bc

He Hates Me Romantically?

book_age12+
1.1K
FOLLOW
12.0K
READ
opposites attract
arrogant
submissive
badboy
kickass heroine
drama
comedy
sweet
bxg
like
intro-logo
Blurb

Dewlon Montesor is an arrogant boy who hates stupid girls like Kirt Salvador. The girl kept pestering him and provoking him to become the worst person. Who wouldn't hate a girl who sneaked her way into his peaceful life? But how far will he contain his feelings if the girl finally found another person to like?

chap-preview
Free preview
The Beginning
"Pass your paper to the center aisle." sabi ni Maam Teacher. Nag-e-exam kasi kami para sa 4th Quarter. Tapos nito, bakasyon na. "Psst! Center aisle daw." sabi ng katabi ko. Pinasa ko naman sa gilid ko 'yung papel. 'Yung iba pinasa naman sa akin. "Center aisle?" tanong ng isa ko pang kaklase sakin. Nagkibit balikat ako, "Bigay nalang na'tin kay Mitchie lahat, tutal nasa gitna naman siya." sagot ko sabay turo sa babaeng kaklase naming nasa harapan. Napakamot siya ng ulo, "Paano? Eh dalawa naman sila ni Dana ang nasa gitna. Sino ba talaga?" tanong pa nung isa. Aba bakit sa'kin sila nagtatanong? Eh pareho naman kaming pinagkaitan ng talino. Ako nga pala si Courtney Eunice Salvador. Tawag sakin ng mga kaibigan 'kong mga taga Class D ay KIRT dahil hindi daw sila marunong mag-spell ng Courtney. HAHAHA! Tapos may Eunice pa, nako, nako! Ang bobobo! "Ano ba kayo? Hindi ko sinabing counter clockwise! Sabi ko pass it on the center aisle." puna ni Maam. Halos kami napakamot ng ulo, "Counter clockwise pala 'yun?" rinig 'kong sabi ng katabi ko. "Haaaaay, ang bobobita niyo talaga! Miss Salvador! Tutal wala kana dito next semester year, eh, ikaw na ang mag-collect ng papers ng mga kaklase mo. Dali!" utos ni Maam. Narinig ko ang mga reklamo nang mga kaklase ko. Anak ng putspa naman si Ma'am, oh! Binubuking ako, e! Secret lang nga 'yun sa mga beloved classmates ko sa Class D. Class D nga pala ang pinakalowest section ng 3rd Year High School. Una kong kinuha ang paper ng katabi kong si Jayren, "Talaga bang aalis kana Kirt?" tanong niya. Malungkot ang mukha niya. Malungkot naman akong tumango. Sunod naman si VG at kagaya ko ginawan namin siya ng nickname dahil hindi namin ma-spell ang name niyang VALFREBOBO GAYUMASHI BABALAKA. Parang sumpa, errr! Kawawa naman talaga ang batang ito. Mangkukulam ata ang magulang. Feeling ko kapag binabasa 'yun ni Ma'am kapag check attendance ay sinusumpa kaming lahat na maging BOBO FOREVER kaya naman walang improvement sa section namin. Sabi namin, VG BABALAKA nalang kapag nag-ro-roll call pero katakot naman nung apelido. Parang may babala.  Buti nalang at CLASS D kami at hindi CLASS C. Horror 'yun e! Nako, nako! "Sana kapag college nalang! Para sabay tayong gra-graduate!" naiiyak na sabi ni VG. Muntik na'kong mapaiyak, "Baka tuloyan na ngang hindi tayo grumaduate pag magkakasama tayo." sabi ko at hinimas ang buhok niya. "Dito kana lang, Kirt-Kirt please?" pa-cute niyang sinabi. Ngumuso ako sa kaniya. Hindi ko nalang pinansin ang pagpapa-cute niya dahil kahit may pagkababala ang pangalan niya, cute parin siyang girl. Sunod 'kong kinuha ang paper ni Joseph at naabutan ko siyang umiiyak, "Oh bakit ka umiiyak?" tanong ko, nagtataka. Pinunas niya 'yung test paper niya sa mukha niya, "Eh kasi naman Kirt! Aalis kana! Ibig sabihin ako na ang second to the last na pinaka-bobo sa section na'tin! Waaaaaaaaah! Baka umalis narin si Warren, edi ako na ang pinaka-last! Sinong di iiyak?" umiyak