Chapter 40 "Are you okay, Miss?" Para akong nabalik sa reyalidad nang marinig ko ang tanong ng lalaki na nasa harap ko. Agad akong napa-ayos ng tayo. "Divine! Jusko! Anong nangyari?" hinawakan ako ni Melissa and she checks me. Nang makita nyang wala naman akong sugat o kung ano pa man ay tiningnan niya ang lalaki na humawak sa akin dahilan para hindi ako tuluyang mapa-salampak sa sahig. "Nako, boss, pasensya na po!" "It's okay," sagot ng lalaki na tinawag na boss ni Melissa. "Sorry po," paghingi ko rin ng pasensya. "Melissa!" Lahat kami ay napa-lingon nang marinig ang tinig ng isang lalaki. Agad na ngumiti si Melissa sa lalaking 'yon. "Robert!" bati pabalik ni Melissa sa tumawag sa kaniya. "Ay, sir!" ani Robert nang makita ang lalaki na sumalo sa akin. Mas lalo tuloy akong nakara

