Nagsimula ang kasiyahan at nag-enjoy ang lahat ng empleyado. May mga sumayaw sa dance floor at meron din namang simple lang na nag-inuman sa kani-kanilang lamesa. Mabuti na lang ay umalis na si Henry matapos nitong kumain kanina kaya naman nakagalaw na ng maayos si Millie. "Millie, tara inom din tayo." aya sa kanya ni Issa sabay tayo nito mula sa upuan. "Sige, Issa. Pero one shot lang ako. Hindi kasi talaga ako umiinom e," pagsang-ayon niya sa kaibigan at tumayo na rin. "Sabihin mo 'yan after mo matikman 'yung cocktail drinks. Ang sarap kaya nung tinatawag nilang cosmopolitan yata 'yon," At tila nagdilang anghel nga si Issa dahil makalipas lamang ang ilang sandali ay nakakaapat na shot na si Millie ng kulay pink na alak. "Akala ko ba one shot ka lang?" natatawang saad ni Issa. "Pabo

