CHAPTER 5.

2040 Words
“Goodbye, ma'am Patricia, goodbye classmate, goodbye!” Sabay-sabay na bigkas ng mga estudyante ni Patricia. “Okay, class see you again on monday. Huwag kalimutan na sagutan ang inyong mga takdang aralin sa bahay ha!” “Opo, ma'am, Patricia.” Muli ay sabay-sabay na tugon ng mga mag-aaral. Nang tuluyan na nakalabas ang lahat ng mga estudyante ay nagsimulang magligpit sa loob ng silid aralan si Patricia kasama ang mga estudyante niyang cleaners of the day. “Ma'am, Patricia, pwede po ba kami sumakay sa maganda mong sasakyan?” Napalingon siya sa kanyang estudyanteng si Ela. Nginitian niya ito. “Sige ba. Bilisan natin ang paglilinis at isa-isa ko kayong ihatid sa bahay nyo.” “Yehey!!” Sabay-sabay na sigaw ng mga mag-aaral na itinaas pa sa ere ang mga braso at nagsilundagan. Napangiti siya. Bakas na bakas sa mukha at kilos ng mga bata ang matinding tuwa. Humakbang siya tungo sa bintana at sumilip sa labas. Tanaw niya mula sa kinaroroonan ang itim na BMW na kotse na nakaparada sa labas ng paaralan. Marahil ay nasa canteen si Manong Larry, sinabihan niya kasi ito kanina na mag-merienda habang naghihintay sa kanya. Hinugot niya ang kanyang cellphone sa loob ng kanyang bag upang tingnan kung may mensahe. Wala ni isang mensahe. It's been five days. Ang sinabing susunduin siya ni Bryan ay hindi nangyari. Somehow, she felt relieved. Ngunit ang isipin na kasal na siya kay Bryan ay nagbibigay sa kanya ng hindi matawaran na kaba. Walang may alam ni isa sa pamilya niya na kasal na siya. Inilihim niya iyon. Ang puso niya ay biglang tumibok ng mabilis ng maalala ang sitwasyon na kinasusuungan. “Ma’am, tapos na po!” Napapitlag siya. Agad na nilingon niya ang kanyang mga estudyante at nginitian. Halatang excited ang mga ito. Wala ang makulit niyang estudyanteng si Mike. Hindi ito sumabay sa kanya. Nahihiya na ito sa kanya dahil sa pagbuko dito ng ina kamakailan lang. Isa-isa na hinatid nila ni Mang Larry ang kanyang mga estudyante. Pagkatapos ay agad na umuwi. Hindi na siya sa dati niyang inuupuhan na bahay nakatira. Bryan bought a condo at Villareal Condominium. Wala siyang nagawa kundi ang sundin ang lahat ng gusto ni Bryan. Sino ba siya para tumanggi? Pinirmahan niya ang kontrata at walang pumilit sa kanya. Katunayan, siya ang lumapit kay Bryan. Bryan just called her three days ago, at sinabihan siyang lumipat ng tirahan at huwag ng mangupahan. He even told her to quit her job. Sasalungatin niya ang gusto nito. Mahal niya ang pagtuturo. Gagawin niya ang lahat upang pumayag ito. Saktong malapit na siya sa condo ay tumunog ang message alert tone ng kanyang cellphone. Agad na hinugot niya iyon mula sa kanyang shoulder bag at tiningnan kung kanino galing ang mensahe. Ganun na lang ang pagkabog ng dibdib niya ng mabasa kung kanino galing ang mensahe na iyon. “I’ll be home tonight.” Maikli lang ang mensahe ni Bryan ngunit sapat na iyon upang yanigin ang sistema niya. Nakapa niya tuloy ang dibdib niya at nahilot iyon ng wala sa oras.sobra-sobra kasi ang pagkabog ng puso niya. Magkatabi ba sila sa pagtulog ngayong gabi? Kailangan ba niyang ipagluto ito? Ang katanungan na iyon ay dalawa lamang sa maraming katanungan sa isip niya. Hanggang sa natagpuan niya ang sarili na nagtitipa ng mensahe sa kanyang cell phone upang replayan si Bryan. “Dito ka ba kakain?” isang malalim na paghinga ang kanyang ginawa bago tuluyan na pinadala niya ang mensahe. Wala pang isang minuto ang lumipas ay muling tumunog ang message alert tone ng kanyang cellphone. Ewan. Pero nanginginig ang kanyang kamay na binubuksan ang mensahe. “I miss eating sinigang. Can you cook sinigang na bangus for me or shrimp sinigang?” Kinakabahan siya. Ngunit wala sa sariling napangiti siya. Bumalik kasi sa isip niya ang isang eksena sa nakaraan anim na taon na ang nakakaraan. The first time Bryan tasted her