na siya ng umiyak. Tarantado. Binatukan ko nga siya ng test paper. Bwesit akala ko pa naman ma-mi-miss ako, 'yun lang pala inaalala. Bahala siya sa buhay niya kung ganoon. Last 'kong nakuha ang paper ni Warren ang partner in crime ko sa paglamon, "Babz ko! Wala nakong kasama kumain!" parang sira! Babz is Baboy kaya. "Bisitahin mo nalang babuyan namin, ha? At least doon di ka mawawalan ng gana tapos may bago ka nang ka-partner in crime." sabi ko at binatukan siya. Ang pagkain niya lang ang inaalala. Tsk! Ngumuso naman siya at suminghot singhot. Bakit ba ako nagkaroon ng mga abnormal na barkada, eh, ang normal normal 'kong tao? Pinasa ko na kay Ma'am ang lahat ng papers at habang nilalapag ko 'yung papers sa table niya ay sumisinghot siya. Napataas ang kilay ko. Pati ba naman si Ma'am, ma-mi-miss ako? "Ma'am, what's your problem?" tanong ko ngunit tuloyan na siyang umiyak. Muntik ng dumugo ilong ko sa english ko na'yun, ah! "Tears of joy lang to, Kirt. Sa wakas, mababawasan na ako ng estudyanteng bobo. Ang saya ko talaga." naiiyak na sabi ni Ma'am. Suminga pa siya sa panyo niya. Ngumuso ako. Wow! Grabe! Feel ko talaga, ma-mi-miss nila ako at ma-mi-miss ko rin sila. Tsk! Sarkastiko! "Paano na pala si Prince Charming mo ha, Cindirella!" tukso ni VG sakin. Break time na namin at maya-maya ay may exam nanaman kami. Hay nako, buhay is life! Napangiti ako sa naisip. Wow, ang galing ko palang gumawa ng quotes! Ano pa ba? Loves is pag-ibig! Wow! "Hoy, Kirt! Paano na si Prince Dewlon mo?" ulit na tanong ni VG sabay flip ng kaniyang buhok. Bigla akong napanguso at nangalumbaba sa lamesa, "Hindi ko alam. Nakakainis nga at tatlong taon ko na siyang crush, di parin niya ako napapansin." Tumikhim si Warren, "Paano ka naman mapapansin? Ang layo ng classroom na'tin sa kanila!" "Tsyaka, hindi ka naman ka-pansin pansin." bwelta naman ni Joseph. Pinukulan ko siya ng masamang tingin, "Makapagsalita ka parang ang gwapo gwapo mo!" asik ko sa kaniya. Benelatan niya lang ako kaya benelatan ko rin siya. "Hay nako! Kayo talaga! Ang mabuti pa, pakinggan niyo ang maganda 'kong plano!" ani Jayren. "Ano naman 'yun?" tanong namin tatlo. Ngumiti siya ng nakakaloko, "Diba aalis kana, Kirt? Kahit nagtatampo ako dahil hindi mo sinabi samin na aalis ka pala. May ideya ako. Dapat makapagtapat kana kay Prince Charming mo!" aniya at pumalakpak. Sumang-ayon si VG at Warren. Si Joseph naman ay ngumiwi na parang isa 'yung maling ideya. Inirapan ko siya. Laki talaga ng problema kasi aalis na'ko. "Magtapat kana sa kaniya Babz! Kasi kapag na-busted ka, okay lang kasi aalis ka na'rin naman." ani Warren habang kumakain ng burger niya. Ngumuso ako, "Talagang busted agad? No chance of winning?" "Mismo! Busted pronto!" "Wow! Thank you, ha!?" "Welcome!" Tumawa sila. "Pero...paano naman 'yun? Nakakahiya." sabi ko at napakagat labi. Nakakahiya naman talaga, eh. Baka mapahiya lang ako sa maraming tao. At baka, bigla nalang mabuhol ang dila ko, ganyan naman palagi, eh. Kapag kaharap mo na siya, nawawala ka sa katinuan. Kung sa english pa nga'y "When in front of him, goodbye Philippines!" "Edi tiisin mo lang 'yung hiya tutal aalis kanaman na dito sa school." supladong komento ni Joseph. Nanlaki ang mata ko. Waaaaaaah! Oo nga nuh? Tama, tama! "Wow naman, Joseph! Ang talino mo!" sabi ko at niyakap siya. Umangat ang labi niya, "Ha! Ako pa! Kaya kung ako sayo abangan mo na siya mamaya pagkatapos ng exam natin." "Oo nga! Dalian nalang na'tin ang pagsagot sa exam para maabutan mo siya at makapagtapat kana." dugtong ni Jayren. "Tama! Kaya gumawa kna ng speech. Tumula ka! Tagalog lang dahil bobo tayo sa English." suhestiyon ni VG. "Panget! Masyadong makaluma. Sabihin mo nalang ang gusto mong sabihin. 