Nagising ako sa tunog ng alarm ko.
Pang-apat na snooze.
Napabangon ako agad. “Shoot.”
Tumingin ako sa orasan.
7:32 AM.
Late na ako.
Mabilis akong tumayo at muntik pang madapa sa kumot. Sumakit ang ulo ko—parang may naiwan na parte ng panaginip sa likod ng isip ko.
Palasyo.
Korona.
Mga matang nakatingin sa akin.
I shook my head. “Ang weird.”
Habang nagsisipilyo ako, napatingin ako sa salamin.
For a second, I swear may kumislap sa gilid nito.
Napakurap ako.
Wala.
“Lack of sleep lang ‘to,” bulong ko sa sarili ko.
Paglabas ko ng kwarto, hinablot ko ang bag ko at bumaba ng hagdan.
“Dad, alis na ako!” sigaw ko.
Tahimik.
Weird.
Usually nasa kusina na siya, nagkakape habang nanonood ng balita.
Nasilip ko ang mesa.
May mug ng kape.
May konti pang laman.
Hindi niya inuubos ang kape niya.
Ever.
“Dad?”
Lumapit ako sa sala.
Wala siya.
Pero may nakapatong na maliit na kahon sa center table.
Hindi iyon doon kahapon.
Napakunot ang noo ko.
Before I could reach it—
nag-flicker ang ilaw.
Once.
Twice.
Three times.
Napahinto ako.
“What the—”
At sa salamin sa dingding, may manipis na guhit.
Parang bitak.
Pero hindi basag.
Mas lalong lumawak ang guhit, at may dumaloy na pilak na liwanag sa loob nito.
Silver.
Parang… buhay.
Napaatras ako.
Biglang may humawak sa balikat ko.
“Eerah.”
Napasinghap ako at napalingon.
Si Dad.
Nakatayo siya sa likod ko.
Pero iba ang tingin niya.
Hindi gulat.
Hindi confused.
Takot.
“Dad? Did you see that?”
Isang segundo siyang tumingin sa salamin.
Normal na ulit ito.
Walang bitak.
Walang liwanag.
Parang walang nangyari.
“See what?” tanong niya, pero ramdam kong alam niya.
“May… may bitak. And it was glowing. Silver.”
Tahimik siya.
Mas tahimik kaysa dati.
Then he forced a small smile.
“You’re just stressed. First day mo ngayon, right?”
Hindi siya ganito magsalita.
Hindi siya nagsisinungaling nang ganito ka-obvious.
Napatingin ako sa kamay ko.
Mainit pa rin.
“Dad… what’s happening to me?”
Saglit siyang tumingin sa maliit na kahon sa mesa.
Then back to me.
At doon ko nakita—
hindi siya nagugulat.
Parang…
inaantay niya ito.
Tahimik pa rin si Dad.
Saglit siyang tumingin sa salamin, saka bumalik ang tingin sa akin. Para bang may gustong sabihin pero pinipigilan niya.
“Dad… nakita mo ‘yun, ‘di ba?” mahina kong tanong.
Isang segundo.
Dalawa.
Then he sighed.
“Eerah,” maingat niyang sabi, “late ka na.”
Napakunot ang noo ko. “That’s it? Late lang ako?”
“For now, just go to school,” dagdag niya. Mas seryoso ang tono niya ngayon. “We’ll talk later.”
Later.
Ayoko ng salitang ‘yan.
“Dad, something’s happening. Hindi ‘to normal.”
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabilang balikat ko. Warm ang kamay niya, steady.
“Listen to me,” sabi niya, mababa ang boses. “Whatever you think you saw… don’t react. Don’t panic. Just act normal.”
Napaatras ako ng konti. “Act normal? Dad, may glowing c***k sa salamin!”
Saglit siyang napapikit, parang may pinipigil.
Then he forced a calm expression.
“Trust me,” sabi niya. “Please.”
I stared at him.
Hindi siya mukhang confused.
Hindi siya mukhang naguguluhan.
Mukha siyang… naghahanda.
“For what?” tanong ko.
Pero hindi niya sinagot.
Instead, kinuha niya ang bag ko at iniabot sa akin.
“Go to school. I’ll pick you up later.”
Hindi niya ako hinahatid normally.
“Dad—”
“Eerah.” Mas matigas na ngayon ang tono niya. Hindi galit. Pero final.
Napahigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko.
May gusto siyang sabihin.
May tinatago siya.
At pakiramdam ko, hindi ko magugustuhan ang sagot.
Pero wala na akong choice.
“Fine,” bulong ko.
Habang palabas ako ng pinto, naramdaman kong nakatingin siya sa likod ko.
Hindi protective.
Hindi concerned.
Parang…
nagpapaalam.
________
Buong biyahe papuntang school, tahimik lang ako.
Hindi ko maalis sa isip ko yung tingin ni Dad kanina.
Parang may alam siya.
At mas nakakainis doon—hindi niya sinasabi.