cooked shrimp sinigang. Bit-bit niya noon ang isang malaking mangkok na sinigang tungo sa hardin kung saan naghanda ng salo-salo ang matalik na mga kaibigan ng kuya Drake niya kabilang si Bryan. Nakaupo noon ang binata sa tapat ng pahabang mesa at dumaan siya sa tabi nito. Agad na napansin nito ang bitbit niyang umuusok na isang mangkok na sinigang. “Ano yan?” Bigla ay tanong nito sa kanya na sa mangkok ang paningin. “Sinigang po.” “Pwede ba ‘tong tikman? Parang masarap ‘e.” “Gusto nyo pong tikman, pumasok po kayo sa loob.” Sa mga sandaling iyon ay biglang naangat ni Bryan ang paningin at napatingin sa kanyang mukha. Awang maging ang mga labi nito. She was quite puzzled at that time. Kasi parang iba ang dating para rito ang sinabi niya. Hindi kasi nakatakas sa paningin niya ang pagsuyod nito ng tingin sa kabuuan niya. “Sir Bryan ibig ko po sabihin sinigang. ‘Wag po marumi ang isip niyo. ‘Wag niyo tikman 'yang kay ate.” Everyone laughed, samantalang siya noon ay abot hanggang bunbunan ang inis. Akala ‘ata nito noon ay sarili niya ang gusto niyang ipatikim. Kaya mula sa araw na iyon ay sobrang inis na inis na siya kay Bryan, at simula rin sa araw na iyon ay panay na ang pagpapaluto nito sa kanya ng sinigang sa tuwing napapagawi ito sa bahay ng kanyang dating mga amo. “Manong, Larry dadaan po tayo sa palengke.” “Sige ma'am.” Kailangan niyang bumili ng ilang sangkap para sa lulutuin niyang sinigang. Wala kasing hipon sa condo at r****h. Sa maraming beses na nilulutuan niya noon si Bryan, napansin niyang gustong-gusto nitong kainin ang r****h na hinahalo niya sa sinigang. Sinigang na hipon ang napili niyang lutuin. Bitbit ni Manong Larry ang mga pinamili niya papalabas ng palengke. “Ma'am, kapag nalaman ni ser Bryan na sa palengke ng bayan ka bumili siguradong masisermunan ako nun.” “Hindi naman natin sasabihin sa kanya Manong. Mas sariwa kasi dito sa palengke ng bayan kesa doon sa supermarket ng mall.” Mahina na lang na natawa si manong Larry sa sinabi niya. Nakasunod ito sa kanya tungo sa paradahan ng kotse. Basa ang kanilang dinadaanan dahil kakatapos lang na ulan. Alam niya kung bakit ayaw ni Bryan na dito siya sa palengke bumibili dahil sa masangsang ang lugar, maingay at mainit. Marahil ay iniisip nito na maging malansa ang amoy niya. Maarte talaga ang asawa niya kahit noon pa man. Bigla ay natigil siya sa paglalakad ng maisip ang katagang asawa. Unti-unti naman niya tinatanggap ang katotohanan na iyon, ngunit sadyang kay hirap lang na e-absorb ng utak niya. Ang hirap lang paniwalaan. Anim na buwan lang sila magsasama pero ang pagsasama na iyon ay legal. Ilang sandali lang ang byahe ng marating nila ang condo unit. Agad na pinindot niya ang password ng pinto. Ngunit hindi pa niya iyon tuluyang nabuksan ay agad na bumukas ang pinto. Panandalian na tila tumigil sa pagtibok ang puso niya at ilang beses na napalunok siya. Bryan's masculine and tall figure is towering over her. Bryan is half naked and a droplet of water is falling from his hair. Amoy na amoy niya ang mabangong shower gel na gamit nito na nanunuot sa kanyang pang-amoy. Lihim na napabuntong hininga siya at pilit na kinakalma ang puso na ngayon ay naghuhurmintado sa pagtibok. “Bakit ngayon ka lang?” he asked her with full authority in his tone. Ang mga mata nito ay nakatuon sa kanyang mukha at hindi kumukurap. She felt so intimidated. Kung tulad siguro ng dati baka sininghalan na niya ito. Pero iba ang sitwasyon nila ngayon. Pag-aari na siya nito at wala siyang karapatan na singhalan ito. “Bumili lang ng mga sangkap para sa gusto mong sinigang.” “Bakit ikaw ang bumili? Why don’t you just tell Larry to buy it?” “G-galing kasi kami ng school at nasa daan kami nang matanggap ko ang mensahe mo. k-kaya ano—kaya dumaan na lang kami sa—sa palengke.” Ang hirap magsalita ng tuwid. Ang puso at isip niya ay tila nagsanib at hindi mapakali. “I told you not to go to that place, Pat. malapit lang naman dito ang mall, bakit doon pa sa palengke na siksikan ang mga tao?” His voice is full of irritation. “E kasi—” “Ipasok mo na iyang mga panimili niyo Larry. I told you already not to let her go to the wet market, pero hindi mo sinunod ang utos ko. Gusto mo bang mawalan ng trabaho, ha, Larry?” putol nito sa iba pa sana niyang sasabihin. Bigla siyang naalarma sa sinabi ni Bryan. Nilingon niya si manong Larry, nakita niya ang pag-alala sa mukha nito. Hindi pwedeng mawalan ng trabaho si Manong Larry, may pamilya itong binubuhay tulad niya. “Bryan, ako naman ang may gusto. Ayaw ni Manong Larry, pinilit ko lang.” Nagawa niyang magsalita ng tuloy-tuloy at hindi nautal dahil sa pag-alala kay manong Larry. Bryan turned his gaze to her. Sinuyod nito ng tingin ang kanyang mukha pagkatapos ay tumitig ito ng diretso sa kanyang mga mata. She felt so intimidated, kaya hindi niya napigilan ang mapayuko. Para kasing tagus-tagusan hanggang sa kailaliman ng isip niya ang titig nito. “Gutom na ako.” tinalikuran siya ni Bryan at tumungo ito sa sala. “Magluluto na ako.” taranta niyang tugon. “Manong pakilagay na lang po sa mesa ang mga iyan at umuwi na po kayo.” “Sige, ma’am.” Paglabas ni Manong Larry, ay agad na hinarap niya ang pagluluto. Ni hindi pa siya nakapagbihis ng uniporme mula sa paaralan. Ang kanyang shoulder bag ay kanya lamang na inilagay sa isang tabi kasama ng ilang libro. Nagmamadali ang kanyang kilos. Aligaga siya. Nasa tapat siya ng sink at isa-isang hinuhugasan ang mga hipon nang marinig ang kaluskos sa mga plastik na nasa kanyang likuran. Napalingon siya. She saw Bryan take out some veggies she bought from the wet market. Mga gulay iyon na kanyang ihahalo sa lulutuin na sinigang. “A-Anong ginagawa mo?” Utal niyang tanong. “Tutulong,” ani nito sabay lapag ng isang malaking piraso ng r****h sa ibabaw ng mesa. “Should I peel this?” “Ako na lang. Magpahinga ka na lang. Mabilis naman akong magluto.” “Nope. I insist.” Hindi talaga ito nagpapigil. Binalatan nito ang r****h at hiniwa at sinunod ang iba pang sangkap. Alam na alam na nito ang paghiwa ng mga sangkap since lagi naman itong kumakain ng sinigang noon na pinapaluto nito sa kanya. Nakaharap siya sa kalan ngunit ang isip niya ay nasa taong nasa kanyang likuran. Tanging ang tunog ng bawat paghiwa nito ng pansahog sa sinigang ang namayani sa paligid na sinasabayan ng dagundong ng kanyang dibdib. Tila may mata ang kanyang likuran dahil naglalaro sa isip niya ang hubad baro nitong katawan habang naghihiwa ng mga sangkap. Ang buo niyang sistema sa mga sandaling ito ay sobrang aligaga. Panay ang paghurmintado ng puso niya at ang kanyang sikmura ay tila may libo-libong kulisap na nagsisiliparan sa loob. “Ako na bahala dito magpalit ka na muna ng damit mo.” Tila siya nayanig sa matinding pagkagulat dahil sa bigla nitong pagsalita mula sa likuran niya. Maging ang puso niya ay tila biglang nahulog. Napaharap tuloy siya rito ng wala sa oras. Ngunit sa pagharap niya, ay bumunggo ang katawan niya sa matipuno nitong katawan. Nakatayo na pala ito sa kanyang likuran ng hindi niya man lang namalayan. Hindi siya makagalaw at panandalian na natuod siya. Bryan snaked his arms around her waist and pulled her close. “Bryan—” Hindi niya magawang ituloy ang gustong sabihin at sa halip ay napatingala siya rito. Naikuyom niya na lang mga kamao at hindi magawang gumalaw. Magkalapat ang kanilang mga katawan at ang mga mata ay magkaugnay. “Itikom mo ang mga labi mo, Pat. Baka hindi ako makapagpigil at ikaw ang gagawin kung hapunan… you don't know how eager I am to enter between your thighs, wife..” he whispered in her ear as he leaned his head forward toward her. “You're such a turn-on, Pat…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD