CHAPTER 19

3369 Words
CHAPTER 19 MORNING came and I can’t still take off my smile. Even the small gesture of Angela makes my heart jump because of happiness. Dito na ako natulog kagabi at wala naman din akong balak na umuwi talaga. Nicholas even offered to sleep in our bed but I choose to sleep beside my daughter. I find it more comforting when I’m with her, inhaling her scent. My baby.. My daughter needs me. Hindi ko dapat pagkaitan ang sarili ko na makasama siya. I left her since she’s just one year old. Iyon ang sabi sa akin ni Nicholas na mas ikinanglumo ko pa. I can’t imagine myself as a miserable mother which I already did. At wala akong balak na dagdagan ang kasalan ko sa anak ko. As I said, what happened to me is not an excuse for all the years that I wasted for my own self, looking for my own sanctuary. Hindi ko mapigilang hindi sisihin ang sarili ko. Kung sana ay hinahanap ko sila o mas inalam pa ang buhay ko, ang mga taong sangkot sa aking pagkatao. Kung sana ginawa kong maging matatag para harapin ang problema ko ay sana…sana may nagbago kahit kaunti at hindi ko napapahirapan ang anak ko. I wasted five years! “Mommy..” She shrieked happily in front of me. Katatapos lang niyang maligo, balot na balot ang buong katawan niya sa maliit at cute niyang bath robe. I was about to help her but she chooses to do it alone. I was about to protest but then I choose to calm down a bit. Punong puno ang puso ko sa galak na magawa ang mga munting bagay na iyon para sa kanya. I don’t want to project an aggressive move towards her but five years being away with her is already a big leap for me, kaya hindi ko magawang hindi malungkot dahil sa mga pagbabagong nangyari sa kanya habang wala ako. I immediately get a clean towel in the drowsier and pulled her gently close to me. Masiyadong basa ang kanyang buhok at kailangan pa iyong patuyuin. “Yes, baby?” Mahinahon kong saad sa kanya habang siya ay mariing na nakatitig sa akin. Her blond curly hair immediately cascaded around her face. She got it from me, I’m a little bit proud of myself because of that. Umupo muna ako sa kama ko at hinila ulit siya. She pouted her lips, which make her cuter in my eyes. Her big round eyes blinked multiple times which makes me laugh. “Bakit po kayo natatawa, mommy?” Inosente niyang tanong sa akin habang nakataas ang isang kilay. My little big boss. Lumapit ako sa kanya at ginawaran siya ng halik sa buong mukha niya. Nakikiliti siyang umiiwas ng mukha sa akin habang natatawa. Itinigil ko kaagad ang pagkiliti sa kanya ng may maalala. “Mommy wants to bath you next time, baby. Would you like that?” I asked hopeful. Her lips twitch. Her cheeks redden and a smile immediately wired upon her lips. Nagtaka ako ng ibinaon niya ang mukha niya sa kanyang dalawang maliliit na kamay. Then I saw her ears redden too. Did I do something wrong? Agad akong nabahala. Hinawakan ko ng dahan dahan ang kamay niyang nakatabon sa kanyang mukha. Sinilip ko kaagad iyon. “Baby, may nasabi ba si mommy ng masama?” Tanong ko. Umiling siya kaagad. “Then, can I see your face?” When she lifted her face, I saw tears flowing through her eyes. Nataranta ako at hinawakan ang mukha niya. “W-what’s wrong, baby? May masakit ba sa iyo?” Malumanay ko paring saad sa kanya. Dapat kasi hindi ako nagpabigla-bigla ng sasabihin. Baka hindi niya nagustuhan. Humikbi siya. “Matagal na po ako nagdream ng ganon, Mommy. I missed you so much kaya po hindi pa rin ako makapaniwala na nandito na po kayo. I’m so happy po na nandito na kayo, hindi ko na kukulitin si Daddy.” She immediately said. I burst in tears because of what she said. “I wanted you to invite po kanina pero baka hindi niyo po gusto kasi big girl na ako. Tita Blaise said that I should do it by myself and I shouldn’t burden anyone just because I just wanted to take a bath. Pero dahil po nandito na kayo, may makakasama na po ako sa bathroom.” She immediately wiped her tears away like a grown up woman should. “Hindi ko po kasi abot palagi ang shampoo sa bathroom, Mommy. Kaya po I always put a chair in there. Ayaw ko po kasi sabihin kay Daddy iyon dahil po baka mas lalo siyang ma-stress daw po.” Umiling ako dahil sa hindi na kayanan na rebelasiyon ng anak ko. I notice a plastic chair in there and I can’t help to wander of why it was situated in there. Iyon pala ang panggagamitan niyon. Mas lalo akong naiyak at nahabag. I immediately take her hands and kissed it to lessen my trembling anticipation before I lost myself, very. I hug her to calm myself more. “I-I’m sorry, baby. Mommy will not leave you again. Never..” I kissed her cheeks. Her hands immediately cupped my face. Kahit masakit sa dibdib ay ngumiti ako sa kanya. She then wiped my tears away. “Don’t cry, mommy.” She said at me while she dried my own tears. Tumango ako at ako na mismo ang nagpunas ng aking luha. I’m lucky. I’m really a lucky woman, indeed. I’m blessed with a strong, brave and a beautiful daughter. Pinalaki siya ng may mabuting prinsipyo ng kanyang ama at mas naging kampante ako para doon. Nicholas is really a good father for raising our child alone but still he raised her wonderfully. Binihisan ko siya kaagad upang makapanaog na kami. When I finished fixing her hair, the door opened revealing Nicholas in his civilian clothes. Hindi ba siya papasok sa trabaho ngayon? Bago siyang paligo at mas lalo siyang naging matikas ng may mapansin ako sa mukha niya. “Good morning, Daddy..” Angela greeted him and kissed his cheeks. “Look at my hair, mommy did it.” She happily said. “It very beautiful, like my baby.” He smiled to her. “How was your sleep with mommy?” He said then looked at me with a minimal expression. Ngumiti ang anak namin sa kanya. “It was my best night ever!” She said with a hyper voice. “Bakit hindi po kayo natulog dito kagabi kasama namin ni mommy, Daddy?” Bumaling ang mukha nito sa anak. Naging seryoso at malambing. “Hindi tayo kasya sa bed mo, baby. Masiyadong malaki si daddy para sa bed mo.” Malambing niyang saad dito. Sumimangot si Angela sa kanya kaya bahagya akong natawa. Totoong iyon ang dahilan kong bakit hindi siya dito natulog kagabi. He looks irritated last night because he was not able to sleep with us. I wanted to suggest that we can sleep in a bigger room but I don’t want to speak it vulgarly. Baka ano pang isipin ni Nicholas. He’s even muttering something to himself. Natawa pa nga ako sa kanya dahil doon. Sabay silang lumingon sa akin kaya natigil ang aking ngiti. Angela smiled widely at me. “Can I borrow your phone?” I asked Nicholas who was seriously looking at me. Kumunot ang noo niya. Napawi ang kunting ngiting namutawi sa labi ko. I forgot that I didn’t bring any extra clothes. Kailangan ko paman ding pumunta ngayon sa opisina dahil marami akong naka-sched ngayon na mga meeting. Tapos lowbat pa ang cellphone ko. “Why?” Malamig niyang tanong sa akin. I slightly massage my neck. “I wanted to call Russel. Magpapadala sana ako ng damit ko sa opisina, doon nalang ako maliligo.” His jaw clenched. Naging malalim ang gitla ng kanyang noo at mas lalo pang naging madilim ang mukha niya. “You don’t have to. You have many clothes in here in our closet.” I was taken a back at what he said. Mabilis na tumango si Angela na sangayon sa ama. “Yes, mommy. You have many clothes in daddy’s room. Don’t you remember?” Kumibot ang labi niya. I awkwardly smile. Nicholas pinched her nose playfully. “Of course mommy knows, angel.” I felt relieved when he said that. We immediately hurried up. Sinamahan ako nila Angela at Nicholas sa kawarto daw namin. Malaki iyon at napakaganda, all were familiar. Hindi na ako nagtaka pa, lalo nang mismo ang katawan ko ang kumilos upang kunin ang damit na susuutin ko. I felt my world stop when I noticed what I did. Nilingon ko silang dalawa. “Look, Daddy. I told you that mommy doesn’t need a guide anymore.” Maliit na boses na sabi ng anak ko habang tinuturo ako. Nicholas looks livid but in a good way. He is unmoving even if Angela was still dragging his shirt. Mariin siyang nakatitig sa akin habang nakakuyom ang kamao. “Daddy..” Tawag pansin ulit sa kanya ni Angela. He tilted his head. Kinarga niya ulit si Angela bago tumingin ulit sa gawi ko. “We’ll head downstairs first. We will wait you there, take your time.” Seryosong saad niya. Tumango ako ng walang pag-aalinlangan. Wala akong inaksayang panahon. Bawat galaw ko ay kontrolado dahil kong hindi ako magmamadali ay malalate ang anak ko sa eskwelahan. Kahit ang pagligo ay madali lang akong natapos, wala ng pakialam kong ang sabong ginamit ni Nicholas na ang nagamit ko. I even did not mind if the towel I’m using was used already by him. Mag-iinarte pa ba ako? I even saw some working sandals in the walk in closet. I tried some and was shock that it was my size. I choose the peach one. Agad kong inayos saglit ang damit ko, nagtataka man na hindi ko nakitaan ng gusot iyon ay ipinagwalang bahala ko nalang. I stared my reflection at the mirror. I don’t look like my old self. Ipiniling ko ang aking ulo at mas tiningnan pa ang ibang mga pagkukulang. When I felt contented ay kaagad akong bumaba. “You look so pretty, mommy.” Puri ng anak ko ng makita ako. Nasa sala siya at may inaayos sa bag niya. Nasaan si Nicholas? “Talaga?” I turned around playfully. Mabilis siyang tumango at nilapitan ako. “Opo. You looked like Tita Mhelanie and Tita Tamina.” Masayang saad niya. Napatigil ako sa aking pag-ikot. “Who, baby?” She eyed me differently. “Hindi mo po sila kilala, mommy? Diba friends niyo po sila?” Ngumuso siya. Lahat ng binanggit niya ay hindi ko matandaan. Kahit anong kalukat ko sa isip ko ay wala talagang lumalabas. I felt my stomach churned up when someone holds my waist. “What did I miss?” Nicholas whispered at me. Agad na mayroong dumaloy na kuryente patungo sa kaluluwa ko. I was about to faint in front of our daughter. I’m glad he came already. “I just told mommy that she’s very beautiful, Daddy.” Masayang saad ni Angela na tila nakabawi sa pagtataka. She’s just five years old. Hindi niya maiintindihan sa ngayon kung sasabihin ko ang katotohanang nawalan nga ako ng memorya. Nicholas stared at me. “Mommy is always beautiful, baby.” Gatong niya sa anak na mas lalong nagpainit ng pakiramdam ko. Angela shrieked. “Mommy’s cheeks are turning red. What did you do, Daddy?” Galit na saad nito. Namilog ang mata ko sa inasal niya. Tumawa lang si Nicholas at lumuhod sa harapan ng anak. “She’s happy, my angel. Mommy is happy that’s why her cheeks reddened.” He reasoned out. I felt the mockery but I choose to ignore it. Mabilis na nawala ang pagkasimangot ng mukha ng anak ko. His father is enjoying this scenery. Inaya kami ni Manang Soling ng ilang sandali pa kaming namalagi sa sala upang kumain. Napag-alaman ko ring siya lang isa ang naninilbihan dito at tinutulungan si Nicholas sa pag-aalaga kay Angela. I already talked to her yesterday and explained everything. Kaya ngayon kahit alam na niya ang estorya ng nakaraan ko ay hindi ko pa rin maiwasang hindi mahiya. “Mommy..” Tawag sa akin ng anak ko ng nasa kotse na kami. “Yes?” We are on the front seat while she was sitting on my lap, happily snuggling on my neck and touching my hair. Tahimik lang si Nicholas habang nagmamaneho pero alam kong nakikinig siya sa amin dahil nararamdaman ko ang ilang sulyap niya sa amin. “You smelled like daddy.” She said. I bite my lips. I felt Nicholas cleared his throat. Wala akong masabi, sabon niya kasi ang ginamit ko kanina. “I like smelling it, mommy.” Sabi pa niya ulit. Mas lalong hindi ko na mapigilan ang pagkapahiyang nararamdaman ko. Why did you choose this moment to spill it out, baby? Gusto kong itanong iyon pero hindi ko magawang magsalita dahil hindi ko kaya. Kaya kahit hanggang sa nahatid naming siya ay tahimik lang ako. Pagkatapos naming siyang maihatid ay dumeritso na kami kaagad sa kompanya. “I’ll fetch you up later.” He said seriously at me. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. I felt him take a closer step to me. Marami na ang nakatingin sa amin. Ang gusto pa niya ay ihatid ako patungong opisina pero hindi ko na siya hinayaan. Nahihiya na ako at kung magtatagal kaming magsasama ay baka mas lalo akong hindi makatayo ng maayos. “Okay.” I felt him sighed. “Lift your head.” Naalarma akong nag-angat ng tingin sa kanya. “B-bakit?” He smirked. “I want to kiss you properly.” Saad niya at mabilis akong ginawaran ng halik sa labi. I stiffened. Ilang segundong lumapat ang labi niya at hindi ako halos makagalaw. Mabilis din ang t***k ng puso ko. I felt him teased me by pressing his lips so slow to me. I saw his triumphant smile when he let go of me. May ilang napasinghap na empleyado dahil sa nakita. Tumikhim ako ng matauhan. “B-bat mo ginawa yon?” I stuttered. We are in a public place for goodness sake! “Why not? You are my wife.” My cheeks heated. “Pero nakakahiya..” He chuckled sexily. “Bakit ka mahihiya? We have every right to do that.” He paused. “Now, no one gonna take you away from me.” Mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko. “Wala kang trabaho?” “I’ll work at home.” He said. “I decided to take my works at home starting now.” Tumango ako, hindi na nagtanong pa. “I’ll go inside now.” He stared at me for a while. "I think we should visit your doctor." His voice is laced with concern and worry. Natigilan ako sa sinabi niya. "I'm perfectly fine but I guess we could set a schedule with him." Tumango siya at naging panatag ang mukha. “Have a great day, sweetheart. Huwag masiyadong magpapagod.” I was about to go but he didn’t let me. He pulled me again. “I love you.” He said and kissed me again before letting me go. I almost faint. Gusto kong sumigaw dahil sa hindi maipaliwanag na nararamdaman. Sweet Lord, I can’t believe what I just heard! Can he just stop making my heart thump like crazy? “Go now before I dragged you out from here.” He whispered. Mabilis akong tumango ng wala sa sarili. Walang lingon akong naglakad papasok sa building. Kahit ang ilang bating natatanggap ko ay hindi ko na matugunan dahil sa mabilis na t***k ng puso ko.I didn’t even notice the elevator opened. Kahit ang pag-iisip ko ay wasak na wasak dahil sa sinabi niya. Hindi ko kayang magproseso ng ibang bagay na pumapasok sa isip. “Good morning, Ms. President.” I was greeted by Bella. Ngumiti ako sa kanya. I exhaustedly