Pagdating ko sa school, normal ang lahat.
Maingay.
Magulo.
May nagtatakbuhan.
May nagkukuwentuhan.
Normal.
Pero hindi ko maalis yung pakiramdam na may mali.
Habang naglalakad ako papunta sa building namin, bigla akong napahinto.
May kung anong dumaan sa peripheral vision ko.
Parang anino.
Napalingon ako agad.
Wala.
“Okay, this is getting weird,” bulong ko.
Nagpatuloy ako sa paglalakad.
Isang hakbang.
Dalawa.
Tatlo.
At doon ko naramdaman.
Yung pakiramdam na may nakatingin sa’yo.
Hindi yung normal na tingin.
Mas mabigat.
Mas intense.
Dahan-dahan akong lumingon.
Sa second floor balcony ng kabilang building, may isang lalaki na nakatayo.
Hindi ko maaninag nang maayos ang mukha niya dahil sa sikat ng araw sa likod niya.
Pero sigurado ako—
nakatingin siya sa akin.
Diretso.
Hindi siya gumagalaw.
Hindi siya kumukurap.
Parang… hinihintay lang akong mapansin siya.
Napakunot ang noo ko.
Hindi ko siya kilala.
Sure ako doon.
Pero bakit parang—
parang kilala niya ako?
Biglang umihip ang hangin.
Napakurap ako.
At sa isang iglap—
wala na siya.
Walang tao sa balcony.
Empty.
Tumibok nang malakas ang puso ko.
Hindi ako baliw.
May nakita ako.
At kung sino man ‘yon—
alam kong hindi aksidente ang pagtingin niya sa akin.
Inisip ko na lang na imagination ko lang ‘yon.
Stress. Lack of sleep. Weird morning.
Yun na lang.
Pagpasok ko sa classroom, medyo maaga pa. May ilang estudyante nang nandun, nagkukuwentuhan sa likod.
Umupo ako sa usual seat ko sa bandang gitna.
Huminga ako nang malalim.
Normal day.
Kaya mo ‘to, Eerah.
“Class, settle down.”
Napatingin ako sa harap nang pumasok ang adviser namin.
“May bago tayong student,” sabi niya.
May kumabog sa dibdib ko.
Wala naman dapat.
Pero may kung anong instinct na nagising sa loob ko.
“Come in.”
At doon siya pumasok.
Same height.
Same build.
Same presence.
Yung lalaking nakita ko sa balcony.
Mas malinaw ko na ngayon nakikita ang mukha niya.
Sharp features. Calm expression. Hindi ngumiti.
Pero diretso ang tingin niya.
Sa akin.
Hindi sa teacher.
Hindi sa klase.
Sa akin.
“Introduce yourself,” sabi ni Ma’am.
Tahimik ang classroom.
Isang segundo siyang tumingin sa buong klase.
Then—
“My name is—”
Saglit siyang tumigil.
Parang may inaayos sa isip niya.
Then he said it.
“...I’m Aedric.”
Hindi ko alam kung bakit, pero parang may tumunog sa loob ng ulo ko nang marinig ko ang pangalan niya.
Parang may bahagi ng panaginip ko na gumalaw.
At habang pumapalakpak ang ilang kaklase ko, hindi niya inalis ang tingin sa akin.
Hindi ito normal na curiosity.
Hindi ito normal na first day stare.
Parang…
kilala niya ako.
“May bakanteng upuan sa tabi ni Eerah,” sabi ng teacher.
Napatigil ako.
What?
“Doon ka muna.”
Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa row ko.
Bawat hakbang niya parang mas lumalakas ang t***k ng puso ko.
Pagdating niya sa tabi ko, hindi siya nagsalita agad.
Umupo siya.
Tahimik.
Close enough para marinig ko ang steady niyang paghinga.
Hindi ko siya tiningnan.
Ayoko.
Pero ramdam ko ang presensya niya.
Then, mahina.
Halos bulong lang.
Napakunot ang noo ko.
“Finally.”
Narinig ko ba talaga ‘yon?
Hindi ako gumalaw.
Baka imagination ko lang.
Baka—
“Ang tagal kitang hinanap.”
Mas malinaw na ngayon.
Mas malapit.
Ramdam ko ang mainit niyang paghinga sa gilid ng tainga ko.
Dahan-dahan akong napalingon.
Magkalapit na ang mukha namin.
Too close.
“Excuse me?” mahinang tanong ko.
Hindi siya ngumiti.
Hindi rin siya mukhang nagbibiro.
“You don’t remember anything, do you?” mahina niyang sabi.
Nanlaki ang mga mata ko. “Remember what?”
Saglit siyang tumingin sa kamay ko.
Sa kanang kamay ko.
Yung kamay na kumislap kaninang umaga.
Hindi ko alam kung paano, pero parang alam niya.
“I guess they really hid you well,” bulong niya.
“They?” Napairap ako. “Okay, this is weird. Kung joke ‘to, hindi funny.”
Bahagya siyang umayos ng upo, pero hindi niya inalis ang tingin sa akin.
“It’s not a joke.”
Tahimik ang classroom, pero parang nag-muffle ang lahat ng tunog sa paligid ko.
Parang kami lang ang nandito.
“Eerah,” sabi niya ulit ang pangalan ko, mas mabagal.
Parang tinatandaan.
Parang matagal na niya itong gustong sabihin.
“Hindi ka dapat nandito.”
Napatigil ako.
“What?”
At sa isang iglap—
kumislap ang ilaw sa taas namin.
Isang beses.
Dalawa.
Tatlo.
Nanlamig ang katawan ko.
Hindi lang ako ang nakapansin.
May ilang kaklase na napa-tingin sa ilaw.
Pero siya—
nakatingin lang sa akin.
Calm.
Parang inaasahan niya iyon.
“See?” mahina niyang sabi.
“You’re waking up.”
Bago pa ako makasagot—
“Mr. Aedric.”
Naputol ang titig niya sa akin.
Napalingon kami pareho sa harap.
Nakatingin sa amin si Ma’am, naka-cross ang mga braso.
“First day mo pa lang, may private conversation ka na agad?” malamig niyang tanong.
Bahagyang umayos si Aedric sa upo niya. Calm pa rin.
“Sorry, Ma’am.”
Hindi siya mukhang nahihiya.
Hindi siya mukhang nahuli.
Parang… calculated.
“And Ms. Eerah,” dagdag ni Ma’am habang nakatingin sa akin, “kung may problema ka sa ilaw, hindi ikaw ang electrician.”
Napatingin ako sa taas.
Normal na ulit ang fluorescent light.
Walang flicker.
Walang kakaiba.
Napakurap ako.
“Sorry po,” sabi ko, kahit hindi ko alam kung ano ang sinosorry ko.
Tahimik ulit ang klase.
Nagpatuloy si Ma’am sa lecture, parang walang nangyari.
Pero hindi normal ang pakiramdam ko.
Ramdam ko pa rin ang presensya niya sa tabi ko.
Too aware.
Too steady.
I tried to focus sa notebook ko.
Pero hindi ako makapag-isip.
“Relax,” mahina niyang sabi, halos hindi gumagalaw ang labi.
Hindi ako lumingon.
“Don’t talk to me,” pabulong kong sagot.
Saglit siyang natahimik.
Then—
“After class,” sabi niya.
Hindi request.
Hindi tanong.
Statement.
Napahigpit ang hawak ko sa ballpen ko.
Hindi ko siya kilala.
Pero parang alam niya ang mga bagay na ako mismo hindi ko alam.
At ang mas nakakainis?
Parang sigurado siyang susunod ako.
__________
Nagpatuloy ang lecture pero wala na akong naiintindihan.
Every time susubukan kong mag-focus, bumabalik sa isip ko yung sinabi niya.
You’re waking up.
Anong ibig sabihin noon?
Biglang nag-vibrate ang phone ko sa loob ng bag.
Napakunot ang noo ko.
Hindi ako nagse-cellphone during class.
At hindi rin tumatawag si Dad ng ganitong oras.
Saglit kong sinilip ang screen sa ilalim ng desk.
Dad Calling.
Tumibok nang malakas ang dibdib ko.
Hindi siya tumatawag nang walang dahilan.
Nag-raise ako ng kamay. “Ma’am, excuse po.”
Napatingin siya sa akin. “Yes?”
“My dad is calling. Emergency daw po.”
Tahimik ang klase.
Saglit siyang nag-isip bago tumango. “Make it quick.”
Lumabas ako ng classroom, medyo nanginginig ang kamay ko habang sinasagot ang tawag.
“Dad?”
Tahimik muna.
Static.
“Eerah.” Mababa ang boses niya. Hindi normal. Hindi kalmado.
“Dad? What’s wrong?”
“Listen to me carefully,” sabi niya agad. “Pagkatapos ng klase mo, huwag kang uuwi.”
Napatigil ako sa hallway.
“What? Why?”
“Just trust me,” sabi niya, mas madiin. “May pupunta diyan.”
Nanlamig ang likod ko.
“Who?”
Saglit siyang natahimik.
“Kung may lumapit sa’yo—” huminga siya nang malalim, “—huwag kang sasama.”
Napalingon ako sa loob ng classroom.
Sa upuan ko.
Nandoon si Aedric.
Nakatingin sa pintuan.
Parang alam niyang nasa linya si Dad.
“Dad,” mahina kong sabi, “may bagong student today.”
Tahimik ulit sa kabilang linya.
Mas mabigat ang katahimikan ngayon.
“What’s his name?” tanong niya.
Napalunok ako.
“Aedric.”
May narinig akong malakas na pagbagsak sa kabilang linya.
Parang may nahulog.
“Dad?”
Huminga siya nang mabigat.
“Eerah… don’t trust him.”