'Yun na 'yun. Galing sa puso!" ani Jayren. Tumango-tango ako. Tama sila! Tutal aalis na rin naman ako dito, hindi ko na kailangan pang isipin 'kong anong pwedeng mangyari. Kahit balewalain niya ako, bustedin o ano pa basta malaman niyang may gusto ako sa kaniya, para at least walang sisi, diba? At least nasabi ko sa kaniya bago ako umalis. At least man lang napansin niya ako. Biglang kumirot ang puso ko. Haaay! Bakit ba ako nagkaroon ng crush na out of my reach. Op! English 'yun! Bigla namang may humampas sa lamesa namin! "Yan! Diyan kayo magaling! Love love love, pero sa exam mamaya, walang maisagot!" sabi naman nung isang Section B na babae. Aba't! Umalis kaagad siya at nakipag-apiran sa mga kasamahan. Yung mga bobita sinamaan sila ng tingin. Psh! "At least naman virgin pa kami, eh kayo nga ang dami ng napasok sa peks niyo. Ew." pabulong na sabi ko. Buti hindi narinig, hindi din narinig nang mga bobita. Mwehehe. Habang tulala akong kumain ng burger ko biglang nagtilian ang mga kababaehan, lalo na'yung mga taga-Section B na mga babae. Pumasok lang naman kasi sa canteen ang Prince Charming ko. Halos mapanganga ako habang nakatingin sa kaniya. May laman pa ang bibig ko pero nakakapang-laglag panga lang talaga ang ka-gwapohan niya. s**t! At halos masamid ako ng magtama ang mata naming dalawa. Mabilis naman akong dinaluhan ng mga kasama ko. Pinainom pa ako ng tubig ni VG at ito namang si Warren malakas na tinapik ang likod ko kaya mas nabulunan ako. Halos ang pag-ubo ko nalang ang narinig sa buong sulok ng canteen. Napalitan ito ng tawanan at kantyawan. At nang sulyapan ko si Dewlon ay naglalakad na ito palayo, wala man lang pakialam sa'kin. Huhuhu! Shit! Bakit kailangan niya pa kasing makita 'yun? Kailangan ko ba talagang mapahiya sa harap niya? At mukhang madadagdagan pa 'yun! Nang matapos ang exam namin. Sabay kaming lumabas ng mga kaibigan ko para abangan ang Prince Charming ko sa gate. Waaaaaah! Kinakabahan ako! Lalo na't ang Prince Charming ko pa naman ang pinakasuplado sa school! Ewan ko nga ba kung bakit ako nagkagusto sa kaniya. Ang dami ko na ngang pinagpraktisang linya para mamaya, halos maisulat ko na ang pangalan ni Dewlon sa test paper kanina. "Dewlon Montesor, it is been a 3 years but I crush you still. Now I don't know if which I feel right now. This are new, and I think I love you now." "Dewlon gusto kita, promise maniwala ka!" "Dewlon, I love you and it is been a 3 years now." Which is kaya ang i-chochoose ko? Hinayaan ko nalang sila Warren na mag-abang habang nag-pra-practice ako. Kinabahan ako dahil ang daming tao. Tapos na ata silang mag-exam lahat. Huhuhu! Talagang major major pahiya ako nito! Nang mapatingin ako sa lalakeng matangkad, sobrang itim na buhok na mas lalong nagpadepina ang kaputian niya. Sobrang gwapo niya! Halos lahat ng nadadaanan niyang babae ay napapalingon sa kaniya at naiiwang half-opened ang bibig. Malayo pa lang siya pero halos manisay na ang tuhod ko. Parang gusto ko nalang magtago sa bag ko dahil sa nerbiyos. Magtatapat na ba talaga ako? Parang hindi ko ata kaya! Back out na kaya ako, pero bukas na alis namin? Paano ba 'yan? Naramdaman ko ang pagyugyog ni Jayren sakin, "OMG, Kirt! Andyan na si Prince Charming, mo!" tili niya. "Dali, harangan