MAHIGPIT NA NIYAKAP ni Victoria ang kanyang Mamu at Papu pagdating na pagdating niya sa kanilang bahay. May driver na sumundo kay Roberto sa airport at inihatid siya nito hanggang sa kanila. Hindi na bumaba ang nobyo, gayunpaman. Sa ibang pagkakataon na lang daw nito haharapin ang kanyang lolo at lola. Nadismaya man, hinayaan na lang ni Victoria si Roberto. Baka napagod ang binata sa biyahe at susuuungin pa nito ang traffic pauwi. “Na-miss ko kayo nang sobra!” ang sabi ni Victoria habang yakap pa rin ang dalawang matanda na mukhang hindi sabik na makita siya ngunit alam niya na na-miss din siya ng mga ito. “Marami akong pasalubong para sa inyo!” Nang kumalas siya sa mga ito ay mabilis niyang binuksan ang bag na naglalaman ng kanyang mga pasalubong. “Sinabi naman namin sa iyo na huwag ka

