EXCITED NA EXCITED SI Victoria habang patungo sa opisina ni Roberto. Excited siyang makita ang pinagtatrabahuhan nito ngunit mas excited siyang makita at makasama si Roberto. Sa loob ng dalawang linggo ay naging napakasaya niya—nila. Hindi sila araw-araw nagkikita at nagkakasama ngunit panay-panay naman ang palitan nila ng text messages. Sa tuwing parehong libre ay matagal silang nag-uusap sa telepono. Dahil bago pa marahil ang relasyon, marami pa silang napag-uusapan. Marami pang nais alamin tungkol sa isa’t isa. Roberto was the perfect boyfriend. Walang pagkukumparahan si Victoria ngunit nais niyang maniwala na ganoon nga. Maaalahanin, maasikaso, malambing, gentleman, at mapagbiro. Nakakalimutan niya ang halos lahat kapag magkasama silang dalawa. Hindi na nawala ang kaligayahan na kanya

