Chapter 41 Napa lingon ako sa paligid ngunit kaming apat lang ang narito. Nang ibalik ko ang tingin sa lalaki na nasa harap ko ay ilang ulit akong napa kurap dahil naka titig sya ng diretso sa akin. Ramdam ko na hindi basta bastang titig lang ang binibigay nya sa akin. Kita ko ang pamamasa ng mga mata niya at ramdam ko rin ang mabigat na emosyon mula doon. Kung ano man 'yon ay hindi ko alam. "S-Sir?" dahan dahang sambit ko. Naguguluhan ako sa tingin niya pero there's a part of me, deep inside na parang ang gaan ng pakiramdam ko sa kaniya. "Faith..." Akmang lalapit na sa akin ang lalaki ngunit napa atras ako. Kita ko na natigilan siya at hindi rin naka ligtas sa paningin ko ang pag galaw ng adams apple nya. "Pare, what's happening?" Mr. Ervin interrupted. Pumagitna sya sa amin ngunit

