5

1371 Words
ROBERTO DOESN’T do relationship. Ngunit hindi naman ibig sabihin niyon ay bulag at manhid na siya pagdating sa mga babae. He loved women. He loved looking at them. He loved flirting. Hindi rin niya maaaring sabihin na nawalan na siya ng pakiramdam. Hindi siya nagkainteres sa pagkakaroon ng long term committment ngunit hindi naman ibig sabihin ay wala siyang naramdaman sa mga babaeng naging bahagi ng kanyang buhay. Hindi ibig sabihin ay wala siyang nadamang matinding atraksiyon na bumuhay sa tanong na: handa na ba siyang isugal uli ang puso? Pinagmasdan ni Roberto ang apat na babae na kapareho nilang kumakain sa Ka Inato. Napatingin siya sa gawi na iyon dahil nakatingin doon ang mga kaibigan na sina Harry, Thor at Kale. Napangiti siya nang makita ang paraan ng paglamon ng mga ito. Parang ginutom ng ilang araw ang apat na babae. It was refreshing to see a bunch of beautiful girls eating with gusto. Walang pagkukunwari. Walang pakialam sa paligid. Masarap naman talaga ang mga pagkain kaya hindi niya masisi ang mga ito. Isang partikular na babae ang nakapukaw sa kanyang interes. Kakatwa dahil hindi ang tipo nito ang karaniwang nakakapukaw sa kanyang interes. She was far from being his type. He’d normally go for tall and sexy women. Kahit na nakaupo ay makikita na hindi gaanong katangkaran ang babae. Petite. Gusto niya ang mga babaeng may mahabang buhok. Mas feminine tingnan sa kanyang paniniwala. Ngunit feminine na feminine pa rin naman ang babae kahit na maikli ang buhok nito. Bumagay sa hugis ng mukha nitong may kaliitin din. She was cute and he doesn’t normally go for cute.  Lahat yata ng parte ng babae ay cute at adorable. Ang paraan ng pagngiti. Ang tunog ng tawa. Ang hugis ng ilong. Ang paraan ng pagkislap ng mga mata nito. Ang paraan ng pagsubo ng pagkain at pagdighay pagkatapos. Makailang beses na nahuli ni Roberto ang dalaga na patingin-tingin sa kanya. Minsan ay nangungunot ang noo na waring labis itong nagko-concentrate. Bahagyang ikinagulat ni Roberto ang realisasyon na interesado siyang malaman kung ano ang tumatakbo sa isipan nito sa kasalukuyan. Interesado siyang malaman kung may kinalaman iyon sa kanya. May munting parte kay Roberto ang bahagyang nag-aalala sa interes na binuhay ng isang estranghera sa kanya. Ngunit naisip din niya na baka dini-distract lamang niya ang sarili. Baka hindi naman siya interesado talaga. Nais lang niyang pagtuunan ng pansin ang ibang bagay—ang ibang babae dahil nasa Palawan uli siya pagkatapos ng napakahabang panahon. Imbes na mag-isip masyado ay itinuon na lang niya ang atensiyon sa mga kaibigan. Nakipagkuwentuhan siya, nakipagbiruan, at nakipag-asaran nang bahagya. Patayo na ang mga babae at waring aalis na. Roberto willed the girl to look at him one last time. She did. Halos wala sa loob na ngumiti siya. Sandaling nangunot ang noo ng magandang dalaga bago gumanti ng ngiti. Then they were gone. Naisip ni Roberto na baka iyon na ang huling pagkakataon na magkita sila ngunit may munting bahagi sa kanya ang nais umasa na hindi ganoon ang mangyari. Pareho naman silang turista. Sana ay magtagpo pa rin ang kanilang mga landas sa isa sa mga pamosong pasyalan sa Puerto Princesa. “AKALA KO TALAGA bye-bye secret savings na ako,” ang nakangiting sabi ni Victoria kay Belle habang binubuksan ang dalang travelling bag. May ilang damit siya na kailangang mai-hang kaagad upang hindi na gaanong malukot. Magkasama sila sa isang silid ng kaibigan na nakahiga na sa kama sa pagod. Nakabukas ang maleta nito at mas nakakalat ang gamit kaysa nakaayos. Pagod na pagod na rin si Victoria ngunit nagkaroon siya ng kaunting sigla nang malaman na hindi na nila kailangang gumastos sa hotel. Tumawag kay Sir Four kay Belle upang sabihin na maaari silang manuluyan sa marangyang bahay nito sa Millionare’s Village.  “May pakinabang din pala si Raffy,” ang nagbibirong tugon ni Belle. Banayad na natawa si Victoria. “Siya naman kasi ang may kasalanan kung bakit narito tayo sa sitwasyon na ito,” ang sabi niya sa kaparehong tono. Siyempre ay alam niya na hindi iyon patas. Alam niya na wala naman talagang kasalanan ang publisher sa mga kamalasang naranasan nila sa trip na iyon. Nakakagaan lang kahit paano ng loob na mayroong ibang masisisi.  