muna!" sabi ni VG habang tinutulak ako sa papalapit na papalapit na si Dewlon. Naglalakad siya na parang walang pakialam sa mundo at sa mga taong nadadaanan niya. Diretsyo lang ang tingin sa labas ng gate. Mas kinabahan ako ng malapit na talaga siya sa direksyon namin at nagulat ako ng akong tinulak nila Jayren sa kaniya. Kaya bigla nalang ako nangudngod sa lupa. "Oh, s**t!" boses ni Warren. "Bakit mo tinulak!?" VG. "Dalawa kaya tayo!" Jayren. "Whahahaha!" Joseph. Waaaaah! Oh s**t talaga! Inangat ko ang ulo ko kung kaya't napatingin ako sa sapatos sa harap ko. Sapatos ito ni Dewlon! OMYGOSH! At 'yung nguso ko! OMG! Nakahalik ako sa sapatos niya! Waaaaaaaah! Achievement! Naramdaman kong pinatayo ako nila Jayren. s**t naman! Ninanamnam ko pa, eh! Nang makatayo ako'y kaharap ko na ngayon si Dewlon at ramdam ko ang ibat-ibang matang nanonood sa eksena ko. Tinignan lang ako ni Dewlon at hinead to foot, tapos nilampasan niya lang ako. Waaaah! Hindi pa nga ako nakakapagtapat, heartbroken agad!? "Dewlon!" sigaw ko. OMG! Saan galing 'yun? Huminto siya pero hindi siya humarap o lumingon man lang. Nilunok ang huling laway na ng pagiging malinis na pangalan ni Courtney Eunice Salvador. Pumikit ako ng mariin para masabi ko ang gusto 'kong sabihin ng buong tapang. Parang aatakehan na kasi ako sa puso. Hindi ko parin masabi! s**t, naman, oh! Sinasabi na nga bang, when in front of him, goodbye Philippines na talaga, eh! "D-d-dewlon...ah....I...I..." uutal-utal kong sabi. Packing tape naman, Kirt! Lumunok ako ng napakaraming beses. Kulang nalang talaga matumba ako dito sa kaba. Pinagpapawisan nako ng bongga! Hanggang sa nagsalita siya, "May sasabihin ka ba o wala?" supladong tanong niya pero hindi niya parin ako nililingon. Tumingin ako kayla Warren at sinenyasan nila akong sabihin ko na. s**t! Ito na! Ito na! Sasabihin ko na! Pinikit ko ng mariin ang mata ko. "D-dewlon..." sabay lunok. "I LOVE YOU MUCH SO!" sigaw ko ng nakapikit. Para akong nakahinga ng maluwag dahil nasabi ko na sa wakas. Ngunit nagulat ako nang maraming tumawa. Huhuhu! Minulat ko ang aking mata at nakita kong humarap si Dewlon na naka-serious parin ang itsyura. Wala man lang emosyon. Lumapit siya sakin as in super lapit na one-inch nalang ang pagitan naming dalawa, aba't tumalino sa Math, ah? At dahil maliit akong tao kaya pinantay niya ang mukha niya sa mukha ko. "I love you so much." sabi niya sakin habang nakatitig lang sakin, blanko ang mukha. Parang kumislap ang mata ko sa sinabi niya. Bumilis ang t***k ng puso ko at naramdaman ko ang mga insekto sa tiyan ko. At talaga namang halos kulang nalang tumalon talon ako sa saya. Mahal niya rin ako? I love you so much daw! Waaaaaah! Teka? Mahal niya din ako? Omygod! Parang sumabog ang puso ko sa sobrang saya! Hindi ko akalaing magiging maganda ang kinalabasan ng pagtatapat ko! Tumili naman sila Jayren. 'Yung iba naman napapasinghap, nagrereklamo at shock na shock. Oh ano kayo ngayon? Neknek niyo love ako ni Dew-- "I love you so much dapat hindi I love you much so. Don't assume much because I hate a stupid desperate girl like you."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The ex-girlfriend

read
145.0K
bc

The Jerk and The Transgender (Hot Trans Series #1)

read
58.7K
bc

Unwanted

read
532.0K
bc

His Property

read
955.6K
bc

My Cold Husband(Tagalog)

read
864.2K
bc

Sweet Temptress (Completed)

read
1.7M
bc

The Ex-wife

read
232.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook