ito? You should at least ask.”
Saka lang pumasok sa isip niya ang katanungan na iyon. Bakit nga ba? Bakit bigla ay gusto nitong magpakasal at bakit siya pa? Marami naman babae ang nagkakandarapa rito. Mga babaeng pwede nitong ipagmalaki.
“Bakit nga ba?”
Isang mahinang halakhak ang pinakawalan ni Bryan. tumayo ito at itinukod ang mga kamay sa mesa sabay tumungo ito sa kanya. Hindi niya alam kung bakit. Ngunit sa mga sandaling ito ay bigla ang pagrambulan ng libo-libong paru-paru sa dibdib niya. Ni hindi niya magawang ikurap ang mga mata habang ang kanilang paningin ay magkaugnay. Maging ang kanyang puso ay biglang naging uneasy ang pagtibok.
“Because—” Bryan froze for a moment.
His gaze traveled to her face, na tila ba kinakabisado nito ang bawat bahagi at kasuluksulukan ng kanyang mukha saka mas lalong inilapit nito ang mukha sa kanyang mukha. Hanggang sa tuluyan na tila gadangkal ang layo ng kanilang mga mukha sa isa't-isa. She can't help but swallow countless times.
She had known Bryan for a very long time, at sa mahabang panahon ngayon niya lang naramdaman ang kakaibang pandama na ito. Her heart was beating fast, which made it hard to breathe.
Bryan's warm breath was fanning her face and she couldn't help herself but close her eyes. “Bakit? Bakit nga ba, sir Bryan?” She asked in a very low tone. Halos hindi niya marinig ang sariling tinig. Katunayan bahagya pang nanginginig ang boses niya.
“Stop calling me sir Bryan, from now on, Pat,” Bryan huskily whispered.
Marahan na naimulat niya ang kanyang mga mata. Ang mabilis na pagtibok ng puso niya ay naging triple at halos pigil niya ang kanyang paghinga. Ang kanilang mga labi ay halos nang magkalapat at ang tungki ng kanilang mga ilong ay marahan na nagkabungguan.
And God, the scratching tip of their nose sent a shivering feeling down her spine. Nagsitayuan ang munting balahibo sa buo niyang katawan. Lalo pa at amoy na amoy niya maging ang mabango nitong hininga.
“Call me anything you want, Pat. Just drop the formalities. Perhaps, call me sweetheart, lalo na kapag kaharap natin ang pamilya ko.”
Inatras niya ng bahagya ang mukha upang bigyan pagitan ang halos magkadikit na nilang mga labi. Muli ay mariin siyang lumunok at pinatatag ang sarili na salubungin ang malaabo na kulay na mga mata ni Bryan.
“Bakit ako?”
Bryan again smirked. “Kailangan mo ako at kailangan kita. Sapat nang dahilan iyon upang piliin ka, Pati…” It was a whisper. A whisper that made Patricia again close her eyes.
Tuluyan na magkalapat ang kanilang mga labi. Bryan is brushing his lips against her. She wanted to push Bryan, ‘di naman kaya ay ilayo ang sarili mula rito ngunit tila hindi nakiayon ang katawan niya sa dikta ng isip niya. An icy feeling invaded her whole body which made her freeze, and her heart was pounding hard and fast which caused her shallow breathing.
“Sir—ay!”
Tili na iyon ang dahilan upang maimulat niya ang kanyang mga mata kasabay ng bigla niyang pagtayo. Tila pa niya habol ang paghinga niya. Pakiramdam niya kasi ay kinapusan siya panandalian ng hangin.
“Don’t you know how to knock?” maaninag ang inis sa tinig ni Bryan habang nakatingin sa babaeng nasa tapat ng pintuan ng library.
“Pasensya po. Hindi ko kasi alam na—”
“Ano ba ang kailangan mo?” singhal na tanong nito sa babae na nasa may pintuan.
Sa hinuha niya ay katulong ang babae. May dala kasi itong telepono at sir ang tawag nito kay Bryan. Napayuko siya. Hindi niya kayang angatin ang mukha. Nahihiya siyang salubungin ang titig ng babae.
“May tawag po kasi kayo, sir. Sinusubukan ko pong e connect dito sa library pero ayaw po magkonekt. Ang mama nyo po kasi ang tumatawag.”
Paano ba kasi kokonekta ang tawag sa linya dito sa loob ng library ‘e tinanggal nito ang koneksyon kanina ng linya sa landline.
“Leave. Tell Mama that I am busy and I will call her later.”
“Sige po.”
Tunog ng pagsara ng pinto at yabag ng umalis na katulong ang nagpaangat ng kanyang mukha. Sa pag-angat ng kanyang mukha ay sakto lumingon sa kanya si Bryan. Muli ay muling naging magkaugnay ang kanilang mga titig. Sa mga sandaling ito ay wala ni isa sa kanila ang kumurap.
Tila ba bigla ay nabalutan sila kapwa ng hiwaga. Isang misteryosong pakiramdam na hindi matukoy kung bakit at saan nagmumula. All she could hear at the moment was her loud pounding heart.
Bakit ganito?
Ano itong nararamdaman niya?
This man in front of her is the man she once hated, and the man who also helped her financially to pay their land and home mortgage.
Kinakabahan ba siya dahil sa magiging asawa niya ito sa loob ng anim na buwan at sa isipin na magsasama sila sa iisang bubong? O kinakabahan siya sa mga maaaring mangyari sa kanilang pagitan habang nag sasama bilang mag asawa.
Ilang sandali lang ay humakbang si Bryan papalapit sa kanya. Tumayo ito sa kabilang bahagi ng study table habang ang paningin ay nanatiling nakapako sa kanya. Lihim na muling pinagkukurot niya ang kanyang mga daliri sa ilalim ng mesa kasabay ng mariin na paglunok.