Tumingin si Victoria kay Belle. Bahagya pa siyang nahiya at nag-alangan bago niya itinabi ang ginagawa at naupo sa queen bed. “Paano ka nakakapagsulat ng erotic romance?” Tumingin si Belle sa kanya. “Nahihirapan ka sa bago mong genre?” Tumango si Victoria.  “Sino ba ang hindi?” “Sinusubukan ko naman, alam mo ba. Hindi ko gustong sumuko na habang hindi ko pa talaga nasasabi sa sarili ko na ginawan ko ng paraan talaga, na ibinigay ko ang lahat. Pero erotic romance? It’s so not me. Please help?” Ilang sandali na mataman munang nag-isip si Belle bago siya nito sinagot. “Just write all your hottest fantasies. Isipin mo, ikaw na lang ang nag-iisang girlalu sa mundo at sa inyong dalawa ng hero mo nakasalalay ang population ng earth. So hump like rabbits and repopulate the world, bhe! Isipin mo na lang para sa future ng world ito!” Pagkasabi niyon ay napahalakhak ang kaibigan. Kaagad na nahawa sa halakhak nito si Victoria. Gusto niya ang pagiging naughty ni Belle. Nahiling niya na sana ay ganoon din siya. Hindi niya masabi na wala siyang fantasies—erotic fantasies. May mga romantic fantasies siya. Prince Charming sweeping her off her feet. Isang lalaki na mamahalin at aalagaan siya hanggang sa kanyang pagtanda. Masasabing general fantasy iyon ng maraming babae. Ngunit wala siyang erotic fantasies. Normal ba siyang babae? Normal ba na wala siyang gaanong s*x drive? Siguro ay hindi niya gaanong napagtutuunan ng pansin ang mga ganoong bagay dati. Naging masyado siyang abala sa ilang goal niya na isinantabi o hindi niya in-entertain sa isipan ang ibang bagay. Siguro ay hindi lang niya gaanong ini-expose ang sarili sa mga ganoong bagay. Hindi siya nagkaroon ng nobyo noong nag-aaral siya dahil ipinangako niya na hindi niya bibigyan ng satisfaction ang mga kamag-anak na hinihintay lang na sumunod siya sa yapak ng ina. Alam din niya na may mga pagkakataon na nag-aalala ang kanyang lolo at lola na baka umibig din siya nang maaga. Mabuntis nang wala sa panahon. Kaya kahit pag-iisip man lang sa proseso para mabuntis ay hindi niya marahil ginawa. Gusto niyang maranasan kung paano magkaroon ng boyfriend siyempre lalo na ngayong napatunayan na niya ang sarili, ngunit hindi naman siya gaanong desperado. Nagsusulat siya ng mga nakakakilig na kuwento at hindi naman maiwasan na makabuo siya ng ilang hiling at pantasya. Ngunit hindi pa siya umaabot sa punto na nasa kama sila ng nobyo niyang walang mukha. Kung mas magiging tapat siya, may mga pagkakataon na waring mas nais niyang maranasan ang isang komplikasyon ng pag-ibig. Hindi kasi siya maka-relate sa mga “hugot” minsan dahil hindi pa niya nararanasang masaktan sa pag-ibig. “Sinubukan kong magbasa ng ilang erotic stories online. Pinasok ko ang literotica.com. Hindi lang siguro ako sanay pero sumakit yata ang ulo. Nanood ako ng mga sexy scenes sa YouTube, nangingilabot ako minsan. May mga sexy talaga at c-captivating pero hindi ko alam kung paano siya isulat. Hindi ko alam ang mga salitang gagamitin. I don’t think I’ll be good at this.” “Ikaw lang ba, bhe? Horror, bhe! Horror! Feeling ko magiging zombie na ako. At hindi dahil sa dami ng scenes na naiisip kong isulat para sa parusang assignment ni Raffy, ha. Zombie mode ako lagi dahil hindi na `ata gumagana ang brains ko. Braindead na ako, bhe. Sa lahat naman ng puwedeng ibigay na assignment sa akin, bakit horror pa? Wh, oh why?! Ni patalastas nga o posters ng horror movies hindi ko tinitingnan.” “Magiging masama ba akong kaibigan kung sasabihin kong kahit na paano ay gumaan ang pakiramdam ko knowing na hindi lang ako naghihirapan sa trip ni Raffy? Sana magkapigsa siya sa loob ng ilong.” Napangiti si Belle. Napagpasyahan nilang magpahinga muna. Kaagad naman silang naidlip dahil na rin sa pagod at sa kabusugan. Paggising ay tinanong niya ang mga kasama kung saan sila maghahapunan. Nagtungo sila sa baywalk at doon na kumain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD