Prologue
The dream always starts the same way.
Walang tunog. Walang tao.
At pagkatapos—
nakatayo na ako sa gitna ng isang palasyo na hindi ko naman kilala.
Hindi ko alam kung saan ito, pero sobrang linaw ng bawat detalye. Ang matatayog na tore na halos sumasayad sa madilim na langit. Ang malamig na marmol sa ilalim ng mga paa ko. Ang mga ilaw na hindi naman kandila, ngunit kumikislap na parang may sariling buhay.
Huminga ako.
Malamig ang hangin, pero hindi ako giniginaw.
Parang kilala ako ng lugar na ito.
Dahan-dahan akong lumingon.
May mga taong nakahanay sa magkabilang gilid ng bulwagan. Hindi ko maaninag ang mga mukha nila—parang tinatakpan ng manipis na usok ang kanilang mga anyo.
Ngunit ramdam ko ang mga tingin nila.
Mabigat.
Matagal.
Parang matagal na nila akong hinihintay.
Napatingin ako sa sarili ko.
Hindi ito ang suot ko bago ako matulog.
Mahaba ang damit ko—mapusyaw na pilak na kumikislap sa bawat galaw ko. Dumadaloy ito na parang liwanag, hindi tela.
Bakit parang… bagay sa akin?
Sa dulo ng bulwagan, may isang trono.
Hindi ito engrande.
Hindi ito sobrang palamuti.
Ngunit imposibleng hindi ito mapansin.
Sa ibabaw nito, nakapatong ang isang korona.
Ginto.
Ngunit sa gitna nito ay may batong pilak na kumikislap, parang may sariling t***k.
Kasabay ng t***k ng puso ko.
Isang hakbang.
Hindi ko alam kung ako ang gumalaw o may humila sa akin.
Isa pa.
Habang papalapit ako, mas lumalakas ang init sa dibdib ko.
Parang may nagigising sa dugo ko.
“Eerah.”
Napahinto ako.
May tumawag sa pangalan ko.
Hindi ko makita kung sino.
Ang boses ay hindi malakas, ngunit ramdam ko ang bigat nito sa buong katawan ko.
“Eerah.”
Mas malinaw na ngayon.
Mas malapit.
Napalingon ako sa kanan.
Sa kaliwa.
Wala.
Ngunit biglang gumalaw ang mga anino sa likod ng mga nakahanay na tao.
Parang may isa na nakatayo sa gitna nila.
Mas matangkad.
Mas malinaw ang anyo.
Hindi ko makita ang mukha niya, ngunit alam kong—
nakatingin siya sa akin.
Biglang kumislap ang kanang kamay ko.
Napasinghap ako.
Silver light ang lumabas mula sa balat ko. Hindi basta liwanag—parang may enerhiyang dumadaloy sa loob ko.
Mainit.
Masakit.
Pero hindi nakakatakot.
Parang… tama.
Unti-unting nagluhod ang mga nakahanay sa gilid.
Isa-isa.
Walang utos.
Walang salita.
Parang natural lang sa kanila.
Parang—
ako ang dahilan.
Napatigil ako.
Hindi ito tama.
Hindi ako ito.
Gusto kong umatras, pero hindi gumagalaw ang mga paa ko.
Lumakas ang hangin. Umalingawngaw ang tunog na parang kampana mula sa malayo.
At saka ko narinig ang isang huling bulong.
“Umuwi ka na.”
Biglang nagdilim ang lahat.
Napabangon ako sa kama, hinihingal.
Madilim ang kwarto ko. Tahimik. Normal.
Pero mabilis ang t***k ng puso ko.
At ang kamay ko—
mainit pa rin.
Dahan-dahan ko itong binuksan.
Wala namang liwanag.
Wala namang marka.
Pero sa ilalim ng balat ko, parang may natutulog na bagay.
At sa unang pagkakataon—
hindi ko na sigurado kung panaginip lang iyon.
Dahil pakiramdam ko…
may kaharian na naghihintay sa pagbabalik ko.