Chapter 38 (This whole chapter is written on Damon's point of view. Enjoy!) Damon's POV "Nawawala si Miss Faith." Parang sirang plaka na paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko ang balitang inihatid ni Bailey kani-kanina lang. Ayaw ko sanang maniwala dahil iniisip kong niloloko nya lang ako ngunit nang magpunta dito sila Mama at Papa, na mga magulang ni Faith, at hinahanap ang sa akin ang asawa ko ay doon ako tuluyang nanlumo at nanghina. Habang bumi-byahe ako patungo sa ospital kung saan naka-confine si Faith ay wala akong maisip na dahilan para umalis siya. We're both fine, masaya ang relasyon namin. Hindi lang kami nagkakasundo dahil gusto nya na siya na lang ang magsasabi sa magulang nya tungkol sa relasyon namin at ang gusto ko ay ako o kaya naman ay sabay kami aamin, hindi nam