Bryan took a deep sigh. He grabbed the pen and cheque. Walang pag-aalinlangan na sinulatan nito ng dalawang milyon ang cheque at binigay sa kanya.
“Go home. Pay your land and home mortgage at tatlong araw mula ngayon ay susunduin kita. Bukas matatanggap mo ang marriage contract, sign it and my lawyer will send it to Judge Rodriguez to register our marriage.”
That’s it.
Walang seremonyas na mangyayari. Pirmahan lang ang magaganap.
Gumuhit ang hapdi sa kanyang dibdib.
She felt pity for herself.
Sino ba ang hindi maaawa sa sarili?
Para siyang isang makabagong magdalena na ibinenta ang sarili alang-alang sa kapakanan ng kanyang pamilya. Ikakasal siya sa isang taong hindi niya mahal at hindi siya mahal. Isang pagkukunwari lang ang magaganap ngunit ang pagsasama nila bilang mag-asawa ay legal sa harap ng mga taong mahalaga sa buhay ni Bryan.
“Here.”
Napatitig siya sa bagay na hawak ni Bryan na binibigay nito sa kanya. Isa iyong black card. Alam niya kung para saan ang black card na iyon. Tanging mayayaman na mga tao lang ang meron non. Walang limitasyon ang halaga ng pera ang nakapaloob sa loob ng black card na iyon.
“For you, Pat. Buy everything you want.”
“Hindi ko matatanggap iyan.” walang gatol niyang pagtanggi.
Bryan smirked. “Who said you can’t accept it? Number five rules in the contract. What is mine is yours, Pat. maging mag-asawa tayo. Ayaw kong mahirapan ang asawa ko. Ibibigay ko sayo ang karangyaan habang nasa poder kita. You already sign the contract, kaya wala ka nang magagawa at karapatan na tumanggi pa.”
Napakurap at napaawang na lamang ang kanyang mga labi buhat sa narinig. Ang kanyang paningin ay kusang namaybay sa mukha ni Bryan, pababa sa hawak nitong black card. Isang mariin na paglunok ang muli niyang ginawa.
“Paano kung hindi ko tatanggapin ang—”
“Then you left me no choice, kundi ang bawiin ang dalawang milyon, Pat.”
Isang marahas na paghinga ang kanyang ginawa. Wala na siyang ibang choice kundi tanggapin ang black card na binibigay nito sa kanya. Alam niyang hindi nagbibiro si Bryan. His eyes and tone say it all. Hindi ito kumukurap habang nakatitig sa kanya. Titig na tila siya nito inaari at ang tinig ay nababakasan ng katatagan.
“K-kailangan ko ng umalis bago pa mapalayas ng tuluyan ang pamilya ko sa bahay.” kahit anong pilit niyang patatagin ang sarili sa harap ni Bryan ay hindi niya magawa. Sa unang pagkakataon ay naging at uneasy ang pakiramdam niya na makasama ito sa isang silid at makatabi.
“Ihahatid ka ni Larry,” tukoy nito kay mang Larry na driver nito. “Simula ngayon, kung nasaan ka kasama mo na si Larry. Larry will be your driver at simula ngayon, ayaw ko na may ibang lalaki na lalapit sayo maliban sa mga kapatid mo, Pat.”
Bryan sounds so possessive. Kung makapagsalita ito ay talagang inaari na siya nito. Totoo naman. Sa sandaling pinirmahan niya ang kontrata kanina ay talagang pagmamay-ari na siya nito. Binayaran na nito ang pagkatao niya at pag-aari siya nito sa loob ng anim na buwan.
Hinatid siya ni Bryan sa labas mismo ng bahay nito. Paglabas pa lang ng gate ay nasa tapat na mismo ng gate si Manong Larry. Naghihintay sa kanila. Bryan automatically opens the car door for her. Pinatong pa nito ang palad sa mismong tuktok ng ulo niya habang inaalalayan siya sa pagpasok sa loob ng sasakyan.
Sa bawat paghawak nito sa kanya ay nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na damdamin. She even felt a raging heat all over her system every time his hand landed on her pulse and the whole time they talked her heart kept on pounding. Sa loob ng maraming taon na nakilala niya si Bryan, ngayon niya lang naramdaman ang ganitong pakiramdam.
Ang isa sa nakakamangha ay ang bilis ng katawan niya rumisponde sa bawat pagdaiti ng palad nito sa kanya na animoy kilalang-kilala ito ng pandama niya.
“See you three days from now, Pat, don’t hesitate to call me if there is any problem,” ani nito habang mataman na nakatitig sa kanya. “Naintindihan mo ako?”
Tumango siya.
“Larry, ang bilin ko.” baling nito kay Manong Larry.
“Arreglado boss. Ako ang bahala kay ma’am.” tugon ni manong Larry.
Bryan then again turned his gaze to her. Bigla ay hinawakan siya nito sa kanyang ba-ba at walang pagdalawang isip na kinintalan siya nito ng halik sa pisngi. Panandalian na tila tumigil ang pagtibok ng puso niya. Hindi siya makahuma at napatanga na lang na napatitig sa mukha ni Bryan. Ramdam niya maging ang pag-init ng kanyang magkabilang pisngi.
“You're blushing, Pat,” ani nito na sinabayan ng mahinang tawa ang sinabi. “Simula ngayon sanayin mo na ang sarili mo sa halik ko dahil hindi lang halik ang ibibigay at ipapatikim ko sayo.” Bryan then winked and bit his lower lip afterward before closing the car door.