sat on my swivel chair. I felt Bella put down some papers on my table. “Ma’am, this document is from the HR department.” I glanced at it for a while. Tumango ako. Hindi pa rin maalis ang sinabi ni Nicholas sa isip ko. Kahit ilang beses ko nang binasa ang papel ay wala pa rin. What the heck? “Bella, can you get me some water please?” Ngumiti siya sa akin. “Okay po, ma’am.” Nang makalabas siya ay kaagad akong tumayo. I wanted to loosen up first. I need to take it out. I have a meeting, one hour from now. I can’t look like this in a meeting, na parang sinabugan ng bomba at hindi maka-move on. Bumukas ulit ang pinto. “Thank y---.” Nabitin ang sasabihin ko ng makita kong sino iyon. How did she enter here? Wala bang humarang sa kanya sa baba? I will remind myself to talk to the security team later. Blaise roamed around her eyes in my office. I cleared my throat. “What are you doing here?” Malamig kong tanong sa kanya. Her eyes landed on me, I felt her anger from that. “They are mine, Elizabeth. How dare you to take them away from me?!” Panimula niya pero alam kong galit na galit na siya sa lagay na iyon. “Sino ang tinutukoy mo?” She flipped her hair. “Don’t be dumb. Naturingan ka pa namang presidente at taga-pagmana.” She smirked. “Oh! I forgot that you are a fake heiress! Hindi magtatagal ay mawawala na rin sa'yo ang lahat.” Blaise trailed off. Hindi ko inisip ang sinabi niyang masakit tungkol sa pagkatao ko. “Hinding hindi mo makukuha sa akin sila.” Nanggagalaiti akong napatingin sa kanya. I heard the door opened. Bella hurriedly come to me. “Call the security team, Bella. I want this girl to be dragged out of here.” Malamig kong saad. Namilog ang mata ni Blaise habang si Bella ay mabilis na tumalima sa utos ko. “W-what? Pinapalayas mo ako? Wala ka talagang utang na loob. Ako ang kasama mong lumaki simula nang iniwanan tayo nila Daddy at Mommy!” Nagpagting ang tenga ko doon. “Sa inaasal mo ngayon, ikaw ang mas nababagay sa description na iyan.” I paused advancing to her. I saw her gulped in fear when I stared at her with my dagger eyes. “And for your information, my husband and my daughter are mine. Hindi sila naging sa iyo dahil akin sila. Huwag kang mang-angkin ng hindi sa iyo, kundi ay ikakamatay mo iyan. Kung totoong kapatid nga talaga kita, hinding hindi mo 'to gagawin sa akin. You should have looked for me when I was gone. You should have at least care for me! Ako ang halos nawalan ng buhay at ginawa mo iyong opurtunidad para agawin sila sa akin!” Mapakla siyang natawa kahit nakitaan kong may panghihina sa kanyang itsura. “I don't care, Elizabeth! You can say everything you want but I will never be good to you. Hindi mo pa talaga alam, no? Nicholas didn’t tell you anything yet?” Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya. “What truth?” “I thought I’ll be the pathetic one here. In the end, ikaw rin pala…” What is she talking about? “What?” I asked patiently. “Answer me, or I’ll really drag you out of here.” I gritted my teeth. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ng mariin ang kamay niya. Napangiwi siya dahil doon. Pilit niyang kinukuha ang kamay ko pero hindi ko siya hinayaan. Not now that I’m really angry. How dare her! “A-aray! Bitawan mo ako, Eli.” She squealed. “Sabihin mo!” Sigaw ko sa kanya. I felt her stiffened in fear. “It’s Nicholas mother..” What? I gripped her harder. Napahiyaw siya. Such a weakling! And she got a nerve to challenge me?! “It’s Nicholas mother who caused your accident.” She said like a bomb to my system.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD