bc

It Started with a Kiss [Cathryn Montereal Series12]

book_age18+
955
FOLLOW
6.3K
READ
HE
kickass heroine
independent
doctor
heir/heiress
sweet
bxg
bold
lies
multiple personality
like
intro-logo
Blurb

Dahil sa kalasingan ay masasangkot sa isang scandal ang sikat na model na si, Cathryn sa kanilang Bar! May patutunguhan nga kaya ang pekeng relasyon nila ni Sherwin na nagsimula sa isang halik lamang!?

chap-preview
Free preview
Prologue
[IT STARTED with a KISS] THIRD PERSON POV: NANGINGITI ANG dalaga habang bitbit ang cake na binili nito para sa secret boyfriend nitong kapwa nito sikat na modelo. Lingid sa publiko ang kanilang relasyon dahil na rin sa uri ng kanilang trabaho. At mas gusto din nilang maging pribado ang tungkol doon kaya naman tanging malalapit lang nilang kaibigan ay may alam na magkasintahan ang dalawang batang modelo. Si Vin Mclaren at Cathryn Montereal. Excited itong lumabas ng elevator kung saan ang penthouse nilang dalawa ng boyfriend nito. Magkatabi lang ang kanilang inaakupadong unit para walang maghinala na may relasyon ang dalawa. Napapakagat ito ng labi. Nangako kasi ito sa sarili na kapag napaabot ng isang taon ang relasyon nilang dalawa ng boyfriend ay willing na itong ipaubaya sa kasintahan ang sarili ng buong-buo. Maging ang iniingatan nitong pagka-birhen. Mabuti na lang at hindi na-o-offend ang boyfriend nito na lagi niyang tinatanggihan sa kama kahit minsan ay nadadala at natutukso na rin itong magpaubaya. Hanggang torrid kiss lang ang namamagitan sa kanila na ultimo magpahipo ito sa maseselang bahagi ng katawan ay hindi pa pinapayagan ang boyfriend. Napahawi ito ng buhok na nakalugay. Matamis na ngumiti at napahingang malalim para kalmahin ang puso nitong sobrang bilis ng t***k! Sanay naman na siyang pinupuntahan sa kabilang unit ang boyfriend pero ibang-iba ang kaba nito ngayon. Marahil dala ng excitement at pananabik dahil isang taon na sila at handa na niyang ipagkaloob ang puri sa lalake. Unti-unting napalis ang kanina'y matamis nitong ngiti na pagpasok ng unit ay kaagad nahagip ng pandinig ang halinghingan at mga nasasarapang ungol na nagmumula sa sala ng unit! Nangangatog ang mga tuhod na dahan-dahang naglakad papasok at natuod sa kinatatayuan na mabungaran ang kasintahan nitong nasa kasarsagan ng kasarapan habang malakas na binabayo ang isang kapwa nila modelo ng doggy style sa mismong sala! Nakatalikod ang dalaga habang nakatuwad sa kasintahan nito. Parehong hubo't-hubad na naliligo na sa pawis! Umaalingawngaw dito sa buong unit ang kanilang ungol na sarap na sarap sa kanilang pinagsasaluhan! Nanghina itong nabitawan ang dalang cake pero dahil malayo ito sa dalawa na hibang na hibang sa pagtatālik ay hindi ito napansin! Takip ng palad ang labi na patakbong lumabas ng unit at tumuloy sa kanyang unit. Nanghihina itong napasandal ng pinto at napadausdos pasalampak ng sahig. Tila gumuho ang kanyang mundo na napahagulhol na lamang yakap-yakap ang sarili! Para siyang pinipiga sa puso na paulit-ulit nagri-replay sa isipan ang tagpong naabutan kung paano pinapaligaya ng ibang babae ang boyfriend nito sa mismong araw ng anniversary nila at sa unit pa talaga ng binata na tinuturing nilang kanilang sanctuary! "No, stop crying, Cathryn. Hindi siya karapat-dapat iyakan. Hindi ang katulad nila ang magpapaiyak lang sa isang katulad mo," kastigo nito sa sarili na pinatatag ang isip at puso. Tumayo siyang naglakad papasok ng silid at tumuloy sa banyo. Ibinabad ang sarili sa ilalim ng malamig na shower. Pero kahit anong kastigo nito sa sarili ay patuloy pa rin siya sa pagtangis. Nasasaktan. Nanghihina at nadudurog ang kanyang puso na maisip na may ibang babaeng nagpapaligaya sa kanyang mahal. Na dapat ay siya ang gumagawa. Pero dahil sa pine-preserve nito ang virginity ay sa iba tuloy naghanap ng kalinga ang kasintahang buong akala niya ay napakatinong lalake! Hinayaan lang nitong umagos ang masaganang luha. Nilalabas ang bigat na nadarama para ibsan ito. HABANG NASA bar ay hindi maiwasang makadama ng pait at lungkot ang dalaga. Tahimik namang pinapakiramdaman siya ng kanyang mga kakambal na si Catrina at Yoona habang nandidito sila sa gawi ng counter at sinasamahan ang kapatid na magwalwal. Ramdam ng mga kakambal nito na may pinagdadaanan ang dalaga kaya hindi na muna nila kinukulit at hinihintay na magbukas ito ng saloobin sa kanila. "Damn, him! Who do he think he is? Ang kapal ng pagmumukha niyang lokohin ako!" matabang saad nito. Tipsy na ang dalaga na namumungay na ang mga mata. Namumula na rin ang magandang mukha. Napapayukyok na rin ito ng ulo dala ng rami ng nainom nito. "Cheer up, sis. We are Montereal. Tayo ang iniiyakan, hindi tayo ang paiiyakin," pag-aalo ng kakambal nitong si Catrina at hinagod-hagod ang kakambal sa likod. "Maganda na rin na nakita mo mismo ang totoong kulay niya, sis. Bago mo pa maisuko ang katawan sa kanya," ani ng isa pang kakambal nitong si Yoona. Mapakla itong natawang napailing. Muling nilagok ang shot na halos ikalukot ng magandang mukha dahil sa init at pait na humagod sa lalamunan nito. "Kung kaya niya akong palitan? Kayang-kaya ko 'yong higitan! Fvck you, Vin Mclaren. Kayang-kaya kitang palitan!" madiing asik nito na ikinatawa ng dalawang kapatid na napailing. "That's it, Cathryn. Go, mag-hunting ka na ng kapalit ng kumag na Vin na 'yon!" panunulsol pa ng kakambal nitong si Catrina. Napangisi itong hinawi ang alon-alon na buhok na tumatabing na sa kanyang mukha. Bumaba ito ng high chair at tumuwid ng tayo. Kahit nahihilo ay pinatatag ang mga tuhod. Napa-flip ito ng buhok na naniningkit ang mga matang napagala ng paningin sa mga nandidito sa kanilang bar. Lalo itong napangisi na may mahagip ang paningin na pamilyar na maamong mukha. Mag-isa itong umiinom sa isang sulok na nakatutok sa kanyang cellphone. "I think I found the right one," ngisi nito. Naglakad ito palapit sa table ng binatang natipuhan at inihanda ang pang-killer smile nito. "Hi, can I join you, handsome?" malambing pambobola nito. Dahan-dahang nag-angat ng mukha ang binata at ganon na lamang ang pagkakabigla nitong mabungaran ang mala-dyosa na dalagang ini-stalked niya lang sa social media! "C-Cathryn M-Montereal?" bulalas ng binatang lalong ikinalapad ng ngiti ng dalagang kaharap. Napatayo ito na namimilog ang mga mata. Tila hindi makapaniwala sa nakikitang kaharap! Napahagikhik naman ang dalaga. Lumapit sa gawi nito na hinawakan sa kwelyo ng polo ang binatang natuod na sa kinatatayuan! "So, you know me, huh?" ngisi pa nito sa malanding boses. "T-totoo ba ito? Nananaginip ba ako?" tulalang saad ng binatang ikinahagikhik nito. Napatitig ito sa inosenteng mukha ng binata. Nakatulala pa rin ito sa kanya na puno ng kamanghaan ang mga mata. Bumilis ang t***k ng puso nito na mapatitig sa mga labi ng binatang bahagyang nakaawang! Tila natuyuan siya ng lalamunan na sunod-sunod niyang ikinalunok. Pakiramdam niya ay nagpapaanyaya ng isang masarap na halik ang mga labi nito sa kanyang paningin! Walang pag-aalinlangan na kinabig nito sa batok ang binata at siniil nito ng mapag-angking halik sa mga labi ang binatang napakapit sa kanyang baywang at kaagad tinugon ang kapangahasan ng dalaga! Pero dahil sikat na modelo ang dalaga ay maraming mga matang nakamasid dito kahit saan magpunta. Hindi nakaligtas sa mga stalker nito ang ginawa ng dalaga kung saan nakikipaghalikan ng marubdob sa binatang non-showbiz at nakunan sila ng live video! Dahil sa kasikatan ay kaagad kumalat ang video nito sa internet kung saan inaakusahan na ang dalagang isang playgirl sa totoong buhay. To save her reputation. Para manumbalik ang magandang imahe nito sa publiko ay isang pikit matang desisyon ang napagpasyahan nito. Para na rin malinis ang pangalan at maipamukha sa ex boyfriend nitong manloloko na hindi ito kawalan. Pinuntahan nito ang binata sa hospital kung saan nagtatrabaho. Mapapapayag nga kaya niya itong sumakay sa kanyang plano? Ang maging pekeng..... boyfriend nito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
77.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
107.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
70.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
162.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
21.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook