Chapter 37 Masakit ang ulo ko nang magising ngunit hindi ko maidilat ng maayos ng mga mata ko. Dama ko pa rin ang panghihina ng katawan ko at nang sinubukan kong gumalaw ay ramdam ko na may pumipigil sa kilos ko. Naka-gapos ako. Naka-tali ang kamay at paa ko. Muli akong kinabahan at dumoble pa ang nararamdaman ko nang maalala ang nangyari kanina. Pilit kong binukas ang mga mata ko at ngayon ko lang napagtanto na nasa sasakyan pa rin kami, bumi-byahe papunta sa hindi ko alam na lugar. Pinaliit ko ang mga mata ko para maaninag mula sa labas ng sasakyan kung nasaan kami. Puro mga puno at wala akong makitang tao. May iilang sasakyan na nauuna sa amin at mayroon din na pabalik. Saan nila ako dadalhin? Nasa tabi ko ang babaeng nagpanggap na nurse kanina. Ngayon ay kaparehas na nya ng suot

