Hawak ni Bryan ang kanyang kanan na kamay, binabagtas nila ang isang hallway sa kaliwang bahagi ng mansion na kanugnog lamang ng living room. Isang silid ang binuksan ni Bryan na nasa pinakadulo na bahagi ng hallway. Nagtataka si Patricia na napalingon sa asawa niya. Ngunit hindi niya magawang magtanong. Nginitian lang siya ni Bryan at pagkatapos ay hinawakan nito ang seradura ng pinto. “Nasa loob ng silid na ito ang taong ipapakilala ko sayo.” wika nito sa kanya sabay bukas ng pinto. Mula sa kinatatayuan ay hindi niya magawang gumalaw. Isang lalaki ang kanyang nakikita na nakahiga sa malapad na kama kung saan ay may mga aparato na nakakabit sa katawan nito. Sa isang tingin lamang ay may ideya na siya kung ano ang nangyari sa lalaki dahil sa mga aparato na nakakabit sa katawan ng lalaki

